CHAPTER EIGHTEEN

2.4K 62 8
                                    


NAPASINGHAP si Madeline sa gulat. "Akala ko'y... umuwi ka na."

Itinaas nito ang hawak. Ang kabilang pares ng sapatos ni Sherie. "Nahubad niya marahil kaninang pauwi."

Padabog at binilisan niya ang paglabas ng banyo patungo sa silid nilang mag-ina. "You just can't get in and out of my house as you please, Keith."

"I knocked," bale-walang tugon nito. "And you should make it a habit to bolt your door, Maddy. Hindi mo alam kung sino ang maaaring pumasok."

"Mommy, galit ka kay Papa?" Sherie murmured.

Napamaang si Madeline. Nilingon si Keith. Itinaas nito ang kamay. "Uh... uh. Wala akong kinalaman diyan." His eyes twinkling.

"He's not your papa, Sherie," aniya sa mahinang tinig at ipinasok sa silid ang anak at inihiga sa kama. Tumayo at kumuha ng damit nito at polbo.

"I want Keith... to be my... papa." She rolled her head sideways, tuluyang iginupo ng antok.

Pinunasan niya ang ilang basang bahagi ng katawan ng bata. Pagkatapos ay pinolbohan at sinuotan ng pajama at T-shirt.

"Magigising mo ang bata, Maddy. Huwag mong ibunton kay Sherie ang inis mo sa akin," amused na paalala ni Keith mula sa pinto.

She stilled. Binibihisan niya ang anak sa padabog na paraan at hindi siya aware doon. She sighed. Kissed her daughter's forehead. "'Night, honey," she whispered, kahit alam niyang hindi na iyon naririnig ng anak. Binuhay niya ang lampshade na nakapatong sa monoblock chair at pagkatapos ay pinatay ang main switch.

Lumakad siya palabas at nilampasan ito sapinto. "This can't go on, Keith," aniya habang lumalakad sa pasilyo patungo sa hagdan.

"What is what can't go on, Maddy?"

"Huwag kang magmaang-maangan. Alam mo ang ibig kong sabihin?" Tuluy-tuloy siya sa hagdan at nagmamadaling bumaba. Ang nasa isip ay tuluyan itong itaboy. "Ayokong kuhanin mo ang anak ko rito bukas at sa iba pang araw."

"No problem," kaswal nitong sabi. "You didn't get the job?"

Nasa ibaba na siya nang matigilan. Of course, she had a job! Nang lingunin niya si Keith ay nakakalokong ikiniling nito ang ulo, questions and amusement were both in his eyes.

Napabuntong-hininga siya. Sa halip na sa pinto ay sa kusina siya nagtuloy. Sumunod si Keith. Nagtimpla siya ng kape para sa kanilang dalawa.

"Hindi mo na ako sinagot. Is the station still operational? I believe the building that housed the radio station is condemned."

Inabot niya ang isang mug dito at lumakad pabalik sa sala. Naupo siya sa sofa na kasama niyang binili kahapon. It wasn't the kind that she preferred but it was serviceable. Iyon din lang ang klaseng mabibili sa bayan.

"The building is old but stable, Keith. It is operational and I have a job. Station manager cum accountant cum etc... etc.," she said drily, dahan-dahang hinigop ang kape. She only had a can of Campbell's chicken soup this evening at biskwit. Goodness, pagkain ng maysakit. Pero hindi na niya gustong magluto pa para sa sarili.

Naupo sa tabi niya si Keith at ibinaba ang mug sa center table. Nawala ang amusement sa mukha. "Really? Inaasahan ko pa namang walang trabahong naghihintay sa iyo roon."

She frowned. "Why would you expect that?"

Nagkibit ito. "I prefer a nonworking mother. Mas naaasikaso ang bata."

Marahas niyang ibinaba ang mug niya sa tabi ng mug nito at muntik nang matapon ang kape.

"Easy for you to say. May negosyo ka. Kaya mong umupa ng isang dosenang yaya, at—"

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon