CHAPTER SIXTEEN

2.3K 59 2
                                    


ANG MGA tauhan ng local na kompanya ng elektrisidad ay kaninang umaga lang dumating. Kasalukuyang nag-aayos ng poste ang mga ito nang dumating si Keith. At dahil hindi maaaring walang tao sa villa habang may inaayos na kuryente at hindi rin naman gusto ni Keith na ma-disappoint ang mga bata, nagtuloy ang mga ito sa Trinidad at nagpaiwan siya.

"Napakaganda talaga ng lugar na ito, Maddy," wika nito sa ikatlong pagkakataon mula nangdumating ito nang bandang alas-kuwatro kanina. Tinanaw nito ang karagatan sa malayong ibaba mula sa bintana ng master's bedroom. Ang matarik na dalisdis pababa ay berdeng-berde dahil sa makakapal na punong-kahoy.

Napangiti siya, iniha-hanger ang mga damit ni Sherie sa isang bahagi ng aparador. They didn't have that much clothes. Only the essentials. Maliban sa twenty-four inches flat television at computer ay wala na silang iba pang gamit. Ang apartment na tinirhan nila sa nakalipas na limang taon ay half-furnished.

"Kabisado na natin ang bali-balita tungkol sa bahay na ito, Maddy, mga bata pa tayo. This doesn't look like a haunted house thought..." Her voice trailed off.

"Ikaw na mismo ang nagsabi niyan," sagot niya. "Panakot lang ang balitang iyon para walang mag-trespass dito."

"Ang ilang taong napapadaan sa lugar na ito ay sumusumpang walang ganyang halamang namumulaklak na makikita, Maddy. Na matataas na damo ang nakapalibot sa buong villa. Si Keith at si Bruce ang uri ng taong hindi naniniwala sa mga ghost stories. Pinagtatawanan lang nila iyon. Pero kanina ay hindi mo siguro napansing nagulat si Bruce nang sabihin mong dito ka tumutuloy."

She was amused. "Mayroon din bang sariling kuwentong maibabahagi si Bruce tungkol sa bahay na ito? Akala ko ba'y hindi sila naniniwala ni Keith sa mga kababalaghan?"

"He swore he saw and heard it himself. Minsang nag-shortcut daw siya mula Esperanza ay natanaw niya ang bahay na ito na maliwanag mula sa main road. Iyong uri ng liwanag na hindi nagmumula sa kandila. At alam ng lahat na huling nagkailaw ang bahay na ito ay animnapung taong mahigit na ang nakaraan. He got curious. Kaya iniliko niya ang sasakyan patungo sa private road."

"Baka namamalikmata lang siya, Molly."

"Hindi ko rin gustong maniwala at baka ginu-good time lang ako. Pero inulit uli niya ang kuwentong iyon nang umalis na kayo kanina. He said he slowed down his car as he got nearer. Then he stopped. Opened his car door and went out of the car. That was when he heard the music.

"Waltz something daw. Parang may nagaganap na kasiyahan. He got curious and climbed that hundred stone steps. Palakas daw nang palakas ang musika habang pumapanhik siya. Pero nang nasa itaas na siya gayon na lang ang gulat niya nang makitang madilim ang buong kabahayan. Ang buong paligid. Malalago ang mga damong nakapaligid at may mga overgrown weeds at kadena de amor na nakakapit sa mga rehas ng bintana—"

She laughed. "Bruce must be drunk."

Molly's face fell. "Oh, well, yes. Nakainom siyang talaga dahil galing siya sa party ng kaibigan niya. Kaya hindi ako nakasama dahil sinamaan ako ng tiyan. But not really drunk. Otherwise hindi siya makakapagmaneho pauwi."

"See what I mean? People see and hear what they wanted to see and hear. Kalimutan na nga natin iyan. Tara sa ibaba at ihahanda ko na ang lulutuin kong carbonara."

"Bruce wouldn't joke something like that, Maddy. Lalong hindi sa iyo."

"Marami ang hindi nakakaalam na may hardinerong nagmamantini ng villa, Molly. Alaga niya ang magagandang halamang nakikita mo sa ibaba. Ano ang malay mo at baka si Mang Generoso ang gumagawa ng mga kababalaghang natatanaw sa ibaba. Sinasadya niya."

"Well..." Molly sighed, sapilitang sumang-ayon. "I suppose it was your gardener who spread the rumor about ghosts and about the house being haunted. Tulad nga ng sabi, to dissuade trespassers. Aba, malaking halaga rin ang iilang antigong kasangkapan sa ibaba, ah."

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz