Chapter 56: Dark Secret

109 3 0
                                    

"Pa, I want you to meet my family...."

Itinapat ni Kaiden ang sinindihan niyang pospora upang salinan ng apoy iyong malaking kandila na kulag puti sa harapan ng isang picture frame sa gitnang bahagi ng medyo may kataasang mesa.
Samantala, pinadaan ni Dreams ang kanyang tingin sa kabuuan ng kwarto. Noon lamang siya napakasok sa kwarto na iyon at namamangha siya ng sobra sa disenyo nito.

Sa bawat dingding ng kwarto ay nakadisplay roon ang samu't saring awards ni Kaiden noong nag-aaral ito. May ilang accesories na ginagamit pang-opera na nakadisplay roon sa isang cabinet at punong-puno iyon. Sa katabi naman nitong cabinet ay naroon ang mga pictures ni Kaiden na nakasuot ng pangdoktor na porma. Ultimo mga naglalakihang nameplate ay nakadisplay roon sa kwarto.  Sa taas ng mesa kung saan nakadisplay ang picture frame ng kanyang ama ay naroon ang kanyang graduation picture noong nagtapos ito sa medical school.

KAIDEN F. GARCIA
𝐃𝐨𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐨𝐟 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐢𝐧𝐞
Class Valedictorian
Cum Laude
Bene Meritus
Most Outstanding Medical Graduate
Most Outstanding Clinical Clerk
Dean's Lister
Our Lady of Fatima University- College of Medicine

Kulang na lang ay malaglag ang panga ni Dreams nang mabasa ang ilang pagkilala sa graduation frame ni Kaiden. Napatunayan niya na totoo ang chismis paukol sa doktor na magaling ito. Nasa mismong harapan niya ang patunay na totoo lahat ng chismis tungkol sa doktor.

Napako ng kanyang tingin ang mukha ng lalaki na nasa picture frame. Kung hindi siya nagkakamali, tatay niya iyon dahil bukod sa tinawag niya itong 'Papa' ay magkamukha pa silang dalawa. Mula sa mata, ilong, at bibig ay parehas sila. Iyong kilay lang yata ng doktor ang nakuha niya sa ina nito.

Kylde F. Garcia
Date of Death: March 25, 19**

"Siya pala ang Papa mo?"

Tunay nga na isang yamanan ang naroon sa kwarto na 'yon kaya hindi siya pinapayagang pumasok ni Kaiden. Ultimo hawakan 'yong doorknob ay hindi pwede kaya natanim sa kanyang utak kung ano ang mayroon sa kwarto na 'yon. 'Yong araw na kinahihintay niya ay dumating na, nakalapag na sa mismong harapan niya ang dahilan kung bakit kinaiingatan ni Kaiden ang kwarto na 'yon at hindi siya pinapayagang pumasok.

"It's obvious, right? Maraming nagsasabi na hawig na hawig ko siya." Natawa ng bahagya si Kaiden habang nakatitig ng diretso sa  frame ng ama. "Ito lang 'yong kaisa-isang alaala na mayron ako patungkol kay Papa." Tinutukoy niya ang isang maliit na picture frame na dinampot niya.

Ipinakita niya ito kay Dreams at picture nilang dalawa iyon ng kanyang ama ng magkasama. Nakakandong si Kaiden sa kanyang ama sa litrato na iyon, araw mismo ng kanyang kaarawan nong kunan ang litrato na iyon noon.

"Uy! Ang cute niyong tignan." Komento ni Dreams habang nasa frame ang kanyang tingin.

"'Yan 'yong last birthday ko na kasama siya, nong kasunod na taon niyan, 'yon na ang mga panahon na nasa ospital na siya. Kinaiingatan ko 'yan ng sobra, ultimo maalikabok 'yan hindi ko hinahayaan e." Natawa siya sa sariling nasabi.

"Kaya naman pala ayaw mo 'kong papasukin dito e."

Sabay silang natawa at nagkatitigan.

"Iilan lang kasi 'yong nakakaalam ng totoong ako dahil una sa lahat, hindi naman ako pinakilala ni Mama bilang anak niya. Parehas namin ayaw masira 'yong reputasyon namin sa ospital kaya itinago namin ang totoo at umakto na parang hindi kami magkadugo."

Inilinga ni Dreams ang kanyang tingin sa paligid dahilan para sundan iyon ni Kaiden.

"Ang ganda ng kwarto na 'to, para akong nasa paraiso."

"Inilaan ko talaga ang kwarto na 'to para kay Papa. Lahat ng kaganapan sa buhay ko, dito ko itinatago. Lahat ng awards, pictures, mga medical appliances, lahat-lahat na nandito. Dito ko rin naisip maglagay ng space para sa kanya para kahit papaano ay ramdam ko 'yong presensya niya kahit wala na physical sa akin. Ayokong may kaganapan sa buhay ko na hindi alam ni Papa. Kulang na lang pati 'yong nga gloves na ginamit ko, idisplay ko rito e para aware siyang nagdissect ako ng patay. Madalas din ako dito kapag nalulungkot ako. Kapag pinapagalitan ako ni Mama sa duty ko, tumakatabo ako dito at magsusumbong kay Papa na parang bata."

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Where stories live. Discover now