Chapter 44: Taking Care

97 4 0
                                    

"Inumin mo muna 'to para gumaan ang pakiramdam mo, Dok."

Galing sa kusina si Dreams at dala na niya ang isang tray na kung saan niya inilagay 'yong baso ng pinigia niyang kalamansi na inihalo niya sa maligamgam na tubig. Kumuha rin siya ng isang bimpo at nagsalin ng maligamgam na tubig sa isang maliit na palanggana't naglagay ng alcohol. Nakasanayan niyang uminom ng ganon kapag nararamdaman niyang sisipunin siya o kaya naman ay lalagnatin. Nasanay rin siyang maglagay ng bimpo sa ulo nito kapag ganon na mabigat ang kanyang pakiramdam. Naniniwala siyang mas mabigang gamot 'yon o panlaban sa lagnat kaysa sa mga nabibiling gamot.

"What's that?" Tanong ng doktor sa kanya, naroon si Kaiden sa kama nito, nakahiga't nakapulupot ang kumot nito sa kanya.

Noon lamang nakapasok si Dreams sa kwarto ni Kaiden, malinis naman ito at organisado. Black and white ang theme nito, may malaking telebisyon sa tapat ng kama nito na nakarehas sa dingding. May cabinet sa right side at sa left side naman ay 'yong maliit na study table at bookshelver nito na may kalakihan. Hindi mabilang na libro rin ang naroon na puro tungkol sa medisina.

"Kalamansi juice 'yan, fresh na fresh. Inumin mo." Inalalayan niyang bumangon si Kaiden at naglagay ng isang unan pangsuporta sa likod ng lalaki. Napansin niya ang pagsalubong ng mga kilay ni Kaiden sa kanyang alok. Napako rin ang tingin nito sa dala niyang maliit na batya na may bimpo pang nakalublob roon.

"Wala akong nabasa na nakakapagpagaling ng lagnat 'yong kalamansi juice." Pangangaral nito at marahan na sinenyasan si Dreams na alisin sa harap niya 'yong baso. "And what's  that for?" Pagtutukoy nito sa batya.

Napabuga ng hangin si Dreams sa inusal ng lalaki. Oo, inaasahan na niyang magtatanong ng kung ano-ano si Kaiden dahil doktor ito. Alam niya ang mga bagay na makakapagpagaling sa kanya. Alam niya 'yong mga hindi safe na inumin. Alam lahat ni Kaiden 'yon. Pero magkaiba sila ng pamamaraan. Iyon ang alam ni Dreams kaya 'yon ang gagawin niya.

"Alam ko na hindi ganito 'yong pamamaraan ng panggagamot na alam mo pero mas mabisa 'to. Kung sanay ka na uminom kaagad ng gamot panlaban sa sakit, sa akin hindi. Mas safe pa rin kung home remedy ang gagamitin kaysa sa mga masyadong machemical na gamot." Panenermon nito at sinimulan na niyang pigain ng maigi 'yong bimpo na inilublob niya sa tubig na may halong alcohol.

Akmang idadampi ni Dreams ang bimpo sa noo niya at kaagad niya itong pinigilan. Nagkatitig sila. "Dreams, magkaiba tayo ng alam na paraan. Just do what I know, please? Hindi ko nakasanayan 'yong ganito."

"Hindi ikakabawas ng pagiging doktor mo kung maniniwala ka sa abilidad ng mga abularyo na nagturo sa akin nito." Sambit ni Dreams at tuluyan na niyang nailagay 'yong bimpo sa noo ng lalaki. Walang nagawa si Kaiden kundi hayaan na lang ito at gawin ang alam niyang paraan.

Matapos niyang malagyan ng bimpo si Kaiden at maipainom 'yong kalamnsi juice, iniwan na niya ito dahil nakatulog. Hindi niya inaasahan na ganon pala nakakaawa si Kaiden kapag may sakit ito. Napapaisip tuloy siya, paano kapag mag-isa si Kaiden kapag ganon na dinadalaw siya ng sakit? Sino ang nag-aalaga sa kanya? Sino ang nag-aalala sa kalusugan niya? Sino ang nag-aasikaso ng kakainin niya't sino ang magchecheck sa kanya kung humupa na 'yong lagnat niya?

Naiintindihan na niya kung bakit galit na galit siya sa nanay niya. Walang nanay na nag-aasikaso kapag may sakit siya. Walang nag-aalala sa kanya kapag hindi siya okay. Walang sasalubong sa kanya upang ipaghain siya ng makakain sa gabi kapag galing ito sa duty. Wala siyang kasama kapag malungkot siya. Bukod kina Oheb, wala siyang matakbuhan kapag may iniinda siyang problema. Napagtanto niyang totoong nahirapan si kaiden sa pagiging mag-isa niya sa buhay na wala ang nanay niya.

"Dahan-dahan sa paghigop, medyo mainit pa." Paalala niya kay Kaiden nong pinapakain na niya ito. Nag-alala siya ng sobra dahil nong icheck niya ito habang natutulog ay tumaas lalo ang kanyang lagnat. Kaya mabuti na lang at nagising na ito para mapakain na niya't mapainom ng gamot.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED)Where stories live. Discover now