Chapter Seventeen

14.8K 431 13
                                    

PINABAYAAN ni Alexa si Gaizer sa pagtulong sa kanya. Nagbalat siya ng carrots at patatas na ihahalo niya sa siomai. Pagkatapos ay inilagay niya ang mga ito sa blender.

"Para saan 'yan?" tanong ng binata.

"Para sa siomai. Gagawin ko na siya ngayong gabi para bukas ay steam na lang ang gagawin," tugon niya.

"Hindi kumakain ng pork meat si Lola."

"Hindi po pork ang ilalagay ko kundi tuna. Sinabi naman sa akin ni Aleng Lucy kung ano ang ayaw ni Lola at gusto. Mahilig siya sa seafood kaya gagawa ako ng palabok at white spaghetti na tuna rin ang gagamitin."

Lumapit ito sa kanya at pinanood siya. Natapos na nito ang ginagawa. "Ano ang gagawin sa bawang?" tanong nito.

"Ako na ang magluluto niyan," aniya.

"Ako na. Kaya ko 'yon basta sabihin mo lang kung paano."

Tiningnan niya ito. Napakagaan ng ngiti nito, tipong nakahahawa. Kahit gusto niyang magtaray ay sumasalungat naman ang kaniyang puso.

"Please, ako na!" pilit nito.

Bumuntong-hininga siya. "Sige. Magpainit ka lang ng maraming mantika sa kawali saka mo lutuin ang tinadtad na bawang hanggang sa mag-golden brown siya. Pagkatapos ay hahanguin mo na at patiktikin para lumamig at hindi ma-over-cooked," turo niya.

"I got it. Thanks," anito saka naghanap ng malaking kawali.

Kalahating kilong bawang ang tinadtad nito. Paminsan-minsan niya itong sinisipat. Nagsuot din ito ng itim na apron. Ibinuhos nito sa kawali ang kalahati ng 1.5 liter na mantika. Nang kumulo na'y inilagay na nito ang tinadtad na bawang.

"Haluin mo lang siya nang haluin hanggang maluto."

"Yes, ma'am," sagot nito.

Inilagay naman niya sa blender ang boneless tuna na mayroong isang kilo kasabay ng ginayat na sibuyas at celery. Inihalo ulit niya ang blended vegetables. Nang magiling na lahat ay isinalin na niya ito sa malaking bowl saka tinimplahan ng asin paminta at ibang herbs and spices.

Habang naghahalo siya ay sinipat niya si Gaizer. Nagulat siya nang mamataang nakatingin din ito sa kanya. Ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya. Patuloy nitong hinahalo ang niluluto. Bigla itong ngumiti.

"Ang sarap mong titigan habang ginagawa 'yan. You are a perfect image of a wife. Gusto ko talaga ng babae na magaling magluto," wika nito.

Hindi niya napigil ang sariling mapangiti. "I'm not good in cooking, marunong lang," sabi niya.

"That's not important. Ang mahalaga may alam kang lutuin. Isa sa basic quality ng isang babae na gustong-gusto ng lalaki ay ang marunong magluto. Masarap kasing kumain ng pagkaing niluto ng taong mahal mo para sa 'yo. It's one of my dreams, too. To find a woman who will prepare my daily meal. Pero sa nature ng trabaho mo, I think you can't serve meals for your husband everyday," anito.

Tumabang ang ngiti niya. Tama ito pero hindi iyon ang gusto niyang mangyari. Gusto niya sakaling makapag-asawa siya, hahatiin niya ang oras sa trabaho at pamilya. Alam niya na isa sa dahilan ng pagtabang ng isang relasyon ay ang kakulangang ng oras at kalinga sa isa't isa.

"Time management lang ang kailangan. Hindi puwedeng idahilan ang nature ng trabaho para mawalan ng time sa pag-aasikaso sa pamilya. Hindi lahat ng babae ay kayang gawin 'yon pero gusto ko maging katulad ng mama ko. Kahit busy siya sa pagtuturo noon, nagigising siya nang maaga para ipagluto kami ng almusal at baon ni papa sa trabaho. Pagdating niya galing school ay nagluluto kaagad siya ng meryenda. Hindi siya pumapayag na ibang tao ang nagluluto ng kakainin namin. Kaya noong nagkasakit siya, sinikap kong matutong magluto dahil gusto ko ako naman ang magluto para sa kanya," kuwento niya.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingWhere stories live. Discover now