Chapter 2: Mystery Box

262 14 0
                                    

"Kindly prepaire for your upcoming activities next week, class." Anunsyo ng head doktor na nakaassign na mag-assist sa klase nina Kaiden. Katatapos lang ng discussion nila sa mga steps sa pag-oopera. Kanilang iprepresent sa klase ang kanilang pinag-aralan sa susunod na linggo.




Umingay ang silid na kinaroroonan nila dahil sa naging anunsyo ng head doktor. Ang ilan sa kanila ay hindi handa sa gaganapin na activities dahil marami silang ginawa sa linggo na iyon. Nararamdaman ni Kaiden ang pressure kahit pa man napag-aralan na niya ito. Mahilig siyang mag-advance reading para sa ganun ay hindi siya mahirapan na intindihin ang lesson nila.



"Panigurado mangunguna na naman si Kaiden." Segunda ni Oheb nang palabas sila ng silid, sinang-ayunan naman ito ng mga kasama niyang sina Edward, at Marco.



Bahagyang nahiya si Kaiden sa sinabi ni Oheb, idagdag na rin doon 'yong pangkakatyaw ng mga ito sa kanya. Hindi niya kinokonsider ang sarili na magaling. Para sa kanya, marunong lang siya dahil mahal niya ng sobra ang kanyang ginagawa. Hindi naman bago na purihin siya ng mga kasamahan niya. Kilala siya sa batch nila dahil sa angkin nitong husay sa larangan ng medisina. Maski mga lisensyadong doktor ay namamangha sa kanyang galing.



Napakunot siya ng noo na tumingin sa tatlo. "Bakit ako lang? Hindi lang naman ako ang estudyante kaya dapat kayo din." Usal ni Kaiden sa mapanermon na tinig.



"Paanong kami? Hindi naman kami kasing galing mo e." Depensa ni Oheb at bahagyang napakamot sa kanyang ulo.



"Kaya nga, ikaw lang nakakagawa ng mga 'yon ng hindi nahihirapan dahil magaling ka." Segunda ni Marco.



Nakisabat na rin si Edward sa usapan nila. "Sa ating apat, mukhang si Kaiden lang 'yong magiging doktor sa atin. Mukhang tayong tatlo ay didiretso ng mental hospital pagkatapos natin dito sa Medical School."



Sa birong 'yon ni Edward ay umingay ang kanilang tawanan sa hallway. Napatingin ang ilang tao sa kanila na naglalakad. Sinita ni Kaiden ang mga ito na hinaan ang kanilang boses dahil nakakahiya. Kahit papaano ay napapawi ang pagod nila sa simpleng tawanan nila. Kalog ang tatlo kaya natutuwa si Kaiden na makisama sa mga ito.



Para mamotivate ang mga kasamahan niya sa darating na activity nila ay nag-offer siya ng blow out. Halos mapatalon ang mga ito sa tuwa sa sinabi ni Kaiden kaya nangako sila sa kanya na gagawin nila lahat para makapasa sa activity na iyon. At para pare-parehas silang pumasa, nag-offer rin si Kaiden ng libreng tutor, sinang-ayunan naman nila ito. Inamin nila na nahirapan sila ng intindihin 'yong discussion kanina dahil ang head teacher ay terror at tanging si Kaiden lang ang kinakawawaan nito. Ipinaalala rin ni Kaiden sa mga kaibigan ang mga dapat at hindi dapat gawin para hindi sila kabahan o makaramdam ng pressure.



"Doc. Garcia."



Napahinto silang magkakaibigan sa paglalakad nang may tumawag kay Kaiden sa harapan nila. Paliko na dapat sila sa harapan ng Emergency room nang makasalubong nila ang isa sa mga nirerespetong doktor sa ospital na iyon.



Napako ang tingin ni Kaiden sa babae at nawalan siya ng lakas ng loob para makapagsalita. Hindi niya inaasahan na makakaharap niya ang doktor na iyon dahil una sa lahat, iniiwasan niya ito. Ayaw na ayaw niyang makasalamuha ang ginang na doktor dahil sa hindi maipaliwanag nitong galit.



Nagpalipat-lipat ng tingin sina Oheb sa kanilang dalawa. Alam na alam nila kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Kaiden nang makita ang doktora. Lalo pa silang nawirduhan dahil tinawag ng doktora ang pangalan ng kanilang kaibigan. Gustong-gustong hatakin nina Oheb si Kaiden para iiwas sa sitwasyon na iyon hangga't maaari. Alam nila na hindi komportable si Kaiden.



HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Where stories live. Discover now