Chapter 30: Who?

91 3 0
                                    

"Sobrang sarap talaga ng luto mo, Dreams. Hindi nakakasawang kainin," Pamumuri ni Oheb habang punong-puno ang bunganga niya ng pagkain. Muntik pang tumalsik sa laway ni Edward na kaharap nito ang ilang kanin sa mukha niya.

Walang magawa si Dreams sa unit dahil nabuhuryo siyang manood ng tv kaya naisipan niyang dalhan ng makakain si Kaiden sa ospital. Magandang pagkakataon rin iyon para matanong kina Oheb kung kilala ba nila 'yong babaeng tinutukoy ni Kaiden. Nagdala siya ng chicken currh na specialty niya para may pang-uto siya sa tatlo. Sakto rin na nahuling nagtimeout si Kaiden dahil may inuperahan siya ng bandang tanghalian.

"Tutal naman nasarapan kayo sa luto ko ay sobrang natutuwa ako, maniningil ako." Sa sinabing 'yon ni Dreams at sabay ba nabulunan sina Oheb at Edward sa gulat. "Oh, kalma, hindi naman pera ang hinihingi ko e. Gusto ko lang sagutin niyo ng maayos 'tong itatanong ko.

Pare-parehas ang mga ito na nakahinga ng maluwag. "Nakakatakot ka naman. Ano bang itatanong mo sa'min?"

Umayos ng upo si Dreams saka isinandal ang siko nito sa lamesa. Lahat ng tingin ng tatlong doktor ay napunta sa kanya. "Nasabi kasi ni Daddy Doc na may babaeng nanakit raw noon sa kanya. Sino 'yon? Kilala niyo ba?"

Nagkatinginan sina Oheb, Edward, at Marco sa isa't isa.

"Wala akong ideya kung sino dahil ni isa naman walang bumisita sa unit niya. Ni walang kapamilya o kamag-anak manlang na dumadalaw don e."

Mukhang nakukuha na nila kung sino ang tinutukoy nila pero ni isa sa kanila walang lakas ng loob na magsalita. Pakiramdam nila ay nawalan sila ng gana sa pagkain at naibaba ni Oheb ang hawak nitong kutsara. Umiwas ng tingin si Edward at napainom ng tubig si Marco dahil bahagyang nanuyo ang kanyang lalamunan.

"Ah... Saan mo natutunan magluto ng chicken curry? Favorite dish ko 'to e, pwede magpaturo sa'yo kung paano 'to lutuin?" Sinusubukang ilayo ni Oheb ang usapan kaya nagbukas siya ng panibagong topic.

Pare-parehas silang napaiwas ng tingin nang maawtoridad silang sinulyapan ni Dreams na animo'y nahahalata niyang umiiwas sila.

"Hep! Huwag mong ibahin ang usapan, Doc. Oheb." Tinuro niya pa ng bahagya ito gamit ang hintuturo niyang daliri. "Halatang may alam kayo kaya kayo umiiwas. Hindi niyo 'ko maloloko."

Napakamot ng ulo si Edward dahil mukhang buking na sila. Nagturuan pa sila kung sino ang magsasalita sa kanilang apat. Pare-parehas silang ayaw magsalita dahil ayaw nilang malagot kay Kaiden. Ayaw non na mailabas ang kahit na anong sikreto nito.

"Dreams, ayaw naming malintikan don kay Doc, baka pwedeng siya na lang 'yong kulitin mo tungkol sa bagay na 'yan?" Wika ni Oheb.

"Ayaw nga niyang sabihin e kaya sa inyo ako nagtanong." Sagot nito. "Sige na, sabihin niyo na kahit konting detalye lang. Promise, hindi ko sasabihin na sinabi niyo sa'kin."

Itinaas ni Dreams ang kaliwa niyang kamay upang makumbinsi ang tatlo na nangangako siya. Mabilis na pinigilan ni Dreams si Marco na akmang magbabanyo, alam nito na tatakas lamang ito. Ni isa sa kanila hindi niya pinayagang makatayo sa kanilang kinauupuan hangga't hindi nila nasasagot ang kanyang katanungan.

"Dreams, kahit  naman hindi mo sabihin kay Doc na sa amin mo nalaman, automatic na 'yon sa kanya. Kami lang naman ang pinagsasabihan non ng problema niya, wala ng iba. Sa amin niya ipinagkatiwala lahat ng sikreto niya." Depensa ni Oheb sa seryosong tinig.

Sinang-ayunan ito nina Marco at Edward na kabadong-kabado na sa tanong na iyon ni Dreams.

Alam nila ang sagot sa katanungang iyon pero takot silang sabihin ito dahil pinagkatiwalaan sila ni Kaiden. Ayaw nilang mawala ang tiwala ng matalik nilang kaibigan dahil lang sa kuryosidad ni Dreams. Hangga't kaya nilang umiwas ay gagawin nila para sila ay hindi pare-parehas na mapahamak. Kilala pa naman nila kung paano magalit ang isang Doc. Kaiden Garcia.

Hinawakan ni Dreams ang kaliwang braso ni Oheb, nakanguso itong  tumingin rito at nag-inarte ng kaunti para makumbinsi si Oheb. "Sige na, kahit konti lang, kahit konting information lang. Pagbigyan mo na  'ko, Doc. Oheb. Hindi ka ba naaawa rito sa inaanak mo, ha?" Pangongonsensya nito gamit ang kanyang anak kaya napatingin ang tatlong doktor sa kanyang tyan.

Napakamot si Edward sa kanyang ulo't napailing ng ilang ulit. "Pinapahamak mo naman kami e. Hindi ba pwedeng hintayin mo na lang na siya mismo ang umamin sa'yo? Ayaw namin ng gulo, Dreams."

"Hindi naman ako naghahanap ng gulo e, kasagutan ang hinahanap ko, Doc. Edward." Depensan ni Dreams. "Pagbigyan niyo na 'ko, please?" Palipat-lipat ang tingin na itinapon niya sa tatlo na halatang nagdadalawang-isip na pagbigyan siya.

Napansin niya ang malalim na pagbuntong-hininga ni Oheb. Kalaunan ay nagturuan sila kung sino ang magsasalita at magsasabi kau Dreams ang totoo. Ayaw ni Edward ang magsalita dahil natatakot siya kay Kaiden, gayundin si Marco kaya walang choice si Oheb kundi ang mapalunok at makakamot sa kanyang sentido.

Hinarap niya si Dreams ng diretso at nagsalita. "Mangako ka sa'kin na hindi ka gagawin ng kahit na ano na ikakasimula ng gulo."

"Promise."

"Pag nakipagfriendship over si Doc sa amin, na sa'yo ang sisi." Pagbabanta naman ni Marco na halata sa boses niyang kabadong-kabado siya.

"Doc, sabihin mo na bago pa tayo maabutan ni Doc. Kaiden, mag-iingat ka sa mga isisiwalat mo kung ayaw mong malintikan sa kanya." Pasinghal na utos ni Edward kay Oheb para matapos na ang nakakapanindig balahibo nilang kapalaran kay Dreams.

"Hays! Bahala na." Ani Oheb at huminga ng malalim. "Nakwento niya sa'min ang tungkol sa bagay na 'yan na nasabi niya daw sa'yo. Akala nga namin inamin niya sa'yo,  hindi pala. Aware ka naman na no girlfriend since birth 'yon, automatic na 'yon mismo sa'yo. Kagaya mo, naging curious rin kami ng ganyan noon, nag-imbestiga rin kami kagaya ng ginagawa mo ngayon. Hindi niya ex-girlfriend, crush, o ka-fling ang nanakit sa kanya na tinutukoy niya."

"E sino?"

"Nanay niya." Sagot ni Oheb pagkatapos ay napakagat siya ng labi't napayuko kaagad dahil nakaramdam siya ng kaunting guilt dahil 'yong kinaiingatang sikreto ni Kaiden ay naisinawalat na niya.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Where stories live. Discover now