Chapter 64: What if?

149 7 2
                                    

"Hello po, ako po si Kaizer Real, mama ko po si Dreams Real."

Napunta ang tingin ni Kaiden sa batang lalaki na masiglang bumati sa kaniya, kinawayan pa siya nito. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso pagkakita sa mukha ng bata. Mayroon siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan. Mas lalong lumalim 'yong galit niya kay Dreams. Naalala niya kung paano siya niloko nito at pinaniwala na anak nila 'yong pinagbubuntis niya noon.

"Magandang umaga po, D-dok Kaiden." Nauutal na tugon ni Dreams, napayuko ito at pinagpapawisan ang kaniyang kamay na nakahawak kay Kaizer. Hindi siya makatingin ng diretso sa doktor. Inaasahan niyang si Kaiden ang magiging doktor ng kaniyang anak pero hindi siya nakapaghanda kung paano ito harapin.

Napaiwas ng tingin si Kaiden nang magtama ang kanilang tingin ni Kaizer. May kakaibang enerhiya ang humihigop sa kaniyang upang titigan ng matagal ang bata pero umiwas siya. Ayaw niyang magpadala sa mga titig nito lalo na't may kasalanan ang ina nito sa kaniya. Ayaw niyang masaktan ulit ng dahil lang sa babae.

"P-pinapunta po kami ni Dok Wade dito dahil kayo daw po 'yong magiging doktor nitong anak ko." Nakayuko na usal ni Dreams, kinakabahan siya at nanginginig ang buo niyang katawan.

"Hindi pa ako pumapayag." Usal ni Kaiden at tinalikuran silang mag-ina saka kinuha iyong puting coat na nakasampay sa swivel chair niya.

Kunot naman ang noo ni Dreams na tinignan ang doktor. "Ang sabi po ni Dok Wade ay---"

"Nakiusap siya pero hindi pa ako pumapayag. Magkaiba 'yon." Ipinilupot nito paikot sa leeg nito ang stethoscope saka naglakad patungo sa may pintuan. "Nurse Ann, pakiasikaso sila dahil may ooperahan pa ako.

Tumango naman ang nurse samantalang tuloy-tuloy na lumabas si Kaiden. Ayaw niyang mamalagi roon kasama ang mag-ina. Ayaw niyang maramdaman ang mga presensya nila. Mabigat sa kaniyang loob at pakiramdam niya bumabalik 'yong sakit na dinulot sa kanya ng babae noon.

"Daddy Dok," nagulat si Dreams sa kaniyang nasabi nang habulin niya ang doktor sa labas. Parehas silang natigilan nang marinig muli ang tawag ng babae sa kaniya at sa dulot noon ay nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ng doktor. Bumalik rin sa kaniyang alaala kung paano at kailan sila nagkakilala ni Dreams.

"So-sorry po." Paghingi nito ng paumanhin. "Nakikiusap po ako, tulungan niyo ako lalong-lalo na 'tong anak ko.  Nasabi sa 'kin ni Dok Wade na kayo ang makakatulong sa amin kaya sana pagbigyan niyo kami."

Konti na lang ay lumuhod si Dreams sa harapan nito mapapayag lamang siya.

Nagtagis ng bagang si Kaiden na hinarap ang babae, nasa tabi nito si Kaizer na noon ay walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Napatingin ulit siya sa batang lalaki at ayon na naman 'yong enerhiya na humihigop sa kaniya.

"Busy ako, hindi ko siya maaasikaso. Sa ibang doktor ka nalang magpatulong, huwag sa'kin." Malamig na tugon ni Kaiden saka niya nilayasan ang mag-ina. Nagtungo siya sa kwarto kung saan naghihintay na ang kaniyang ooperahan nong araw na iyon.

"Sige naman na oh, kailangan na kasi siyang operahan as soon as possible para hindi lumala 'yong sakit niya."

"Hindi ka naman siguro tanga para hindi maintindihan na busy ako at marami akong inaasikaso."

"Dok, parang awa mo na." Mangiyak-iyak na tugon ni Dreams. Hinawakan nito ang laylayan ng damit ni Kaiden na animo'y aso na nagmamakaawa.

Padabog na inalis ni Kaiden ang pagkakahawak ni Dreams sa kaniyang damit at matalim itong tinignan.

"Minsan mo nang sinira ang buhay ko, pakiusap, lubayan mo na 'ko."

Linayasan siya ni Kaiden at tuloy-tuloy na pumasok sa operating room. Bagsak ang balikat ni Dreams na naiwan at napayakap na lamang siya kay Kaizer na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Where stories live. Discover now