Chapter Twelve

16.6K 428 14
                                    

 HINDI pa tuluyang bumabalik sa tamang wisyo ang utak ni Alexa nang muli siyang sugurin ni Gaizer. Tinangka niya itong talikuran pero nahawakan nito ang kanang kamay niya saka siya hinila pabalik dito. Napayakap siya sa matipunong katawan nito.

"Mahuhuli ko na ang isda, hahayaan ko bang makawala?" makahulugang sabi nito.

Pinag-iisipan pa lamang niya ang kanyang sasabihin ay hindi na siya nakapagsalita nang siilin nito ng halik ang bibig niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya nakapalag sa pangahas ng kilos nito. Hindi niya maintindihan bakit napakabilis nitong lusawin ang lakas niya at angkinin ang kaniyang katawan. Kaya nitong pasunurin ang katawan niya na wala siyang magawa.

She felt her body started to betray her, and her mind struck on the situation the she doesn't know how to avoid. Nagagawa pa niyang kontrolin ang sarili niya sa pagkakataong iyon pero nang isandal siya ni Gaizer sa likod ng pinto ng kuwarto nito ay para siyang nalalasing.

Napilit nitong buksan ang bibig niya at ginalugad ng panlasa nito ang kanya. Umungol siya nang mariing minasahe nito ang isang yaman ng kanyang dibdib. Pinagpapawisan siya sa sobrang init na nararamdaman niya. Init na likha ng sensasyon mula sa halik at haplos ni Gaizer.

Nabuksan nito ang pinto. Itinulak siya nito papasok habang walang lubay sa pagsiil ng halik sa mga labi niya. Sinipa nito pasara ang pinto. Nag-abala pa itong kunin ang remote ng air-condition saka binuksan. Para siyang manika na nagagawa nitong kontrolin anuman ang gusto nitong gawin. Kalauna'y itinulak siya nito pahiga sa kama.

Kaagad din itong sumampa sa kanya at muli siyang hinalikan sa bibig. Hindi pa rin siya tumutugon dahil wala siyang pagkakataon. She was shocked, and her mind couldn't protest for what her body wanted to do. She was seduced, tempted with Gaizer's sensual acts.

"Come on, nadarang ka na, pipigilan mo pa ba?" wika nito nang sandaling iwan nito ang bibig niya.

Nasa ilalim siya ng nakahihibang na sensasyon kaya hindi niya alam ang isasagot. Nakatitig lang siya sa uhaw nitong mukha. Her body has froze for a while. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kaniya. Wari siyang sinasapian ng ibang elemento at wala siyang magawa kundi magparaya.

"Huwag mo akong titigan lang. Alam ko'ng gusto mo ito," naiinip na sabi nito.

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Pangunahan ka?" nahimasmasang sabi niya, ngunit hindi na napag-isipan ang mga katagang pinakawalan ng kaniyang bibig.

Ngumiti ito na para bang nagtagumpay. Natigilan siya nang hilain nito pababa ang palda niya kasama ang kanyang panloob. Napalunok siya nang ilang beses. Pakiramdam niya'y nauulit lang ang nangyari sa kanila at hindi niya iyon magawang pigilan.

"Masarap gumawa ng kasalanan kung alam mong may ipinaglalaban ka. At least hindi ka talunan sakaling hindi ka magtagumpay," pangahas na sabi nito.

Isinunod naman nito ang pagbukas ng botones sa kanyang blouse, at na-unlock nito ang kanyang bra. Ipinaglandas nito ang kamay sa pagitan ng malulusog niyang dibdib sabay hila sa kanyang damit.

Pagkuwa'y hinawakan nito ang mga kamay niya saka inilapat sa dibdib nito. "Take off my clothes... please," samo nito.

Nanatili siyang nakatitig sa mga mata nito habang unti-unti niyang tinatanggal sa pagkabotones ang puting polo nito. Hinaplos niya ang maskuladong dibdib at puson nito. Ang katawang iyon ang unang umangkin sa kanya, hindi niya iyon maaring kalimutan.

Wala na siya sa wisyo at mistulang robot na sumusunod sa ipapagawa ni Gaizer. Umigtad siya nang daganan siya ng binata. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg habang nagmamasahe ang kamay sa kanyang dibdib. Nang siilin nito ng halik ang mga labi niya ay ganoon na lang kabilis ang kanyang pagtugon. Makapangyarihan ang halik nito na siyang tuluyang nagpahibang sa kanya.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingWhere stories live. Discover now