CHAPTER FOURTEEN

2.2K 60 6
                                    


"I SEE." Keith felt the jolt that passed through him. He recognized it as jealousy. Para sa isang walang mukhang lalaki na nagbigay rito ng anak. Isang bagay na noon pa man ay pareho na nilang pinangarap.

"Keith, ayoko na!" tili ni Madeline at iniwas ang mukha nang matalo niya ito sa sabuyan ng tubig sa dagat.

Hinabol niya ito nang tumakbo ito sa paahon at nang abutan niya'y pareho silang napadapa sa buhanginan. She was laughing hysterically and was trying to get away from him. He was laughing too and tried to pin her arms down the sand.

"Madaya ka," anito, humihingal. Her eyes sparkling.

He smiled at her. His eyes roved around her face tenderly. My god, how he loved this girl.

"You are my life, Maddy," he had said, and looked into her eyes. "Someday soon, we'll marry, and you will give me six children. Kahit puro babae o puro lalaki. I don't mind. Lahat ay bunga ng pagmamahalan natin."

"Bakit naman ang dami?" she asked with a frown though there was a shadow of a smile in her eyes.

"Pareho tayong nag-iisang anak, sweetheart. Gusto ko ng malaking pamilya." He slid himself downward. Ibinaba niya ang garter ng basang shorts nito, then gently bit her stomach.

"K-Keith..."

He raised his head as he rolled her shorts down. "I love you, Maddy. I want us to start making those babies now."

"Here?" May kislap ng pananabik sa mga mata nito nang lingain ang magkabilang bahagi ng dalampasigan.

"Duda ako kung may maliligaw ritong tao.

This beach is very private. Pag-aari ng may-ari ng bahay-Kastila. Isa pa'y malayo ito sa kabayanan ng San Ignacio at San Roque." His hands started to trek towards the inside of her shorts.

"At... at... kinatatakutan..." she said, purring. Keith grinned inwardly and sucked the soft flesh of her thighs, it was one of the things he liked about his Maddy. She was so responsive, so passionate, and so eager to please him.

Keith was shocked to feel the jolt of desire. He looked at her again. Nakapantulog na ito. Disente sa pangkalahatang pamantayan ang suot. Subalit nababanaag niya ang hugis ng katawan nito sa cotton blouse at pajamas. Wala na ang slim na dalagitang natatandaan niya. She had filled in all the right places. Her breasts were fuller, na agad na nagpapaalala sa kanya na sa maraming pagkakataon ay dinadama at hinahagkan niya ang mga iyon.

Keith stared at her slightly parted lips. He knew how those lips felt as they touched his... as they innocently trailed down his throat and chest. Sinisikap niyang paglabanan ang matinding pagnanais na kabigin ito at ikulong sa mga bisig niya at hagkan hanggang sa magawa niyong tumbasan ang maraming taon niyang paghihintay.

"Ikaw, Keith? Kumusta ka na?" Pinutol ng tinig ni Madeline ang daloy ng isip niya. "Ang papa mo? Kayo ni Lotti? Ang ... anak ninyo?" She was on the offensive and Keith could hear it from her voice.

"Natitiyak kong walang pinaligtas na detalye si Molly sa iyo," he said drily. "Anyway, nasa akin ang anak ko. And my father has retired from politics years ago. Wala na rin sa mansiyon ang mag-inang Leticia at Dante."

"Oh." Her brows rose in query. She hadn't expected that. "Paanong nangyari?"

"Molly missed telling you that piece of information about my family?"

"There's no need to be sarcastic, Keith. Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Kung hindi mo gustong sabihin—"

"Molly didn't really know the exact details. Ginawan ni Papa ng paraan na huwag nang lumaganap ang balita sa bayang ito tungkol sa pag-alis nina Leticia at Dante," he continued. "'Can't blame her for not telling you. Wala pang isang taon matapos kang umalis sa bayang ito ay pinaalis ni Papa ang dalawa. He filed annulment. They are con artists, Maddy."

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeWhere stories live. Discover now