Chapter 32: Interaction

85 3 2
                                    

"Daddy Doc, kailan naman 'yong birthday mo para mabilhan naman kita ng magandang regalo?" Pagtatanong ni Dreams habang nakasunod siya kay Kaiden na abalang nagmamasid ng damit na ipangreregalo nito kay Oheb.

Napangiti si Dreams nang batiin sila ng saleslady na nakabantay roon sa shirt section. Siya na ang nag-abalang bumati pabalik dahil hindi nag-abalang magsalita ang kasama niyang lalaki na noon ay nakapamulsa ang dalawa nitong kamay sa bulsa niya. Inalalayan kami ng bumati sa aming saleslady. Tahimik pa rin si Kaiden kaya muling humirit si Dreams.

"Uy! Magsalita ka naman. Sige ka, mamamaho 'yang laway mo kapag 'di ka nagsalita dyan." Pananakot nito pero hindi pa rin nagsalita si Kaiden at sinimulan na niyang pumili ng damit. "Nakakaawa naman 'yong nanay mo, nagkaroon siya ng anak na sobrang sungit. Siguro, pinaglihi ka sa sama ng loob, 'no? Paano ka magiging pediatrician nyan?" Pagdadaldala nito.

Sinulyapan siya ni Kaiden at sininghalan. "Akala ko ba hindi ka mangungulit dahil pinayagang kitang sumama sa'kin?"

"Eto naman, chinichika lang kita para hindi ka mabored." Sagot nito saka ibinaling ang tingin sa mga nakadisplay roon na damit. "Eto oh, bagay kay Doc. Oheb, maganda skintone non e kaya... " hindi na natapos ni Dreams ang kanyang sasabihin nang hinawakan ni Kaiden ang kanyang kamay na akmang hahawak sana sa damit na tinuturo nito.

"Don't mind my business." Matalim siya nitong tinitigan, sapat lamang na matakot niya ang dalaga. "Can you just stay quiet for a while and stop bothering me?" Pakikiusap nito't marahan na inalis ang pagkakahawak sa kamay ni Dreams.

Hindi nakaimik sa pagsuway na iyon ni Kaiden sa kanya. Maski 'yong nakasunod na saleslady sa kanila ay natakot sa inakto ni Kaiden. Sa takot na mapagbuhatan siya ni Kaiden ng bahay, mas pinili ni Dreams ang tumahimik na lang at pumirmi sa gilid. Sobra siyang nagsisisi na sumama dahil wala naman siyang napala kay Kaiden. Tahimik lang siyang nakasunod sa lalaki. Bago sila umuwi ay nagdrive thru sila ng kanilang makakain. Hanggang sa makarating sila ng unit ay tahimik pa rin siya dahil nakaramdam na siya ng takot.

Ilang araw ang nakalipas na hindi niya napapaamin si Kaidwn tungkol sa nanay nito. Ginawa niya lahat para mapaamin ito pero palagi siyang iniiwasan ng doktor. Nagawa na niyang magbait-baitan, wala pa rin. Palagi rin niya itong dinadalhan ng makakain sa ospital pero hindi niya pa rin ito napaamin. Maski ang mga kaibigan niyang doktor ay ayaw mangialam. Kahit alam nina Oheb ang kasagutan, hindi sila nagsalita.

"Tine, maraming salamat talaga ah? Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako matatanggap rito. Utang na loob ko talaga sa'yo 'tong pagkakaroon ko ng trabaho." Pagpapasalamat ni Dreams nang tuluyan na siyang matanggap sa grocery store na pinag-aapplyan niya na kung saan paborito niya ring pagbilhan.

"Sus! Wala 'yon. Relate na relate kasi si Boss sa'yo e kasi sabi niya mahirap daw kapag hindi pinagbigyan ang gusto ng buntis." Natawa silang dalawa at napatango-tango si Dreams. "Basta, ipangako mo raw na mag-iingat ka. Tatlong araw lang 'yong gusto niyang working days mo para kahit papaano ay makasigurado siyang ligtas ka at ng baby mo."

"Okay lang, basta may trabaho at safe 'tong baby ko. Nagpapasalamat rin ako dahil naiintindihan niya ang sitwasyon ko."

Matapos ang chismisan nilang dalawa, nagsimula na silang magtrabaho. Absent ang isang kasamahan nila na nakatoka sa isang counter kaya doon namalagi si Dreams. Hindi naman siya ganon nahirapan dahil may working experience na si Dreams sa pagiging cashier noon. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya dahil hindi siya halos nakaramdam ng pagod sa buong working hours nila. Pakiramdam niya para lamang siyang naglalaro ng bahay-bahayan at talagang na-eenjoy niya.

"Maam, tulungan ko na po kayo." Pagmamagandang loob niya ulit sa babaeng tinulungan niya noo, sakto na breaktime niya nang makita niya ito. Nagulat pa ang ginang sa pagsulpot niya't nakilala kaagad siya.

"Naku! Nakakahiya na sa'yo."

"Okay lang po, trabaho ko po 'to." Napangiti si Dreams at nagtaka naman ang ginang. "Nagwowork na po ako dito Maam, sakto naman na nakita ko kayo kaya tinulungan ko po ulit kayo."

"Maraming salamat. Napakabuti mo. Sobrang swerte ng mapapangasawa mo."

Natawa na lang si Dreams at napakamot sa kanyang ulo. Iginaya na siya ng ginang palapit sa sasakyan nito. Hinatid niya ang mga dala ng ginang at nagkwentuhan pa sila saglit bago ito nagpaalam paalis. Kumaway pa si Dreams sa ginang bago tuluyang nawala sa paningin niya ang sasakyan nito. Pagkatapos ay pumasok na siya sa grocery store para ipagpatuloy ang kanyang trabaho.

"Ang sakit ng beywang ko." Reklamo ni Dreams pagkalabas niya ng elevator. May dala siyang isang supot ng apple, binili niya iyon incase magutom siya. Naglakad na siya papunta sa unit ni Kaiden at hindi niya naabutan ang lalaki dahil nasa duty ito. Kaagad na siyang kumain ng hapunan saka naligo para mahimasmasan siya dala ng pagod. Pagkatapos ay natulog na siya't kaagad na siyang dinalaw ng antok pagkahiga niya sa sofa.

"Dreams?"

Napalingon si Dreams sa kanyang likuran nang may tumawag sa kanyang pangalan. Naroon siya sa ospital para personal na magtanong sa kanyang OBGYNE na si Doktora Mia. Kinabahan siya dahil ilang araw na niyang nararamdaman ang biglaan niyang pagkahilo. Gusto niyang makasigurado na safe ang kanyang baby at normal na karamdaman lamang iyon sa buntis.

"Maam?" Hindi makapaniwalang tugon ni Dreams. "Hello po. Napadaan po kayo dito sa ospital, magpapacheck up rin po kayo?" Tanong nito't nilapitan ang ginang upang makipagkamay.

Bahagyang natawa ang ginang saka hinarap si Dreams. "Hindi ako nandito para magpacheck up, iha. Nandito ako para mangcheck up mismo. I'm a doctor here." Paliwanag ng ginang na ikinalaglag panga ni Dreams.

Doon lang napansin ni Dreams ang hawak-hawak nitong puting coat na nakasampay sa braso ng ginang na halatang bagong dating lamang. Nakaformal attire ito at sobrang kakaiba ang datingan niya ngayon kumpara sa nakikita niyang pananamit ng ginang kapag nakikita niya ito sa grocery store.

"Ta-talaga po? Doktor kayo rito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dreams. Napatakip pa siya ng bahagya sa kanyang bibig sa sobrang gulat.

Tumango ang ginang at nginitian siya ng matamis. "Yes. I'm Doctor Katlyn Garcia." Pagpapakilala nito sa kanyang sarili.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Where stories live. Discover now