Chapter 49: Special Someone

91 5 0
                                    

"Bye, Baby. I love you."

Naramdaman ni Dreams ang paghalik ni Kaiden sa kanyang tiyan na ilang buwan na lang ay lolobo na 'yon sa laki. Nakaramdam siya ng konting kawirduhan dahil sa ginawang pagpapaalam ni Kaiden sa kanyang anak nong araw na 'yon na aalis papasok sa kanyang duty. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang makaramdaman niyang nakatingin sa kanya si Kaiden ang tatayo na ito.

"Call me if you need something."

Tumango siya. "Sige."

Pinanood niya ang doktor na ikabit 'yong relo nito sa kanyang palapulsuhan. Nakasuot ito ng formal na damit na bagay na bagay sa kanya. Lalong nagpadagdag sa kawapuhan niyang taglay 'yong puting coat nito na may nakaukit na pangalan nito sa gilid na parte non. Amoy na amoy niya 'yong nakakadik nitong pabango na lahat siguro ng makakasalubong nito ay mapapalingon.

"Daddy Dok, pwede magtanong?"

"Yes, sure, what is it?" Hindi siya pinag-angatan ng tingin ng doktor dahil abala itong inaayos 'yong puting coat nito.

Napalunok muna si Dreams bago nagsalita. "May special someone ka ba ngayon?" Napakagat labi pa siya pagkatapos.

Hindi siya nakatulog ng maayos dahil gustong-gusto niyang itanong 'yon kay Kaiden. Baka kasi nag-aasume lamang siya na may gusto ang doktor sa kanya base sa mga ikinikilos nito lately. Gusto niyang maliwanagan at huwag magpadala sa mga what if na tumatakbo lamang sa kanyang isipan. Gusto niya kay Kaiden mismo manggaling ang sagot na gusto niyang marinig para mapanatag na siya.

"Yes, I have."

Mabilis na tumibok ang puso ni Dreams pagkarinig sa sagot na 'yon ni Dreams. Nakaramdam siya ng kaunting tuwa sa hindi niya malaman na dahila . Gustong tumalon ng kanyang puso ng mga oras na 'yon dahil sa tuwa. Pinigilan niya ang kiligin para hindi siya mabisto.

"Wow! Ang swerte naman niya." Patutsada ni Dreams saka pasimpleng inayos ang kanyang buhok. "Pwede bang malaman kung sino?"

"Halatang-halata naman kung sino e." Sagot ni Kaiden na hindi rin mapigilan ang kanyang kilig dahil nagkakainteres si Dreams na malaman kung sino ang special someone niya. "Hindi pa ba halata na ikaw, Dreams. Ikaw ang special someone ko." Pagpapatuloy niya sa kanyang isipan dahil hindi niya 'yon masabi ng harap-harapan sa babae.

"S-sino?" Tanong ni Dreams, hindi na siya makapaghintay sa isasagot ni Dreams. "Sana ako 'yang special someone na tinutukoy mo, Daddy Dok." Nasabi ni Dreams sa kanyang isipan habang nakatitig kay Kaiden.

"Work, of course. Halata naman 'di ba? There' nothing else special to me but my profession." Kabadong tugon ni Kaiden saka pasimpleng tumawa dahil hindi siya prepaired na umamin kay Dreams.

Nawala ang ngiti ni Dreams pagkarinig sa sagot nito, hindi na lang siya nagpahalata na nainis siya. "Halata nga. Ang swerte niya."

"Ikaw ba, may special someone ka rin ba?" Pagbabalik na tanong ni Kaiden sa kanya.

"Meron rin." Masiglang tanong nito.

"Then, who's that lucky guy?"

"Ikaw tanga!" Bulong nito sa kanyang sarili saka pasimpleng kumamot sa kanyang ulo. "Hindi mo kilala. Workaholic siyang tao tapos family oriented rin. Husband material kung tutuusin."

"Nice. Swerte mo kung siya magiging husband mo soon." Tugon ni Kaiden saka kinuha na niya 'yong bag niya sa dining table. "I have to go, baka malate ako."

"Sige, ingat."

_

"Ingat na ingat ka sa nararamdaman mo sa kanya pero mukhang hindi naman ikaw 'yong special someone na tinutukoy niya. Wala olats ka, dok." Pangkakantyaw ni Oheb sa kanyang matapos ang seminar na dinaluhan nila.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Where stories live. Discover now