Chapter twenty-four

1.4K 33 0
                                    

DALAWANG beses tinawagan ni Franco si Alexa pero hindi sumasagot. Wala ito sa opisina ng mga ito. Ang sabi ng kapwa nito architect ay nasa architects' working lodge raw ang dalaga. Kararating lang niya galing Cebu at dumeretso siya roon sa kumpanya dahil gusto siyang kausapin ng abogado ng lolo niya kasama si Alexa.

Palapit na siya sa architects' lodge nang masalubong niya si Kent na mukhang kagagaling lang sa nasabing kuwarto. May tinitingnan ito sa cellphone nito. Nang makita siya'y mabilis nitong naitago ang cellphone.

"Franco, nakabalik ka na pala. Welcome back!" bati nito habang pilit ang ngiti at halatang balisa.

"Yes. Thanks," aniya saka ito nilagpasan.

Bigla siyang hinarang ni Kent. 'Ah, gusto mo bang mag-meryenda muna? Sagot ko. Matagal na rin tayong hindi nakapag-bonding, eh," anito.

Nagtatakang tinitigan niya ito. Ni minsan ay hindi sila naging close nito. Busog pa naman siya at wala talaga siyang balak makipag-usap dito.

"Salamat na lang pero hindi naman ako nagugutom. Sige," aniya saka ito iniwan.

Hindi naman siya nito pinilit.

Pagdating niya sa architects' lodge ay napahinto siya sa tapat ng glass window nang makakita siya ng hindi kanais-nais na senaryo.

Lumapit siya sa binata at malayang pinanood ang nagaganap sa loob na hindi nagtatago. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang cellphone nang makita ang kanyang fiancee na inaangkin ng lapastangan niyang pinsan. Wala siyang matibay na katibayan na umiibig siya kay Alexa pero apektado siya sa natutuklasan.

Aminado siya na nagugustuhan niya ang dalaga at tiwala siya na madali itong paibigin at mahalin kaya hindi pumasok sa isip niya na umurong sa napagkasunduang kasal. Pero bakit nagkaganoon? Bakit ang bilis atang makuha ni Gaizer ang dalaga?

He gritted his teeth but he doesn't have confidence to ruin them it the middle of pleasure. Alam niya ang pakiramdam na mabitin sa ganoong kasarap na momentum, but it felt annoying.

Mariing nagtagis ang bagang niya at uminit ang pakiramdam niya sa kanyang mga laman at dugo habang pinapanood ang dalawa na nagpapakasarap sa pagtatalik. Hindi siya umalis sa puwesto niya nang minsang mahagip siya ng paningin ni Gaizer. Ang hudyo, pinagbuti pa ang pagbago kay Alexa na parang gusto siyang galitin at inggitin.

Ibabang katawan lang ng mga ito ang hubad, at nakatalikod si Alexa habang binabayo ni Gaizer sa likuran. Sarap na sarap ang dalaga, tila hype na hype at sanay na sa galaw ni Gaizer. Ang lalakas ng loob ng mga ito, palibhasa restricted ang area na iyon at sa mga oras na iyon ay walng aabala sa mga ito.

Hindi man lang natinag si Gaizer kahit nakita na siya. Nakasubsob ang mukha ni Alexa sa lamesa kaya malabong mapansin siya nito. Ikinuyom niya ang kaniyang kanang palad saka itinutok kay Gaizer saka pinausli ang gitnang daliri niya.

NAGDIWANG ang kaluluwa ni Gaizer nang makita si Franco na pinapanood lang sila ni Alexa. Hindi niya iyon inaasahan pero natutuwa siya dahil iyon talaga ang gusto niyang mangyari. Ang harap-harapang tapakan ang ego nito at pagk*lalaki. Doon niya mapapatunayan kung gaano kahalaga rito si Alexa. Pero mukhang balewala lang dito ang nangyayari. Hindi man lang sila inabala.

Kahit gustuhin niyang tumigil, hindi na niya kaya dahil darang na darang na siya at malapit na sa sukdulan.

Ibinalik niya ang atensiyon sa dalaga na naramdaman niyang nanigas ang katawan bilang hudyat sa pag-abot ito sa sarili nitong orgasmo. Minadali lamang niya ang tagpong iyon kaya hindi niya niya ito pinahirapang alisan ng saplot. Itinaas lang niya ang skirt nito at panloob nito ang kanyang inalis. Itinaas pa niya ang malulusog nitong mga hita saka siya umulos nang mas mabilis upang salubungin ang sukdulan ng kanyang pagnanasa.

Nang sa wakas ay inabutan siya ng rurok ng kaginhawaan ay dagli niyang pinakawalan ang dalaga. Tumingin siya sa bintana. Wala na roon si Franco. Nagbihis siya. Saka lamang niya hinawakan ang kanyang cellphone at binasa ang dumating na mensahe. Minsahe ito mula kay Kent. Gusto raw siyang makausap ng abogado ng lolo niya.

Nakaluklok na sa silya ang dalaga at inaayos ang sarili. "I'll call you later. Aalis na ako," sabi niya.

Hindi man lang kumibo ang dalaga. Nagmamadali siyang lumabas. Pagdating niya sa pasilyo papasok sa conference room ay napahinto siya sa paghakbang nang makita si Franco na nakasandal sa dingding at nakahalukipkip. Tumayo ito nang tuwid saka siya hinarang. Parang naghihimagsik na tigre ang mga mata nito kung makatitig sa kanya.

"Tapos na kayo?" pilyong tanong nito.

"Hindi ba obvious?" sarkastikong sagot niya naman.

Nasopresa siya nang bigla siya nitong suntukin sa mukha. Sapol ang ilong at bibig niya. Napaatras siya at umalog nang husto ang ulo niya. Mabilis na dumaloy ang dugo mula sa ilong niya at napunit niyang labi. Mabilis niyang pinahid ng kamao ang dugo. Pakiramdam niya'y kumukulo ang dugo niya pero pinigil niya ang tensiyon sa kanyang kaibuturan.

"Iyon lang ba ang gagawin mo? Nakaganti ka na sa isang simpleng suntok?" simpatikong sabi niya rito.

"Proud ka pa sa ginawa mo? Ano'ng klase kang tao, Gaizer? Ikaw ang pinakahangal na taong nakilala ko! Nakalimutan mo ata kung sino ang babaeng kinalantari mo!" anito.

"Alam ko. Fiancee siya ng pinsan ko'ng wala namang pakialam sa kanya." Nagawa pa niyang ngumisi.

"Tumalikod lang ako, nakapatong ka na sa kanya. Masaya ka ba sa ginagawa mo?"

"Oo," confident niyang tugon pero may gigil. "At hindi mo ako mapipigilan," mawtoridad niyang sabi.

Muling nagkuyom ng kanang palad ni Franco pero hindi iyon tumama sa kanya. "Hindi mo siya makukuha," matatag na sabi nito.

"Puwes, lumaban ka. Hindi ako kombinsido sa arte mo. Kung ako sa lugar mo at nakita kong may ibang umaangkin sa fiancee ko, papatay talaga ako ng tao. Hindi ako basta manununtok lang," buwelta niya.

Namumula sa galit si Franco pero hindi ito makapanakit sa kanya. Hindi na ito makakibo dahil sa pagpigil ng emosyon. Hindi na siya nagsayang ng oras dito. Iniwan niya ito saka siya pumasok sa conference room at hinarap si Atty. Sandoval na kanina pa naghihintay sa kanya. Ipinaalam nito sa kanya na kailangan bago matapos ang buwan na iyon ay maililipat na sa nararapat na magmamana ang pangalan ng Sta. Maria Group of Companies dahil kailangan nang mabago lahat ng papeles at pormal na mailipat sa tagapagmana.

Lalo siyang nanggigigil na guluhin ang kalaban. Hindi siya papayag na magtagumpay ang mga ito.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingWhere stories live. Discover now