Chapter 69: Realization

218 9 5
                                    

"Anong anak? Pre, nahihibang ka na ba? Tsaka, paano ka nakapasok dito sa bahay namin?"

Napalingon kaagad si Zander sa may pintuan nang marinig niya ang tinig ng taong matagal na niyang gustong kausapin. Samantala, napatakbo si Zach palapit kay Kaiden at mukha itong natatakot.

"Daddy, that stranger said his my dad. I'm a very scared, Daddy." Paiyak na usal ni Zach na noon ay nakayakap sa tuhod ni Kaiden sa takot.

"Zander nga pala, pre." Pagpapakilala nito sa kanyang sarili. Inilahad pa nito ang kanyang kamay para formal na magpakilala.

"Sino ka ba talaga? Anong pakay mo sa anak ko? At bakit nagpapakilala ka bilang tatay niya?" Sunod-sunod na tanong ni Kaiden dahil naguguluhan siya ng sobra.

Maangas na naupo si Zander sa dulo ng kama ni Zach, todo kapit naman ng mahigpit si Kaiden sa bata dahil wala siyang tiwala sa taong kaharap nila.

"Hindi mo pa pala alam? So, mukhang effective pa rin 'yong pang-uuto ni Mia sa'yo."

Umalingawngaw sa kwadradong silid ang nakakaasar na paghalakhak ni Zander. Hindi alam ni Kaiden ang ibig-sabihin nito kaya tanging pagtataas ng kilay ang nagawa niya.

"Zander?"

Lumitaw ang boses ni Mia sa likuran nila na kararating lamang. Gulat na gulat siya na makita si Zander na kaharap si Kaiden. Samantala, tumakbo palapit si Zach sa kanyang ina at nagsumbong sa ginawa ni Zander sa kanya.

Kung gaano kalapad ang ngiti ni Zander nong mga oras na 'yon, ganon rin kalaki ang pagtataka ni Kaiden sa nangyayari. Nagpalipat-lipat siya ng tingin kina Zander at Mia na mukhang alam ang kasagutan sa mga katanungan na gumugulo sa kanyang isipan.

Matapos makuha ng isang yaya si Zach at linapitan ni Mia si Zander, nag-aapoy ang mata nito sa galit.

"Gago ka! Anong ginagawa mo dito?" Singhal ni Mia sa kanya.

"Teka lang, pumunta lang naman ako dito para magpakilala sa anak natin." Sinadya niyang lakasan iyon para marinig ni Kaiden at mabigyan ito ng ideya sa nangyayari.

Pilit inaalis ni Zander ang paghahawak ni Mia sa kanyang damit na animoy inaakay siya nito paalis pero nagpupumiglas siya. Matagal niyang hinintay ang pagkakataon na iyon kaya hindi na niya sasayangin pa.

"Zander ano ba! Huwag ngayon!" Pinagdilatan siya ni Mia ng tingin pero hindi siya nadala at padabog na tinapik ang kamay nito. Humarap siya kay Kaiden na noon ay naguguluhan pa rin sa kanilang harapan.

"Hanggang kailan mo ba uutuhin si Dok? Ha?"

"Zander!" Sita ni Mia sa kanya pero pinagtawanan lamang siya nito.

"Tutal naman nandito na tayo, bakit hindi mo pa aminin sa kanya ang totoo, Mia." Tinuro pa ng bahagya ni Zander si Kaiden.

"Zander, please, stop it." Paiyak na tugon ni Mia na puno ng kaba ang kanyang dibdib. Hindi siya naging handa sa bagay na yon.

Nagtama ang kanilang tingin ni Kaiden.

"Anong aaminin mo?" Malamig na tugon ni Kaiden, nakakatitig ito ng diretso sa kanya.

Nangininig si Mia sa kanyang kinatatayuan at hindi niya alam kung paano haharapin si Kaiden. Pinapangunahan siya ng takot at hindi niya alam ang gagawin.

"Kai, nababaliw lang siya, huwag mo siyang pakinggan!" Pangungumbinsi pa ni Mia at hinawakan si Kaiden sa palad nito.

"Sus! Sinungaling ka na nga sa anak mo pati ba naman sa kanya?"

"Shut up, Zander!" Bulyaw ni Mia sa kanya at ibinalik ang tingin kay Kaiden na noon ay salubong na ang kanyang kilay. "Please, don't mind him, Kai, nanggugulo lang siya. He's trying to destroy our fa---."

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora