CHAPTER TEN

2K 60 4
                                    


"ANO ANG gusto mong pag-usapan natin, Lotti?" narinig ni Madeline na tanong ni Keith. Nasa tinig nito ang pagkainip. Nasa itaas siya at nakapanungaw sa bintana. Ni hindi ito naupo sa loob ng swing kung saan naroroon si Lotti at doon na naghintay sa pagdating nito. "And where's Madeline? Kung may sasabihin ka sa akin ay gusto kong marinig din niya."

"Oh, really?" she taunted, smiling a little. "Gusto mo bang marinig din niya ang sasabihinko? Na nagdadalang-tao ako at ikaw ang ama? Huwag kang mag-aalala, malalaman niya. Ako mismo ang magsasabi."

"What?"

Kahit siya'y mapapasinghap nang malakas kung hindi niya nailagay sa bibig ang kamay.

"Narinig mo, Keith. Nagdadalang-tao ako at ikaw ang ama."

"Hindi totoo ang sinasabi mo, Lotti!" Keith said angrily. "Paanong mangyayari iyon gayong halos dalawang buwan na tayong hindi magkasama? Bakit hindi mo ipaako kay Dante ang batang iyan na natitiyak kong siyang dapat managot?"

Lotti let a long suffering sigh. "Iyan mismo ang dahilan kung bakit nag-break kami ni Dante, Keith," wika nito sa mapagpakumbabang tinig. "I am ten weeks pregnant. Do the math, Keith. Hindi si Dante ang ama ng dinadala ko!"

"No!" Marahas nitong sinipa ang poste ng swing sa matinding galit. "Ginagawa mo ito upang sirain ang relasyon namin ni Madeline!"

Sa pagkakataong iyon ay hindi nagawang itago ni Madeline ang hikbing lumabas sa bibig niya. Napatingala si Keith at nagpanagpo ang mga mata nilang dalawa.

Ang kay Keith ay puno ng kalituhan, galit, at kung ano pang hindi niya kayang basahin. Whilethere was no accusation in her eyes. She was too numb to feel any emotion. Kanina pa niya nararamdamang may nakaambang masamang mangyayari sa gabing ito. She just didn't know what?

At higit pa palang bangungot ang narinig lang niya kaysa sa kung anu-anong bagay na pumapasok sa isip niya kaninang maaaring sasabihin ni Lotti kay Keith. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa isip niyang nagdadalang-tao ito.

She wanted to scream at the unfairness of it all. Pareho silang nagdadalang-tao ni Lotti at ni hindi niya nagawang sabihin kay Keith ang tungkol sa sariling kalagayan. Now she didn't know whether to be sorry or be thankful that she hadn't had the chance to tell him that she, too, was pregnant with his child.

Mahihirapan si Keith na gumawa ng desisyon. It was her fault that she had gotten herself pregnant. Ipinagkaloob niya ang sarili rito sa mismong araw na nag-break ito at si Lotti. Na ipinagkaloob niya ang sarili kay Keith nang walang pinanghahawakang kasal. Ngayon ay nakatakda niyang pagdusahan ang konsekwensiya.

Konsekwensiyang may idinamay siya—ang magiging anak niya.

Isa pa, hindi naman kasalanan ni Lotti na nang maghiwalay ito at si Keith ay nagdadalang-tao pala ito at si Keith ang ama. Neither Keith's.

Ano nga ba iyong sinabi ni Molly sa kanya? Huwag kang makikipag-boyfriend sa isang lalaking katatapos lang ang relasyon sa ibang babae, Maddy. You will be on the rebound. Sa katapus-tapusan, ikaw ang masasaktan..."

She didn't listen to her friend. Umalis siya mula sa bintana, pinipigil ang paghikbi. Narinig niya ang pagtawag ni Keith sa kanya. Lumabas siya sa kuwarto at bumaba. Nasa may paanan na ng hagdan si Keith.

"We have to talk, Maddy..." he said frantically.

Nasa mga mata nito ang kabagabagan at kalituhan. Her heart went out to him. But she was suffering, too. And would suffer in the next days to come.

Halos bilangin niya ang mga baitang sa pagbaba. Huminto siya dalawang baitang bago sa ibaba para nasa eye level niya ito. "Pag-usapan ninyo ni Lotti kung ano ang mabuting gawin, Keith," she said in a calmness she was far from feeling. In fact, she felt like dying.

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeWhere stories live. Discover now