Chapter 9: EVIDENCE

148 12 0
                                    

"Can you stop making fun with me? Hindi na ako natutuwa sa'yo." Iritableng singhal ni Kaiden kay Dreams nang tuluyan na silang makarating sa parking lot. Padabog niyang inalis ang pagkakahawak sa braso ni Dreams at napahilot ito sa kanyang sentido.


"Hindi naman ako nakikipagbiruan ah." Tugon ni Dreams sa agresibong tinig. "Mukha ba akong nakikipagbiruan sa lagay kong 'to? Nagmumukha na nga akong aso kakahabol sa'yo e. Puro ka naman dedma palagi, e kung tulungan mo na lang kaya ako? Hindi naman mahirap sumagot ng oo e."


Napahilot siya sa kanyang braso na bahagyang kumirot at namula sa pagkakahigpit ng yakap ni Kaiden sa kanya. Kung ilalarawan niya, kinaladkad siya ng lalaki kanina. Pinagkakaguluhan na kasi sila ng tao kanina sa loob ng ospital. Nakita niya kung paano nagulat si Kaiden sa pagdating niya kanina na may dalang banner.


"Malaki ka na, kaya mo na 'yang solusyonan ng mag-isa." Tugon ni Kaiden saka pinagdilatan niya ang dalaga. Napansin niya na nanonood ang kanyang mga kaibigan sa gilid. Sinenyasan siya ng mga ito ng thumbs up, nagpapahiwatig na naayos na nila ang gulo sa loob.


"Kaiden naman e." Nagpapadyak sa sahig si Dreams na parang bata at napakamot sa kanyang ulo dahil sa sinabi ni Kaiden. "Ano pa ba ang kailangan kong gawin para pumayag ka?"



"Bigyan mo'ko ng ebidensya na talagang akin 'yan." Pagtutukoy ni Kaiden sa batang nasa sinapupunan ni Dreams. Nakanguso niyang itinuro ito at napabuntong-hininga ang babae ng malalim. "Hangga't hindi mo napapatunayan na akin talaga 'yan, hindi ako papayag sa gusto mo, okay?"


"E paano nga?"



"Gawan mo ng paraan, problema mo 'yan e." Walang pakialam na sagot ni Kaiden at nakapamulsa ang magkabila nitong kamay na sumandal sa kanyang kotse.



"Kung pwede lang biyakin 'tong tyan ko para kumuha ng parte ng katawan ng bata na ipapaDNA natin, ginawa ko na. Hindi ka ba naaawa sa akin? Buntis ako oh, konting pag-unawa naman dyan." Pangongonsensya ni Dreams at hinimas himas niya pa ng bahagya ang kanyang tyan.



"No!" Matigas na sagot ni Kaiden. "Kagaya ng sabi ko, until you can prove that it is mine, I will not be held responsible for that baby." Naglakad palapit si Kaiden kay Dreams at yumuko ng bahagya upang magtapat ang kanilang mukha. May katangkaran kasi ang lalaki at maliit naman si Dreams, nakaangat pa ang ulo nito na nakatitig kay Kaiden. "Kung ako sa'yo, titigil na ako. Nag-aaksaya ka lang ng oras e. Can't you see, I'm not interested sa walang kwentang trip mong 'to."



Kinuha ni Kaiden ang susi ng kanyang kotse sa bulsa nito. May pinindot siya kaya tumunog ang kanyang sasakyan. At akma siyang papasok sa loob nito nang hawakan ni Dreams ang kanyang braso kaya natigilan siya. Pinag-taasan niya ito ng kilay kaya mabilis na inalis ni Dreams ang pagkakahawak sa kanyang braso.



"Sige na, tulungan mo na'ko. Promise, hindi na ako mag-eeskandalo kapag pinagbigyan mo'ko." Pagmamakaawa ni Dreams, muntik na siyang lumuhod sa harapan ni Kaiden. Desperada na siyang gawin ang lahat para mapapayag nito ang lalaki. Wala siyang ibang kakilala na paghihingian ng tulong dahil kapag sa mga kamag-anak siya hihingi ng tulong ay baka maisumbong pa siya sa kanyang pamilya.



"No!"



"Uy! Teka lang, hindi pa tayo tapos mag-usap."



Ilang beses na pinagkakakatok ni Dreams ang bintana ng driver seat kung saan nakapwesto si Kaiden. Hindi manlang siya nito binabaan ng bintana bagkus pinaharurot nito ang kanyang sasakyan paalis. Walang nagawa si Dreams kundi ang panoorin ang papaalis na sasakyan ni Kaiden.



"Namali ka ng taong kinulit, Miss. Hindi mo yata alam na mas matigas pa sa bato ang taong 'yon." Usal ni Oheb nang lapitan nila si Dreams. Linapitan nila ang babae matapos makita na iniwan siya ni Kaiden. Nakita at narinig nila lahat ng pag-uusap ng dalawa. Maski sila ay awang-awa kay Dreams pero wala silang magawa.



HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Where stories live. Discover now