Chapter 67: Guilty

164 8 4
                                    

"Why did you do that? Hindi mo ba nakita, may kasama siyang bata, Mia."

Padabog na isinarado ni Kaiden ang pintuan ng kwartong pinasukan nila matapos nilang panoorin na kinaladkad palabas ng security guard ang mag-ina. Kumukulo ang kanyang dugo sa ginawa ni Mia, hindi iyon makatao para sa kanya. Gusto man niyang habulin ang mga security guard upang pigilan ang mga ito pero mas inuna niyang komprontahin si Mia sa mali nitong ginawa.

"Wow! At ipinagtatanggol mo pa talaga ang babaeng 'yon ngayon! Bakit, nabilog na naman ba niya ang ulo mo at nagpapauto ka na naman? Limot mo na ba lahat ng ginawa niya sa'yo non, Kaiden?" Depensa ni Mia sa agresibong tinig.

"You don't understand it, Mia!

"Paanong hindi, Kaiden? Nilapag mo na mismo sa harapan ko 'yong kasagutan. Kailan pa kayo nagkikita? Kaya ka ba hindi nakapunta non sa school program ni Zach dahil sa kanila? Sila ba ang dahilan kung bakit palagi kang nagmamadaling pumasok? Para ano? Para hayaan siyang landiin ka? Kaya ka rin nagdududa kay Zach dahil nilason ng babaeng 'yon ang utak mo, ganon ba?"

Napailing si Kaiden sa mga pinagsasabi ni Mia sa kanya. Pinipigilan niyang pagbuhatan ito ng kamay pero huli na. Akmang tatama ang kamao ni Mia sa kanyang mukha nang mabilis siya nitog pagbantaan.

"Sige! Gusto mo 'kong saktan? Saktan mo 'ko! Guilty ka kasi totoo lahat ng sinasabi ko! Takot ka sa sarili mong anino, Kaiden."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo!" Pagtataas ni Kaiden ng boses. "Potangina! Mia, 'yong anak ni Dreams 'yong batang gustong-gusto mong tulungan!"

Namilog ang mga mata ni Mia sa gulat, nag-iba ang kanyang reaksyon sa pagkagulat. Hindi siya nakapagsalita.

"Aayawan ko ba ang gusto ni Wade kung nagpauto na naman ako sa kanya? Iiwas ba ako ng ganon kung napatawad ko na siya? Alam mo na walang kapatawaran 'yong ginawa niya sa'kin non, sa tingin mo ba papayag ako ng ganon lang sa gusto niya? Kaya nga ako umiiwas at hindi tinanggap 'yong gusto niya dahil alam ko na magagalit ka, alam ko na guguluhin niya tayo. Pero, Mia, kawawa 'yong bata."

Natawa ng mapakla si Mia. "Pero anak siya ni Dreams, anak siya ng babaeng nanakit sa'yo non."

"Ikaw na mismo ang nagsabi, kawawa ang bata. Kay Dreams lang dapat tayo magalit, huwag natin idamay si Kaizer."

"Bakit, nakokonsensya ka na? Akala ko ba galit ka sa kanila?"

"Buhay ng bata ang nakasalalay dito, Mia."

" Kulang pa na kabayaran 'yong paghihirap ni Dreams sa ginawa niya sa'yo non. Kung karma niya 'to, hayaan mong namnamin niya." Tugon ni Mia na animo'y tigreng galit na galit.

"Nahihibang ka na. Ano, hahayaan mong mamatay 'yong bata dahil lang galit tayo sa nanay niya? Mia, natauhan na 'ko, doktor ako na nagsasalba ng buhay ng tao, hindi pumapatay."

Matalim siyang tinitigan ni Mia. "Kung tutulungan mo sila, mas mabuting kalimutan mo na rin na may anak ka sa'kin." Huling usal ni Mia bago tuluyang lumabas ng kwarto na iyon.

Naiwan si Kaiden na gulong-gulo sa mga nangyayari. Naiipit siya sa sitwasyon na gusto niyang tulungan si Dreams at sa pagmamatigas ni Mia. Kilala niya si Mia, may isa itong salita. Baka nga totohanin niyang huwag ipakita si Zach sa kanya kapag ganon na tinulungan niya sina Dreams.

_

"Pocha! Bakit hindi mo sinabi sa'kin na ex-girlfriend mo pala si Dreams?"

Inaasahan na niyang magugulat si Wade sa ibabalita niya. Sa tagal na itinago niya ang totoo rito ay ganon rin kabigat ang kanyang nararamdaman. Hindi na niya kayang solohin pa ang kanyang problema, kinakailangan na niya ng tulong galing sa ibang tao.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon