CHAPTER ELEVEN

2.1K 57 4
                                    


Present.


"SAAN tayo punta, Mommy?" tanong ni Sherie na nasa backseat ng Ford Ranger pickup. Mula sa rearview mirror ay nakita niyang nililingon nito ang mga gamit nilang nakakahon sa likuran ng pickup truck at sa paligid nito.

"Dadaan tayo sa house ng friend ko, sweetheart. Pagkatapos ay tutuloy tayo sa next town at pansamantala sa beach cottage muna tayo matutulog. Tomorrow, maghahanap siMommy ng mauupahang bahay."

"What is mauu... ano iyon, Mommy?"

Smiling, she rolled her eyes. Ihanda na niya ang sarili sa walang katapusang tanong. "We will find us a house, Sherie. Doon na tayo titira." She heard her daughter murmur "okay."

Sinulyapan niya ang bag niya sa passenger seat. Sa loob niyon ay ang sobre na inilagay niya roon noong nasa McDonald's sila. Ni hindi pa niya nasisilip ang laman niyon. She was wary of what she would read in there.

Ayon sa matandang lalaki'y suriin niya ang sobre kung wala silang mahahanap na tirahan. Paanong nahulaan ng matandang lalaking iyon ang lahat ng mga bagay na kailangan niya?

"Will we see Gene, Mommy?"

Napabuntong-hininga siya. "I don't know, sweetheart. Maybe. Siya ang nagbigay ng calling card sa akin, 'di ba?"

Mula sa rearview mirror ay nakita niyang tumango ito. "Yep. Baka owner siya ng radio station, Mommy."

Maaaring tama ang anak niya. Pero bakit walang pangalang nakalagay sa calling card?

Kung sa bagay ay hindi naman nito sinabing sabihin niya sa kompanyang ini-refer siya nito. Ang sinabi lang nito ay mag-apply siya. It was as if he had been very sure that she would getthe job.

She must be crazy for believing there was a job waiting for her in Esperanza. Ang tanging nagpapalakas ng loob niya'y ang katotohanang hindi naman sila magugutom kahit dalawang taon pa siyang walang trabaho.

Sa nakalipas na limang taong pagtatrabaho niya ay ganoon na lamang ang pagtitipid niya. Kung mayroon man siyang pinagkakagastahan ay walang iba iyon kundi ang mga kailangan ni Sherie. At ang Ford Ranger na gamit nilang mag-ina'y isang karagdagang sorpresa at regalo mula sa mga Milan. Noong sabihin ng mga ito na iiwan sa kanya ang pickup na wala pang tatlong taong gamit ni Mr. Milan ay mariin siyang tumanggi. They had given her so much and it didn't feel right to accept for more.

Nang ipagbili ng mga ito ang bahay sa New Manila ay kasama nang lahat ang mga naroroong kasangkapan at mga sasakyan. Siya ang naghatid sa mag-asawa sa airport gamit ang pickup na iyon. Alam niyang ibabalik niyang muli iyon sa garahe para sa panibagong may-ari.

Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang tawagin na ang flight ng mga ito'y ibinigay sa kanya ni Mr. Milan ang isang brown envelope."There are some papers in that envelope that I need you to peruse, Madeline," wika nito.

Itatanong sana niya kung ano ang gagawin pagkatapos subalit nilapitan na nito ang asawa na hindi malaman kung paano magpapaalam kay Sherie. Mrs. Milan was crying unabashedly, na para bang totoong apo nito ang iiwan. At pagkatapos ay nagmamadali na ang mga itong tinungo ang exit patungo sa tarmac.

Nang buksan niya ang envelope nang pauwi na sila'y hindi niya napigilang umiyak. Nasa loob ng envelope ang mga dokumentong naglilipat sa pangalan niya ng ownership ng sasakyan.

Si Mr. Milan ang nagpilit sa kanya na dapat ay matuto siyang magmaneho kaya naman nag-enroll siya sa driving school. Makalipas lamang ang ilang buwan ay mahusay na siyang magmaneho. Paminsan-minsan ay siya ang nagmamaneho kay Mrs. Milan sa tuwing gusto nitong mag-shopping—na karaniwan na'y nagugulat siya dahil ang mga bibilhin nito'y mga gamit ni Sherie.

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon