CHAPTER THREE

2.2K 51 1
                                    


San Ignacio, five years ago...


"DALA mo ba? 'Asan na?" came the impatient and familiar voice that halted Madeline from opening her cubicle door.

"N-naiwan ko, Lotti. Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo kaya hinila kita rito sa CR."

"Naiwan mo!" Napataas ang tinig ni Lotti. 

"Saan?"

"Malamang na sa loob ng kotse ni Tatang," sagot ng nag-aalalang tinig ni Bettina, Lotti'sfriend and classmate.

"Hindi ako makapaniwalang naiwan mo iyon." Tuluyan nang lumabas ang galit sa tinig ni Lotti. "How could you be so careless! Paano kung may makakita ng pouch? Ang tatang mo, lalo na!"

"Sinesermunan kasi ako ni Tatang kanina habang patungo kami rito dahil ipinatawag siya ng dean. At nagmamadali akong makababa."

"O, eh, bakit hindi mo balikan at kunin? Nasa parking lot naman ng kolehiyo ang kotse ng tatang mo."

"K-kausap ni Tatang ang dean. Hindi ko mahihingi ang susi lalo at malalaman niyang nanganganib akong hindi maka-graduate ngayong March," naiiyak nitong sabi.

"Di hintayin mo sa parking lot ang tatang mo at kapag lumabas ay sabihin mong may nakalimutan ka. Easy."

"Hindi ko yata magagawang magpakita kay Tatang pagkagaling niya sa dean's office, Lotti. Kilala mo naman ang tatang ko, walang pinipiling lugar at oras iyon. Mapapahiya ako sa maraming estudyanteng makakakita. Chances are, baka sampalin ako ni Tatang sa harap ng lahat..."

Naririnig ni Madeline sa tinig ni Bettina ang panginginig at takot sa tatang nito. Kilala niya siKapitan Rufino, sobra ang higpit nito sa anak. Hindi pinaliligawan at inihahatid-sinusundo sa kolehiyo. Ang tingin nito sa anak ay ginto at dapat na ipedestal.

"Hindi ka lang niya sisigawan sa sandaling makita at malaman niya ang laman ng pouch na iyon!" This time Lotti was hysterical. "Not that I care. Pero natitiyak kong ituturo mo kami kapag tinanong ka ng tatang mo kung saan galing ang mga drugs na laman ng pouch!"

Muntik nang mapasinghap nang malakas si Madeline kung hindi niya mabilis na natakpan ang bibig. Gumagamit ng drugs ang pinsan niya at ang mga barkada nito?

"Lotti, ano ang gagawin ko?" naiiyak nang tanong ni Bettina. "Hindi ko kayang isipin ang gagawin ni Tatang sa sandaling malaman niyang gumagamit ako ng marijuana. He'd kill me!"

"Shit!" Lotti swore. May ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago ito muling nagsalita. "Alam ko na. Kakausapin ko si Keith at pabubuksan ko ang kotse ng tatang mo. Walang kahirap-hirap na magagawa ng boyfriend kong buksan ang bulok na kotse ng tatang mo. Makukuha natin ang pouch. Tara."

Narinig na ni Madeline ang pagsara ng pinto ng CR pero may ilang sandali pa rin siya nanatili sa cubicle. Hindi niya mapaniwalaanggumagamit ng marijuana ang pinsan niya at ang mga barkada nito. Hindi nakapagtatakang tulad ni Bettina ay may failing grades din ito. Katunayan ay noong nakaraang taon pa dapat nagtapos si Lotti.

Kung paanong ganoon din dapat si Keith. Bagaman ngayon lang semester na ito nagkaroon ng katuparan ang mithiin ni Lotti—ang maging kasintahan si Keith—both had something in common, mga lagi nang bagsak sa klase at karaniwan na'y hindi natatapos ang semester.

Sa kaso ni Keith, alam ni Madeline na ito mismo ang sadyang gumagawa ng mga bagay upang bumagsak ito sa mga subjects nito by doing one trouble after the other.

Pinaniniwalaan niyang ang mga ginagawa ni Keith Montecillo ay pagpapakita ng rebelyon laban sa ama nito. Keith was eighteen when his mother died of breast cancer. At kung mayroon mang labis at lihim na nakidalamhati sa mag-amang Montecillo nang mamatay si Mrs. Edna Montecillo ay walang iba kundi siya.

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon