Chapter 22: Sagutan

122 5 0
                                    

"Here's your order, Maam/ Sir." Isa-isang nilapag ng waiter sa lamesa nila lahat ng pagkain na kanilang order. Sa dami non ay tinulungan nila ang waiter na bahagyang nahiya pa sa kanilang ginawa na pagtulong rito. "Enjoy your meal po." Magalang na tugon ng waiter pagkatapos mailapag na lahat sa mesa ang mga pagkain.



Nagpasalamat sina Kaiden at nagsimula na silang kumain. Habang abala si Kaiden sa paglalagay ng table napkin sa kanyang hita, sinimulan na kaagad ni Dreams ang pag-kain ng mga pagkain na kanilang inorder. Hindi niya ginamit ang mga utensils na naroon sa tabi ng kanyang plato. Kinamay niya ang fried chicken at sa kabilang kamay niya ay hawak nito ang isang burger.




Napakahilot si Kaiden sa kanyang sentido nang makita na nakataas ang isang paa ni Dreams sa kinauupuan nito. May ilang tao na nakatingin sa pwesto nila kaya kaagad niyang sinita ang babaeng kasama.




"Hey! Put your foot down, Dreams," Kaiden irritatedly disobeyed him in a whisper and simply signaled. "We're at a restaurant, behave a little bit. Don't you see, people are already looking at us."





Inosente siyang sinulyapan ni Dreams pagkatapos ay tumingin ito sa kanilang paligid at tama nga sinabi ng lalaki sa kanya, pinagtitinginan sila ng mga tao na naroon rin mismo sa restaurant na kumakain.





"E ano naman? Ganito ako kumain e, sanay ako na tinataas ang isa kong paa kapag kakain ako. Wala silang pakialam don." Depensa nito na animo'y hindi nahihiya. Ipinagpatuloy nito ang pag-kain gamit ang kamay saka nakataas ang isa nitong paa.





Kahit na nagbubulungan na ang mga tao sa paligid, hindi pa rin magawa ni Dreams ang mahiya. Kaya naman napabuntong-hininga na lamang ng malalim si Kaiden saka pasimpleng hinaplos ang mukha gamit ang dalawang kamay nito.




"This is not the right time for you to be stubborn, Dreams. So please put your foot down and use the utensils they gave you. Don't eat with your hands, use a spoon." Tinuro niya ng bahagya ang mga utensils na nasa gilid ng kanyang plato, napatingin si Dreams roon.




"Hindi ako komportable na gumamit ng kutsara kapag ganitong masasarap ang mga pagkain e." Nakangusong tugon ni Dreams, may laman pa ang kanyang bunganga habang nagsasalita. "Hindi ako makakarami ng kain kaya huwag mo ng ipilit pa."




"Pinagtitinginan nga tayo."




"E ano naman? Hindi naman sila magbabayad ng mga kakain natin e. Kumalma ka nga. Imbes na problemahin mo sila, kumain ka na lang, lalamig na 'tong mga inorder mo." Sinenyasan niya pa ito at itinuon pabalik ang atensyon sa kanyang plato. "





Rinig na rinig na ni Kaiden ang bulungan ng mga tao sa kanilang paligid kaya naman tumayo ito at  naglakad palapit kay Dreams upang ituro kung paano gamitin ang mga utensils na nakalapag sa mesa.





"Uy! Anong ginagawa mo? Huwag mo nga 'kong landiin dito, ang daming tao oh. Hindi ka ba nahihiya?" Feelingerang tugon ni Dreams nang mapansin na nasa likuran niya si Kaiden.




Ramdam na ramdam niya ang mainit na pagtama ng hininga ng lalaki sa kanyang teinga. Ilang dangkal lang ang layo ng mukha nito sa kanya at amoy na amoy niya ang nakakabaliw na pabango ni Kaiden.




"Shut up!" Maawtoridad na bulong ni Kaiden rito at hinawakan ang magkabila niyang kamay. Isa-isa niyang kinuha ang mga pagkain na kinamay ni Dreams saka ito binalik sa plato. "I'll teach you how to use them, okay?" Tinutukoy nito ang mga utensils na nakalapag malapit sa plato niya. "You're probably familiar with spoons and forks, you know how to use them. This is the knife, it's obvious that it's used to cut food but be careful." Kaiden scolded the girl and took the fork and the knife to teach her how to use it. Dreams looked ignorant when she realized how to use it.




HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Where stories live. Discover now