Chapter 41: Convince

91 4 1
                                    

"Anong boyfriend? Hindi ko boyfriend ang demonyo na 'yon. Psh!"

Nakwento ni Tine ang pagpunta ni Kaiden sa grocery store nong wala ito at hinahanap siya. Ibinalita nito lahat ng kanilang napag-usapan lalong-lalo na 'yong pagpapakilala ni Kaiden na boyfriend siya nito. Hindi nasabi o nakwento ni Dreams ang naging sagutan na nangyari sa pagitan nila ng doktor dahil gusto niyang matahimik ang kanyang isip. Hindi niya gaanong inisip ang mga sinabi nito't inuna na lang ang pangtustos niya sa kanyang ipinagbubuntis. Tsaka, inalalayo niya ang sarili sa stress na pwedeng maapektuhan ang bata.

"Ano ba kasing nangyari? Mukha yatang may LQ kayo ah."

"Nagkasagutan lang."

"Anong dahilan naman?" Curious na tanong ni Tine at nawala na ang atensyon niya sa kanyang pagkain at itinuon ang pansin kay Dreams na napipilitang ikwento ang lahat.

"Ganito kasi 'yon." Sinimulan ng ikwento ni Dreams ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Kaiden na naging dahilan upang maglayas ito sa unit ng lalaki. Detalyadong-detalyado niya itong kinuwento, wala siyang kinulangan o sinobrahan sa mga sinabi nito. Napansin niya ang pag-iiba ng emosyon ni Tine matapos malaman ang lahat. 'Yong sama ng loob ni Dreams ay dumoble kay Tine. Halos isumpa ni Tine ang doktor at ipinangako na kapag nakita niya ito ay sasampalin niya ito kapag hind niya mapigilan ang kanyang sarili.

Matapos ang kwentuhan nilang dalawa, bumalik na silang dalawa sa kanilang trabaho. Ni hindi na nila ulit napag-usapan pa si Kaiden nong nasa trabaho na sila't nakapukos lamang sila sa kanilang ginagawa. At sa kalagitnaan ng pagtratrabaho ni Dreams, may isang tao na hinihiling niyang hindi makita.

"Pakibaba na lang po 'yong pinamili niyo dito sa counter, Sir." Pormal na pakikipag-usap niya sa lalaki, nakayuko lamang si Dreams at ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Kaiden dahil isusumpa niya lamang ito sa demonyo kapag nainis siya.

Sinunod ni Kaiden ang utos nito, inilagay niya sa counter lahat ng pinamili niya. Diretso siyang nakatitig kay Dreams at hindi maipinta ang tuwa sa kanyang puso dahil sa wakas natyempuhan niyang naroon ang babae. Ilang araw niyang hinintay na pumasok ito. Ilang araw siyang nagpabalik-balik upang tignan ito kung pumasok dahil nagduda siya sa sinabi ni Tine at baka nakipagkasundo si Dreams na sabihin ang 'di totoo para hindi niya ito maabutan.

"How are you? Is the baby's fine?" Tanong nito, nakatitig pa rin siya ng diretso kay Dreams na abalang itinatapat isa-isa 'yong mga pinamili niya upang maiadd na sa monitor kung magkano lahat ito.

Hindi siya sinagot ni Dreams, nagbisi-busyhan ito sa pag-eempake ng kanyang mga pinamili. "Sa paperbag po ba ilalagay o sa ecobag, Sir?"

"Ecobag na lang." Sagot ni Kaiden at kumuha ulit ng tyempo upang kamustahin si Dreams. Napansin niya ang pagbabago ng katawan ni Dreams, pumayat ito ng konti. Sinuri niya ang mukha ng babae at nandoon pa rin ang taglay nitong ganda na hindi niya maikakaila.
"Umuwi ka na don sa unit ko. Kawawa si Doky, walang kasama."

Sa sinabi niyang 'yon ay natiglan si Dreams. Alam niya kung sinong Doky ang tinutukoy nito. Hindi siya pwedeng magkamali, ang aso na gusto niyang ipabili rito ang tinutukoy ni Dreams na ikinagulat niya. Pero kahit natutuwa ang puso niya dahil binili ni Kaiden 'yong aso para sa kanya, nanaig pa rin 'yong galit niya rito. Hindi siya pwedeng magpadala sa paganon ni Kaiden. Hindi porket binili niya ang aso ay bati na rin sila.

"Bale, 1, 564 po lahat, Sir." Pagwawalang pakialam nito sa sinabi ni Kaiden at hinugot ang resibo sa machine.

Napalunok si Kaiden at nasaktan sa inakto ni Dreams sa kanya. Tahimik niyang iniabot 'yong cash na kinuha niya mula sa kanyang wallet. Habang kinukuha ni Dreams ang kanyang sukli, tinititigan niya lamang ito dahil sobra niya itong namimiss.

Ang buong akala ni Kaiden ay kapag ipinaalam niya na binili niya si Doky ay magkakabati na sila, na mababawasan 'yong galit nito sa kanya pero hindi pala.

"Sukli niyo po." Inilagay ni Dreams ang sukli ni Kaiden sa maliit na tray at itinuon na ang pansin sa susunod na costumer. Walang nagawa si Kaiden kundi kunin iyon at tahimik na umalis sa counter saka kinuha 'yong mga pinamili niya.

Inilaan niya ang araw na 'yon para makita si Dreams at makausap. Hindi niya akalain na dededmahin lamang siya ng ganon ng babae. Wala naman siyang balak bilhin, kumuha lamang siya ng kahit ano, hindi niya alam kung magagamit niya ba ang mga 'yon o hindi basta kumuha lamang siya para may masabing binili ito. Nakipag-agawan pa siya sa pila sa isang ale dahil excited siyang makaharap si Dreams tapos ganoon lang pala ang magiging trato nito.

Hindi nagbago ang pakikitungo ni Dreams sa kanya kahit sinasadya niya ito kahit wala siyang bibilhin. Kahit isang piraso lamang ng bottled water ay sasadyahin niya pa ang grocery store kahit nasa ospital siya. Kahit may mas malapit na grocery store along sa ospital, pupunta at pupunta pa rin siya sa grocery store na pinagtratrabahuan ni Dreams.

"Hey, Dreams, can we talk? Kahit five minutes lang." Hinabol niya si Dreams na akmang papasok sa grocery store. Sinadya niyang pumunta roon ng maaga upang makausap ng maayos si Dreams, nagbabakasakali itong papansinin siya ng babae't magkakabati na sila. Ikalawang linggo na 'yon na dinadalaw niya si Dreams upang makausap ito pero sa mga nagdaang araw na sinasadya niya ito, palagi siyang iniiwasan ni Dreams at minsan pa nga ay pinagtataguan pa siya.

"Busy ako." Matipid na sagot ng babae saka dire-diretsong nagtungo sa loob. Bago siya nakapasok ay binati muna siya ng security guard na nakatambay roon, nasaksihan niya kung paano habulin ni Kaiden si Dreams hanggang sa loob.

"Please, kahit ngayon lang. Almost two weeks na akong sumasadya rito para kausapin ka but you always reject me and says you're busy." Tugon nito, nakasunod pa rin siya sa babae.

"So, kasalanan ko pa ngayon?"

"No, it's not what I mean, okay? Gusto ko lang naman ay kausapin mo 'ko ng maayos, 'yon lang. I want to fix this.... I want to fix us, Dreams."

"Bakit pa? Ayaw mo ng problema hindi ba? Lumayas ako para mabawasan ang problema mo. Dapat magsaya ka."

"Am I look happy?"

Kahit na anong pagmamakaawa ang ginawa niya na para bumalik si Dreams sa kanyang unit ay hindi niya pa rin ito napapayag. Lumuhod na siya't lahat, dinedma pa rin siya nito. Binili na niya lahat ng alam niyang paboritong pagkain ni Dreams, wala pa rin 'yon epekto. Sinamba na niya lahat ng santo upang tulungan siya ay wala pa rin. Talo pa rin siya. Galit pa rin si Dreams at ayaw pa rin nitong bumalik sa unit niya.

"Anong masamang hangin ang nagtulak sa'yo at nandito ka?" Iritableng ani Dreams matapos niyang pagbuksan ang pintuan dahil may kumatok at hindi niya inaasahan na bulto ni Kaiden ang bubungad sa kanya.

Hinatid na siya noon ni Kaiden sa bahay nina April kaya hindi na siya magtataka kung bakit siya nito natunton. Napansin niya na may dalang bulaklak at ilang chocolate si Kaiden. Rinig niya ang pangkakantyaw na ginawa ng magjowang sina April at Pablo na naroon sa sala, pinapanood silang dalawa. Pasinghal niyang sinuway ang mga ito't ibinalik ang pansin kay Kaiden.

"I'm here to convince you to come back to my unit." Seryosong tugon nito. "Please, kausapin mo na 'ko. Promise, I won't say again anything that can make you mad. I promise that."

"Psh!" Inirapan niya pa ito at akmang isasarado ang pintuan nang mabilis 'yon na hinawakan ni Kaiden.

"Dreams naman oh, bigyan mo naman ako ng chance para magpaliwanag."

"Para saan pa? Tapos mo ng sinabi na problema ang batang 'to sa paningin mo. Bakit kailangan mo pa akong kulitin ng ganito? Nananahimik na 'ko, Dok."

"I didn't mean to say that and it's not my intention to say that to you." Kalmadong usal nito habang diretso siyang nakatitig kay Dreams. "Please, umuwi ka na unit ko." Pagmamakaawa nito. "Payag na akong kainin mo lahat ng laman ng ref ko. Handa akong bilhin lahat ng cravings mo, kahit ano. Payag na akong matulog ka sa kwarto ko at hindi na sa sofa. Payag na akong hawakan mo 'yong mga pinagbabawal ko sa'yo. Payag na akong pakialaman mo 'yong mga gamit ko. Payag na ako sa lahat, Dreams." Pangungumbinsi nito sa seryosong tinig.

Tanging pagtitig lang ang nagawa ni Dreams sa kanya. Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makapaniwala na sinabi lahat 'yon ni Kaiden sa kanya. Noon niya lamang nakita si Kaiden na nagmamakaawa sa kanya. Noon niya lamang naramdaman kung paano siya pinapahalagahan ni Kaiden ng hindi sapilitan.

"Bumalik ka na sa'kin.... Umuwi na kayo ni Baby sa akin."

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Where stories live. Discover now