Chapter 46: True Feelings

109 5 0
                                    

"Ang pagkakaalam ko, ako lang 'yong kadate ni Mame e. Ba't nandito  kayong mga doktor ng bayan? Wala ba kayong mga pasyente sa ospital, ha?" Nakapameywang na usal ni Oheb sa tatlo niyang kaibigan nang madatnan niya ang mga ito sa carnival kung saan sila magdadate ni Dreams nong araw na 'yon. At malaking pagtataka niya ay naroon sina Kaiden, Marco at Edward, mas nauna pang dumating kaysa sa kanila ni Dreams. Maski si Dreams ay nagtaka rin pero binalewala rin kaagad at nagpaalam na magbabanyo saglit dahil naiihi ito.

"Aba! Bakit, bawal? Sa'yo ba 'tong carnival na 'to ha? Kung makapagsalita ka naman dyan parang kayo lang 'yong pwedeng pumasok dito ah." Singhal ni Kaiden at inambangan ng pambabatok si Oheb na mabilis naman na umilag.

Pinagtawanan sila nina Edward at Marco na wala naman talagang balak pumunta roon pero pinilit sila ni Kaiden dahil hindi ito mapapanatag kapag si Oheb lamang ang kasama ni Dreams. Narinig niya kagabi na doon sila sa carnival magdadate kaya dali-dali niyang tinatawagan ang dalawa, sina Marco at Edward upang samahan siya. Sakto na walang duty ang dalawa nong araw na 'yon kaya napilitan silang samahan nalang si Kaiden bago pa ito magtampo.

"Nagtataka tuloy ako kung ba't nandito kayo?" Pinagtuturo niya ang tatlo na hindi makatingin sa kanya ng diretso. Umiwas ng tingin si Kaiden sa kanya dahil naramdaman niyang binabasa niya ito.

"Hindi daw kasi mapakali 'yong isa dyan e." Pagpaparinig ni Marco at walang ano-ano ay nakaramdam siya ng pangsisiko sa tagiliran niya at gawa 'yon ni Kaiden.

"Aba! Bakit, Dok, nagseselos ka ba?" Nakangiting aso na tanong ni Oheb.

Pinagkunutan siya ni Kaiden ng mukha't mahinang sininghalan. "Hoy! Hindi ako nagseselos. Concern lang ako, 'no. Kahit na sino ay kakabahan sa'yo. Wala akong tiwala dyan sa pagmumukha mo."

"Sa lagay na 'yan, hindi nagseselos? I don't think so."

Matapos magbanyo ni Dreams ay nagsimula na silang mamasyal sa carnival na 'yon. Inis na inis si Kaiden dahil dinaig pa nina Oheb at Dreams ang kambal tuko na hindi makapaghiwalay. Nakasunod lamang silang tatlo pero sa kanilang lima, mukhang siya lang 'yong bukod tanging hindi nag-enjoy sa lakad na 'yon. Na kay Oheb ang buong atensyon ni Dreams. Ultimo sa pagsakay sa mga rides ay si Oheb ang gusto niyang kasama. Tuwang-tuwa naman si Oheb dahil noon na lang ulit siya sa sumaya na parang bata sa paglalaro nong mga games na sinubukan nilang laruin.

Walang rides na hindi nila sinubukang sakyan. Lahat ay dapat sumama at bawal ang killjoy. Sa pagiging badtrip ni Kaiden, kahit napakaextreme ng roller coaster na sinakyan nila't halos mahiwalay 'yong kaluluwa nong mga kasama niya kakasigaw, siya ay wala pa ring reaksyon. Tamang upo lang siya't hinahayaan na tangayin ng hangin 'yong buhok niya. Mula pagsakay ay hindi siya tumili o sumigaw manlang sa takot. Parang wala lang lahat sa kanya nong mga nangyari.

"Gusto kong sunakay ulit ng roller coaster." Ani Dreams pagkababa nila kaya napatingin lahat ng lalaking kasama niya na hinahabol ang kanilang hininga dahil sa pagod nila sa pagsisigaw kanina. At bukod tanging si Kaiden lamang 'yong chill lang, walang problema at walang pakialam.

"Edi sakay ulit tayo. Tara." Anyaya ni Oheb upang kumuha ulit sila ng ticket para makasakay ulit nong roller coaster.

"Dreams, enough. Buntis ka, baka mapano ka pa." Tugon ni Kaiden kaya napahinto ang lahat at napatingin sa kanya.

"E gusto ko pa e."

"Hayaan mo na sya, Dok. Minsan lang 'to e." Sabat ni Oheb sa usapan. Magsasalita pa sana siya ng iwan na siya ng mga ito't kumuha ulit ng ticket para makasakay ulit sila sa roller coaster. Wala siyang nagawa kundi ang sumakay na lang ulit at kimkimin 'yong inis niyang nararamdaman.

Nong makaramdam ng pagod si Dreams, nirequest niyang kumain muna sila sa mga stall na nagkalat sa paligid. Sinang-ayunan 'yon ng lahat maliban kay Kaiden na nakapamulsa lamang na nakasunod sa kanya't pinapanood ang bawat kilos ng babae. Konti na lang ay mauubos na ang kanyang pasensya. Masyado ng nagpapasaway si Dreams.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon