Prologue

44.9K 788 26
                                    

NAAPEKTUHAN ang payapang buhay ni Alexa dahil sa mga natutuklasang pagbabago ng boyfriend niyang si Rendel. Sinusundan niya ito saan man ito magpunta hanggang sa matagpuan niya ito sa isang bar sa Makati kasama ang barkada nito.

First time niyang nakitang umiinom ng alak ang binata. May isang babae sa grupo na noon lamang niya nakita. Kasama roon ang kababata nitong si Zed Morgan, at ang college friend nito na si Gaizer Sta. Maria. Kasama din ang pinsan ni Rendel na si Oscar.

Katabi ni Rendel ang magandang babae. Sa gawing kaliwa ng babae ay si Gaizer. Iginiit niya sa sarili na girlfriend ni Gaizer ang babae kaya kalmado siyang lumapit sa mga ito. Pero nang mapansing lasing na si Rendel ay pinili niyang umupo sa tabi ni Zed, katapat ng kanyang nobyo. Halos hindi na siya nito makilala dahil sa kalasingan. Napatingin siya sa babaeng katabi nito na halos ikiskis ang katawan sa kanyang nobyo.

Tumayo siya at akmang hihilahin palayo ang babae ngunit may sumalo sa kamay niya. Naibaling niya ang tingin kay Gaizer na siyang may hawak sa kamay niya. Mukhang hindi naman ito lasing.

"Relax, huwag kang killjoy. Just sit down and enjoy the moment," masiglang sabi ni Gaizer. Talagang pinaghila pa siya ng silya. "What do you want to drink?" tanong pa nit.

Hindi siya umupo. Marahas niyang binawi ang kanyang kamay. "Sorry, I'm not here to join with you. Gusto ko lang pauwiin ang nobyo kong nilasing ninyo!" asik niya.

Nilapitan niya si Rendel at inakay patayo ngunit bigla siya nitong itinulak. Tumalsik siya sa kabilang lamesa na wala nang tao. Hinayaan niyang maglakad mag-isa si Rendel. Tumayo rin ang babaeng kasama sa grupo at sumunod sa kanyang nobyo. Kasunod din ng mga ito si Gaizer. May ilang minuto bago niya naisipang sundan ang kasintahan.

Pagdating sa garahe ng naturang bar ay tinungo niya ang kotse ng kanyang nobyo. Nakabukas ang pinto sa driver seat. Nang silipin niya sa loob ay nawindang siya nang masaksihang nakapangko ang babae sa kandungan ng kanyang nobyo at naghahalikan ang mga ito. Pakiramdam niya'y umakyat lahat ng dugo niya sa ulo.

Hindi niya napigil ang galit at hinila niya ang mahabang buhok ng babae saka ito kinaladkad palabas ng kotse. Nang bumulagta na ito sa sahig ay saka niya ito pinagsusuntok sa mukha. Hindi siya nagpaawat hanggang sa may kamay na humaklit sa balikat niya. Hinila siya nito patayo. Nang harapin niya at malamang si Rendel ay inilagay niya lahat ng lakas sa kanyang kamao saka isinuntok sa mukha ng lalaki.

"Break up is not enough, asshole!" gigil na sabi niya matapos magpakawala ng suntok.

Bumulagta sa sahig si Rendel. To the rescue naman ang mga kaibigan nito. Gusto pa niyang saktan ang hudyo pero may humila sa kaniya papasok sa bar. Hindi na niya alam ang nangyayari sa paligid. Nanilim na ang paningin niya sa galit. Bumalik siya sa iniwang puwesto ng grupo ng hangal niyang nobyo saka tinungga ang naiwang beer. Hindi siya nakontento, nag-order pa siya ng brandy.

Dumudoble na ang paningin niya. Pero malaking tulong ng alak dahil gumaan ang pakiramdam niya at unti-unti niyang nakalilimutan ang sakit. On the spot, gusto niya instant lahat, gaya ng instant na sakit dulot ng naita niya. Nang kumapal na ang mukha niya ay tumigil na rin sa pagtulo ang kanyang mga luha. Naramdaman niya at nakita ang pamilyar na lalaki na umupo sa gawing kaliwa niya.

"I guess you don't like the taste of liquor. You don't even control yourself if you're drunk. Need some help?" wika ng lalaki.

Tiningnan niya ito diretso sa mukha. Mas guwapo ito kumpara sa ex-boyfriend niya. Ilang beses na niya itong nakita sa construction company na pinagtatrabahuhan ni Rendel pero never niya itong nakausap nang personal. Kilala lang niya ito sa pangalan at mukha.

"I need more alcohol," aniya.

Lalaklakin pa sana niya ang isang baso ng beer pero pinigilan nito ang kamay niya.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon