EPILOGUE

3.5K 109 22
                                    


TWO MONTHS later, ikinasal ang dalawa sa mismong hardin ng villa. Isang pribadong seremonyas na pamilya lang at ilang malalapit na kaibigan ang sumaksi.

Si Bobby ang ring bearer at si Sherie ang flower girl.

Si Molly ang bridesmaid at si Bruce ang best man.

"Do you have to open those gifts?" amused na sabi ni Keith nang sila na lang dalawa at nagsialisan na ang mga bisita at nailigpit na ng caterer ang lahat ng kalat. Ang mga bata'y kasama ni Juano Montecillo pauwi sa mansiyon.

"Just this particular gift, Keith," she said. "Tingnan mo ang gift wrapper, parang luma na. "Sino sa mga bisita natin ang magreregalo ng ganito."

Inisang-lagok nito ang laman ng kopita at inilapag iyon sa mesa at naupo sa armrest ng sofa. "You're right. Parang niluma na ng panahon ang gift wrap. Buksan mo."

She carefully unwrapped the gift. Iningatang walang mapunit. "It's an old family album!" bulalas niya nang matanggal ang balutan.

Bumaba mula sa armrest si Keith at naupo sa tabi niya. "Sino ang magpapadala niyan sa atin?"

Nang buksan niya ang hardbound cover ay bumungad sa kanila ang malaking larawan na nasa unang pahina. Larawan ng isang lalaki at babae. Sa ibaba ay may caption. Binasa iyon nang malakas ni Keith.

"Victor Generoso Montoya, I. Lilac Velasquez Montoya. First wedding anniversary."

Madeline gasped. "Velasquez..." usal niya. "M-magka-pareho kami ng apelyido sa ina!" Kapagkuwa'y nilingon niya ang life-size portrait. "Sila ang nasa portrait, Keith. Mr. Montoya's grandparents and he never told us. Sinabi niyang may kahawig ako. He must be referring to his grandmother!"

Ibinalik niya ang atensiyon sa asawa. "Si Mr. Montoya ang nagpadala ng album, Keith."

"Titigan mong mabuti ang larawan ni Victor Generoso Montoya, I. Hindi ba pamilyar sa iyo?" His voice shook a little.

"Si... si Mang Generoso." Pinigil ni Madeline ang mapahikbi.

Kinabig ni Keith ang asawa at pinisil ang balikat. There were mists in his eyes, too. Sa nakalipas na mga taon ay bahagi na ng buhay nila ni Madeline si Mang Generoso. Gayunma'y hindi matanggap ng isip niya na kababalaghan ang mga naganap. Dahil walang kababalaghan siyang nakita. Lahat ay umayon lamang sa mga pangyayari. Not even the strange conversation with the old woman at the drugstore; o kahit ang pagpara ni Mang Generoso sa kanya sa daan; o ang biglang pagkatakot ni Dante na naging dahilan ng pagkahulog nito sa hagdanang bato.

Suminghot si Madeline. Masuyong hinaplos ng daliri ang mukha ni Victor Generoso Montoya, I. Then his fingers moved to the woman beside him. "I've met her, too. Siya ang tumanggap sa akin sa istasyon ng radyo noong unang araw na naroroon ako. No wonder Mr. Montoya paled when I mentioned her name."

Hindi kumibo si Keith, hindi gustong dagdagan ang kababalaghang nararamdaman ni Madeline. That he, too, had met the woman at the drugstore and tactfully put the idea of revisiting the villa that night into his head.

"Dalawang buwan na ang lumipas at halos araw-araw akong nasa opisina subalit hindi na siya nagpakita pang muli. This couldn't be true, Keith," she sobbed. "No one will believe us."

"Tama ka. Walang maniniwala sa atin."

"Natitiyak kong siya rin ang matanda sa McDonald's."

"Those two, whoever they are, had brought us together, sweetheart. Ibinigay nila sa atin ang ikalawang pagkakataon. Only I wonder why it took them this long..."

"Marahil dahil walang dahilan para umalis ako sa trabaho ko, Keith. The Milans were kind and they truly loved Sherie."

There's the logical explanation, he thought. Pero hindi niya gustong kontrahin ang paniniwala ng asawa dahil totoo namang maraming bagay ang hindi kayang hanapan ng paliwanag. "We will miss them both, sweetheart. Lalo na si Mang Generoso."

Nilingon muli ni Madeline ang kuwadro. Thank you, inusal niya nang walang tinig.

"Yeah. We will miss him."

"YOU ARE welcome, my dear," ani Generoso.

"Kailangan pa bang makita ni Madeline ang sulat ng ina niya sa kanilang mag-ama bago ito namatay sa isang ospital sa Maynila?" tanong ni Lilac. "Itinago iyon ng tatay niya kasama ng libreta de bangko pero hindi ipinakita ni Benita sa kanya."

"We've given them so much gift, my love. Marahil ay sapat na iyon. Sapat na ring malaman niyang ang inay niya ay nagmula sa iyong angkan. That she is your great-granddaughter through your cousin."

Tumango si Lilac. "She didn't believe that her mother left with another man. That's good and comforting. Nilunod ng tatay niya ang sarili sa alak dahil sa matinding guilt na hindi man lang nadamayan ang asawa sa nakamamatay nitong sakit."

He smiled into her eyes. "Time to go, my love."

Inikot ni Lilac ang paningin sa buong kabahayan. "I'll miss this house, Gene. Everything about it. I'll miss the station, too. And I'll definitely miss those two."

"Ako rin, mahal ko. But we've stayed long enough. Umaasa akong tulad natin ay magiging maligaya ang dalawa. Ano man ang dumating nabagyo sa buhay nila'y kakayanin nilang harapin."

"Good-bye, Keith... Maddy." Lilac blew them a kiss.

SUDDENLY, Madeline went still. Kapagkuwa'y tumayo at tumakbo palabas ng villa habang hawak sa magkabilang tagiliran ang trahe de boda upang hindi masabit ng mga paa niya.

Sa labas ay binaybay niya ang bakod, looking around her at the same time. Huminto siya malapit sa duyan at tinanaw ang tahimik na karagatan. She must have imagined the sound of the waves rushing to the shore. Dahil ang tanging naririnig niya'y ang huni ng mga nagliliparang ibon; ang imbay ng mga dahong hinihipan ng hangin.

"What is it, sweetheart?"

She shook her head. "H-hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag. Parang may nagpaalam."

Mula sa likod ay niyakap siya ng asawa at masuyong hinagkan sa batok. "Despite the occurrences, I don't believe in anything uncanny, or bizarre, Maddy. Or paranormal... or magic. Maaaring may paliwanag sa lahat ng nangyari. But I do believe that I love you so much. At nangangako akong mamahalin kita hanggang sa dako pa roon."

Inihilig ni Madeline ang likod ng ulo sabalikat ni Keith. Her arms closed around his. Ipinikit ang mga mata, savoring the happiness Keith's love brought her.

"So do I, my love. So do I. Hanggang sa dako pa roon."


                                                         •••WAKAS•••

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeWhere stories live. Discover now