Chapter 59: Result

130 4 2
                                    

"She's already gone to my unit..."

Puno ng alak ang baso na itinungga ni Kaiden at walang kahirap-hirap na nilunok iyon na animoy hindi napaitan sa matapang na lasa nito. Nakapwesto ang kanyang ina sa dining table, nakatingin lamang ng diretso sa kanya habang nasa gawi siya ng dingding, nakasandal roon at nilulunod ang sarili sa alak.

"Anak, sana naman nilunok mo muna 'yang pride mo hanggang sa makapanganak siya. Alalahanin mo, buntis siya, maaring maapektuhan 'yong ipinagbubuntis niya. Tsaka mo na lang sana siya kinompronta kapag natapos na siyang manganak, hindi sa ganitong sitwasyon." Paalala ng kanyang ina na nagpacancel pa ng duty para lamang mapuntahan siya.

"I don't care, Ma.."

Doon na narinig ang sunod-sunod na paghikbi ng doktor pagkatapos ay napalagok ulit ng alak. Nilapitan ni Katlyn ang kanyang anak upang patahanin ito. Alam niyang nakita na ni Kaiden ang resulta ng paternity test na ipinatago niya kay Mia. At dala ng kuryosidad, pinulot ni Katlyn ang kapiraso ng papel na nasa left side ni Kaiden at nagulat siya sa kanyang nabasa.

Probability of Paternity: 0%

Napatakip si Katlyn sa kanyang bibig matapos makita ang resulta ng paternity test. Para bang naramdaman na niya ang sakit na nararamdaman ni Kaiden nong mga oras na iyon. Iyong sakit na nararamdaman ng anak ay para na rin niyang naramdaman. Iyong awa niya kay Dreams ay biglang naglaho at napalitan iyon ng galit. Napaiyak na lamang si Katlyn dahil nasasaktan siya para sa kanyang anak.

"She lied to me, Ma."

Niyakap ni Katlyn ang kanyang anak. Nasasaktan na rin siya sa katotohanang nagawa silang lokohin ni Dreams. Pinaniwala niyang kadugo nila ang ipinagbubuntis nito.

"Hindi ko lang basta tinanggap 'yong bata, minahal ko na rin, Ma. Tangina! Kaya ko ng isuko lahat para don e. Ni apelyido ko kaya ko na ring ipagamit sa kanya. Excited na akong may tumawag sa akin ng 'Daddy' tapos nabokya pa." Patawa-tawa lamang si Kaiden pero ang totoo, nasasaktan siya ng sobra.

Kung masakit para sa kanya ang nangyari, mas nagdadalamhati ang kanyang anak. Nababasa niya sa mata ni Kaiden ang bigat ng nararamdaman nito. Walang kapagod-pagod ang mata nito sa pag-iyak kahit namamaga na iyon. Noon lamang niya nakita ng ganon si Kaiden. Hindi ganoon Kaiden ang nakilala niya pero dahil sa isang iglap, yong kaangasan nito ay nawala. Hindi niya alam kung ano ang kaya niyang gawin kung may pagkakataon na makaharap ulit niya si Dreams. Iyong awa niya sa babae ay naglaho na parang bula dahil sa nangyari.

"Doktora, may bisita po kayo." Sulpot ng isang yaya habang busy siya na pinepermahan iyong papel na ipinadala ni Doc. Alfred sa kanya. Siya na muna ang umako sa mga operasyon dapat na gagawin ni Kaiden dahil nagleave ito sa trabaho ng ilang araw dahil pa rin sa nangyari.

"Tita..."

Nanginig ang kanyang kalamnan matapos mabosesan ang tinig na iyon na tumawag sa kanyang atensyon. Bumungad sa kanya ang bulto ni Dreams, kapansin-pansin na ang paglaki ng kanyang tiyan dahil ilang buwan na lamang ay manganganak na ito.

Nagtagis ng bagang si Katlyn saka diretsong tumitig sa babae. "Ano ba ang masamang hangin na nagtulak sa iyo para pumunta pa dito?"

"Tita, kailangan ko po ng tulong niyo. Kailangan ko pong makausap si Kaiden."

Mabilis na iniiwas ni Katlyn ang kanyang braso nang akmang hahawakan iyon ng babae.

"Psh! Para saan pa? Matapos mo siyang lokohin, magpapakita ka sa kanya na parang wala kang ginawa? Makikipag-usap ka sa kanya na parang hindi mo siya niloko? Dreams, nananahimik na ang anak ko. Hindi mo alam kung gaano kabigat sa dibdib ko na makita siyang nauupos na parang kandila dahil sa panloloko mo. Kung nandito ka para makiusap ng tulong, pasensya na pero hindi kita mapagbibigyan. Lubayan mo na ang anak ko!"

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα