CHAPTER FIVE

1.9K 57 0
                                    


INABOT na si Madeline ng gabi sa daan. Kung bakit naman kasi kapag ganitong labasan ng panggabing klase sa SIC ay punuang lahat ang tricycle. Habang tumutulong siyang magligpit ng mga bagong dating na mga paninda sa canteen para bukas ay hinunta pa ba naman siya ng canteen concessionaire. Tuloy ay nawaglit sa isip niya ang oras.

Kaya heto at wala pang kinse minuto siyang nahuli sa paglabas sa compound ay malakingbagay na. Napabuntong-hininga siya. Kung sana'y katulad siya ng pinsang si Lotti na full-time student. Wala naman siyang reklamo sa pagiging working student niya, ang hindi lang niya gusto ay iyong ginagabi siya nang ganito paminsan-minsan sa pag-uwi niya.

Nang magsimula siyang magkolehiyo ay nagpasaring na rin sa kanya si Lola Benita na wala na halos kinikita ang pagtitinda ng kakanin nito sa palengke dahil na rin sa nagsulputang mga kakompetensiya. Kaya naman minabuti niyang pagkatapos ng klase niya ay magtrabaho sa main canteen ng SIC bilang tindera at kahera na rin.

Ang trabaho niya'y mula alas-singko ng hapon hanggang alas-otso y media ng gabi. Katunayan ay hanggang alas-siete y media lang naman ang canteen pero tumutulong pa siyang magligpit ng mga paninda at maglinis na rin. At kahit paano ay hindi na siya mapapasaringan ni Lola Benita dahil part-time scholar siya at kung pama-pamasahe at gastos sa project niya ay hindi na siya humihingi rito.

Binilisan niya ang lakad sa wala nang taong kalye. Kailangan niyang makarating sa main road para doon mag-abang ng jeepney pauwi sa kanila. May kadiliman na sa bahaging iyon ng daan dahil ang poste ng ilaw ay hanggang samay gate lang ng SIC.

Sandali siyang nagmabagal nang sa may luma at hindi na ginagamit na waiting shed ay may natanaw siyang dalawang lalaki na nakasandal sa poste. Kumikislap sa dilim ang sigarilyo ng mga ito. Marahil ay mga estudyante at naglakad-lakad hanggang sa waiting shed sa pag-aabang din ng tricycle.

Nilakasan niya ang loob at nagpatuloy sa paglakad. Naisin man niyang tumawid sa kabilang bahagi ng daan ay hindi niya magawa dahil higit na madilim sa kabila at puro talahib ang bahaging iyon.

"Hey!" tawag ng isa sa kanya nang nasa tapat na siya ng mga ito. "Aba, at ang pinsan pala ni Lotti," dugtong nito nang makilala siya. Pinitik nito sa dilim ang upos ng sigarilyo kasabay ng pag-angat ng likod nito mula sa kinasasandalang poste. Lumapit ito sa kanya.

Kung kilala siya ng isa sa dalawa ay malamang na kakilala rin niya. Nakahinga siya nang maluwag lalo na nang makitang ang isang lalaking nanatiling nakasandal ay estudyante rin sa SIC kung ang pagbabasehan ay ang puting polo shirt na suot. At nang aninagin niya ang mas mataas na lumalapit sa kanya ay nakilala niyang si Dante. Keith's stepmother's son.

Sa pagkakaalam niya'y nagtatrabaho ito sa isamga tindahan ng poultry supply ng mga Montecillo. Hindi nga lang niya matiyak kung ano ang ginagawa nito sa lugar na iyon kasama ang isang estudyante.

"H-hi..." aniya. Hindi sila magkaibigan subalit kilala niya ito at ganoon din ito sa kanya.

Una, dahil anak ito ng asawang kauli ng mayor sa bayan nila; Pangalawa, dahil guwapo ito at nababalitang palikero na malimit ikagalit ng ina nito at sinusugod ang sino mang babaeng napapaugnay rito; Pangatlo, mayabang at arogante ang lalaki; Pang-apat, nakita na niyang minsang inihatid nito si Lotti sa bahay nila.

"Nagmamadali ka ba?" ani Dante sabay hawak sa braso niya na ikinasinghap niya. "Huntahan muna tayo."

Napalinga siya sa paligid. Walang tao ang kalye dahil pasado alas-nueve na ng gabi. Kung may mangilan-ngilan mang tricycle na nagdadaan ay mabibilis ang takbo at may mga pasaherong sakay hanggang sa likod ng driver.

"G-gabi na. Tiyak na hinahanap na ako ni Lola. M-mahirap kasing sumakay." Pilit niyang binabawi ang braso subalit humigpit ang pagkakahawak ni Dante roon.

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon