Chapter 52: Hesitation

93 4 0
                                    


"Dont move too much, Dreams, ako na lang ang gagalaw para hindi ka mahirapan." Usal ni Kaiden habang dahan-dahan na ginagalaw ang kanyang damit upang alisin ang pagkakasabit ng kwintas ni Dreams roon. Inaalalayan niya rin ang tiyan ng babae dahil baka masagi niyan ito.

"Naku! Pasensya ka na talaga." Paghingi ng tawad sa kanyang kalikutan.

Nasa kwarto siya ni Kaiden ng gabi na yon dahil inaya siya ng doktor na doon siya mahiga. Pinagbigyan naman niya ito dahil komportable siya roon na matulog dahil may aircon. Magiging maganda ang tulog niya kapag sa kama ni Kaiden siya matutulog. At dala nga ng kalikutan at hindi sapat na simoy ng lamig nong aircon ay nakailang galaw siya upang maghanap ng magandang pwesto sa pagtulog. Hanggang sa hindi inaasahan ay nabuhol sa butones ng damit ni Kaiden yong kwintas niya.

"It's fine." Ani ng lalaki at marahan na inaalis yong pagkakabuhol sa kwintas nito sa kanyang damit. Ilang minuto ang ginugol ni Kaiden upang alisin iyon at kahit nagmamadali siya ay nag-iingat pa rin dahil baka masagi niya yong tyan ng babae. Nakakaramdam rin kasi silang dalawa ng ilang sa isa't isa dahil sa kanilang pwesto. Nakailang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kaiden dahil sa nerbyos.

"Ayan! Naalis na, sorry ulit ah. Nasira ba yang butones ng damit mo?" Nakaturo pa ng bahagya si Dreams sa damit ni Kaiden, napatingin naman ang doktor roon at sinuri kung nasira ito.

"Hindi naman." Sagot nito at sinulyapan si Dreams na hiyang-hiya sa nangyari. Nakayuko na ito at ayaw niyang tumingin sa doktor. Masarap na kasi ang tulog ni Kaiden kanina pero napilitan siyang gisingin ito dahil nabuhol nga yong kwintas niya sa butones ng damit ni Kaiden. Nakokonsensya siya ng sobra dahil pagod ang doktor sa duty nito mula sa ospital.

"Naiinitan ka ba? Kulang ba yong lamig nong aircon sa'yo?" Tanong ni Kaiden sa kanya nang tuluyan na nitong napansin ang marahan niyang pagpaypay gamit ang kanyang kaliwang palad.

Tumango na lamang si Dreams sa hiya. Pinanood niya ang bulto ng doktor na naglakad palapit sa may aircon upang palakasin ito. Ilang saglit lamang ay naramdaman na ni Dreams yong lamig na gusto niya. Napayakap siya sa unan niya dahil yumakap yong lamig sa buo niyang katawan.

"Nilalamig ka?" Tanong niya sa doktor nang mapansin na nagkumot ito sa buo niyang katawan pagkahiga niya sa kama, sa tabi niya.

"Hindi lang ako sanay na ganyan kalamig yong aircon."

"Edi, hinaan mo. Huwag mo kong isipin, magpapaypay na lang kung ganon." Ani Dreams at akma siyang babangon sa pagkakahiga upang kumuha ng pamaypay sa sala nong mabilis siyang pigilan ni Kaiden.

"I'm fine, Dreams. Don't mind me. Alam kong hindi ka makakatulog ng maayos kapag magpapaypay ka pa."

"Pero, hindi ka rin naman makakatulog kung ganyan kalakas yong aircon, alam ko pa naman na pagod ka galing sa duty mo." Nakangusong depensa ng babae.

Para maibsan ang guilt na nararamdaman ni Dreams, natawa na lamang si Kaiden. "Kailangan nyo yan ni baby. Ayos lang ako. Sige na, mahiga ka na at matulog."

"Sigurado ka?"

"Yap! Okay lang ako. Konting tulala lang tas mayamaya dadalawin na ako ng antok." Pangungumbinsi ni Kaiden.

Hindi naging madali kay Dreams nong gabi na yon. Hindi siya makakatulog kapag mainit at mahina yong aircon samantalang hindi naman makakatulog si Kaiden kapag sobrang lakas nong aircon dahil madali siyang lamigin. Kahit  gustong-gusto ni Dreams na hinaan yon ay hindi niya magawa, talagang hinahanap-hanap niya yong lamig na nagmumula sa aircon. Nakokonsensya siya ng sobra kapag ganun na lilingunin niya ang doktor at bubungad ang bulto nito na animo'y bangkay na kinumutan.

Kahit papaano ay nakaramdam ng tuwa si Dreams dahil sa mga effort ni Kaiden. Una, hindi ito nagalit nong naistorbo ang tulog nito dahil nabuhol ang kwintas nito sa kanyang butones. Pangalawa, nilakasan niya yong aircon kahit mahihirapan siyang matulog. Natutuwa siya dahil mas inisip ng doktor yong kapakanan niya bago yong sa kanya. Hindi tuloy maiwasan ng puso niya ang tumalon sa kilig.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon