Chapter 13: Picture Frame

145 9 0
                                    

"Pasensya ka na, Kaiden, wala na talagang bakante sa taas. Ang late mo naman kasi nagsabi e ayun tuloy binigay ko na don sa bagong salta kahapon." Usal ng tenant kay Kaiden na nagpupumilit kumuha ng isang kwarto para doon temporaryong mamalagi si Dreams habang inaantay nila ang resulta ng paternity test.




"Sige na, kahit isa lang, kahit masikip, okay na 'yon baka kasya lang 'tong babaeng 'to." Tinuro niya ng bahagya si Dreams na nasa likod nito na abalang sinusuri ang paligid. Napunta ang tingin ng tenant kay Dreams. Sa tagal na nangungupahan si Kaiden sa kanya, ngayon lamang siya nag-uwi ng babae.




Sinuri ng tenant si Dreams mula ulo hanggang paa. Napansin iyon ng dalaga kaya sinuri niya rin ang katawan kung losyang ba siyang tignan. Gabi na kasi kaya nakasuot na ito ng pantulog saka nakajacket na rin dahil 'yon ang utos ng matandang kapitbahay nila. Kahit naiinitan siya sa kanyang suot ay wala siyang magawa. Kapakanan ng baby ang iniisip niya at malaking pasalamat niya at tutulungan na siya ni Kaiden.




Tinuro siya ng tenant si Dreams kaya napatingin si Kaiden rito. "Girlfriend mo?"




Kaagad umiling si Kaiden dahil sa malaking akala ng tenant. "Nope, she's my..... my friend."





"Anyway! Pasensya ka na talaga, Kaiden, wala na 'kong bakanteng kwarto. Hayaan mo kaya may umalis, ipapaalam ko kaagad sa'yo." Ani tenant at nagpaalam na ito dahil may hinahabol na event na pupuntahan.




Naiwan silang dalawa na noon ay namomoblema ng todo si Kaiden kung saan niya dadalhin si Dreams. Napahilot siya ng madiin sa kanyang batok saka nakapamulsang sinulyapan ang babae na nasa kanyang likuran. Parang ignorante si Dreams sa kanyang postura na baguhan lang na makapunta sa Maynila.




"So, saan ako titira?" Tanong ni Dreams, nakasunod siya kay Kaiden paakyat sa may hagdanan patungo sa kwartong inuupahan ni Kaiden. Hindi manlang siya tinulungan ng lalaki para dalhin 'yong mga medyo may kabigatan niyang mga bagahe na dala. "Correction, titirhan pala namin ni baby."





Hindi siya sinagot o nilingon manlang ni Kaiden at diretso lamang ang lakad nito sa may hallway. Nasa hagdanan pa lamang siya dahil nabibigatan siya ng sobra sa kanyang mga dala. Nilingon siya ng lalaki pero ang buong akala niya tutulungan siya nito pero hindi naman pala dahil dire-diretso ang lakad nito patungo sa isang pintuan. Mga ilang hakbang lang ang ginawa nila bago tuluyang makarating sa may pintuan ng kwarto ni Kaiden. Binuksan niya ito gamit ang isang susi saka walang pakialam na pumasok sa loob.





"Grabe! Wala talagang puso." Bulong ni Dreams na tinutukoy si Kaiden na walang ibinuhos na kaunting pakialam manlang sa kanya. Bago pa niya maipasok lahat ng kanyang gamit sa loob ng kwarto ni Kaiden ay muli itong nagsalita. "Wow! Ang ganda naman ng bahay natin." Namamanghang usal niya habang sinusuri ang kabuuan ng medyo malawak na kwarto.




Napalingon si Kaiden sa kanyang sinabi't nagulat siya nang irapan siya nito't narinig ang kanyang pagsinghal. "Bahay ko lang 'to, huwag kang assumera."





Maliit lang 'yong sala pero sakto na 'yong magkabilang sofa na naroon saka may table sa gitna nito. Sa likod ng isang sofa ay naroon ang dining table at sa tabi ng dining table ay naroon 'yong maliit na refrigerator saka counter kung saan nakalagay 'yong mga kubyertos. May hanging cabinet na kulay puti ang pinta saka may kalan at lababo sa ilalim nito. Sa dingding ay may nakadislay na tv na medyo may kalakihan. Sa kabuuan ng bahay ay talagang namangha siya sa ayos at linis nito. May nakita siyang tatlong kwarto na naroon kaya naexcite siyang mahiga sa malambot na kama. Pagod na rin siya sa pag-akyat nila sa may kahabaang hagdanan papasok sa kinaroroonan ng kwarto ni Kaiden.





HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Where stories live. Discover now