CHAPTER SEVENTEEN

2.3K 64 4
                                    


MULA sa pinagparadahan niya ng sasakyan ay tinitigan ni Madeline ang one-storey dilapidated building at nakatayo sa gitna ng isang malawak at nababakurang solar. Sa harapan nito ay ay ang luma at halos hindi na mabasang karatula ng VGM Broadcasting. Randomly planted around the property were narra trees. The trees must have been there forever.

Sa labas ng bakod ay ilang establisimyento sa bayan ng Esperanza. Sa parking lot ay nakaparada ang isang lumang van na may logo ng istasyon. Sa tabi nito'y isang owner-type jeep.

Napaungol siya. "Operational pa ba ang istasyong ito?" tanong niya sa sarili. Napasandal siya at nagpalinga-linga.

Kasalukuyan siyang nag-aalangan kung bababa at pasukin ang building nang may matanaw siyang isang babaeng lumabas mula sa main entrance.

Nakangiti at sa kanya patungo. Hinugot niya ang susi sa ignition. Dinampot ang shoulder bag at lumabas ng pickup.

"Hello," nakangiting bati ng babae na sa wari ay nasa pagitan ng kuwarenta at singkuwenta ang edad. Tila si Greta Garbo sa ayos. Still lovely in her old age. Inilahad nito ang kamay sa kanya. "You must be Madeline. I am Mrs. Montoya."

Napahugot siya ng hininga, tinanggap ang kamay nito. The handshake was firm. "P-paano ninyo ako nakilala?" she asked, nalalanghap niya mula rito ang kakaibang pabango.

She loved perfumes. May mga collections siya ng halos lahat ng pabangong gusto niya ang amoy. Iyon lang ang luho niyang matatawag. It was subtle and sweet. But she couldn't make the scent. It could be Elizabeth Taylor's Diamond.

At hindi niya maunawaan kung bakit retro ang suot ng babaeng ito.

Kung sa bagay ay bumabalik naman sa fashion ang retro. Pero hindi sa ganitong tila nakagayak ito para sa isang period theatre play. Uso rin ngayon ang malalapad na headband. Subalit iba ang dating ng malapad na headband dito. It was as if she came from another time, from another generation.

"Oh, I am expecting you. Sinabi sa akin ni Gene na darating ka. He is my husband. Tayo na sa loob. Ipakikilala kita sa mga tao roon."

"But I was suppose to come here on—"

"It doesn't matter. You are here now." Ikinawit nito ang braso sa hook ng braso niya at inakay siya papasok. Bagaman malinis, tulad ng labas ng building ay ganoon din kaluma ang loob. Ang mga dingding ay nangangailangan ng bagong haplos ng pintura.

"Good morning, ma'am," bati ng isang lalaki na lumabas mula sa isang booth na sa tingin niya'y nangangailangan na rin ng bagong anyo.

"'Morning, Lito. Ipinakikilala ko sa iyo si Madeline Ocampo. She's the new station manager."

Madeline gasped. Station manager?

"How are you, Ms. Ocampo?" nakangiting inilahad ni Lito ang kamay sa kanya. "Welcome to VGM Broadcasting."

He was a plump man in his thirties. Ang tinig ay sadyang nababagay para sa pagiging announcer nito. At least, normal ang suot nito, kupasing maong at puting short-sleeved polo shirt.

"Si Lito ay isa sa mga announcers, hija," Mrs. Montoya explained unnecessarily. "Nagbabalak na lumipat ng trabaho." Nakita niya ang pagkamangha at pagkatapos ay pagkailang sa mukha ni Lito na natiyak ni Madeline na hindi ipinaaalam nito ang balak.

Isang tawa ang pinakawalan ni Mrs. Montoya. "He is very good at his job, Madeline.

Manghihinayang ako kung aalis ka, Lito," wika nito sa empleyado. Kapagkuwa'y ibinaling kay Madeline ang pansin. "Pigilin mo. Ipakita mong hindi nila kailangang maghanap ng ibang istasyon. Na sa pamamagitan mo'y muling mabubuhay ang VGM." Patuloy siya nitong inakay hanggang sa pasukin nila ang isang silid na sa pinto ay may nakalagay na "Manager."

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon