Chapter Thirty-one

1.7K 45 1
                                    

NANG tuluyang lumitaw ang bulto ni Gaizer suot ang itim na t-shirt na hapit sa katawan nito at itim na maong pants, ay hindi na maawat sa pagsilakbo ang puso ni Alexa. Naramdaman niya ang pagkalam ng sinampupunan niya. Tila ramdam din ng baby niya ang kanyang nararamdamang pananabik.

Itinaas ni Gaizer sa ulo nito ang suot na sunglasses. Pagkuwa'y humakbang ito palapit sa kanila.

"Bakit bumalik ka, apo?" tanong rito ni Lola Amara.

"May nakalimutan po ako. Nakalimutan ko ang laman ng puso ko," pilyong sabi nito.

Natawa ang matanda. Pagkuwa'y nagpaalam si Lola Amara na papasok na sa kabahayan dahil iinom pa ng gamot.

Pakiramdam ni Alexa ay inaapuyan ang buong katawan niya habang pilit iniiwasan ang mainit na titig sa kanya ni Gaizer.

"Parang lumulubo ka ata," komento nito habang sinusuyod ng tingin ang kabuoan niya.

Nagsuot na siya ng maluwag na pulang blouse at stretchable na leggings dahil masikip na ang ibang damit niya. Humugot siya ng malalim na hininga.

"Lumakas akong kumain," sagot niya.

Tumawa nang pagak ang binata. "Lumakas kumain o baka naman dalawa na kayo ang nakikinabang sa pagkain kaya domuble ang kain mo," tumbok nito.

Malakas talaga makiramdam ang hudyong ito. Tinalikuran niya ito. Naglakad siya patungo sa pampang ng dagat. Humabol naman ito kaagad.

"Sandali! Huwag ka masyadong magbilad sa araw!" pasigaw na sabi nito.

Huminto siya sa native cottage. Hiningal kaagad siya. Mabilis itong nakahabol sa kaniya at huminto ito sa harapan niya.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong nito.

Hindi siya sumagot. Nakahalukipkip siya habang pilit iniiwasan ang titig nito. Sa dagat siya tumingin.

"Hindi ko alam kung ano ba talaga ang ikinagagalit mo. I think you're just paranoid. Kung ano man 'yong dahilan kung bakit ka nagagalit, wala iyong katuturan. Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Kung nasaktan ka, kasalanan mo 'yon. Alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang ikasasama mo at-"

"Puwede ba tama na!" Sinupalpal na niya ito. Nakipagsukatan siya ng tingin dito.

"Then what? Tell me what's wrong?"

"Ang dami mong mali, hindi mo alam?" mataray na sabi niya.

"Fine. I admit that since I found you, I made a mistake. Pero, Alexa, lahat ng ginawa kong masama o mabuti, iyon ay dahil mahal kita. Sa paraang iyon ako nagtatagumpay."

"Ang totoo, duwag ka, torpe!" singhal niya rito.

Napasintido si Gaizer. "Oo na, tama ka!" asik din nito at idinildil ang hintuturo sa sariling dibdib. "That's the real me, Alexa! But I changed, iyon ay dahil sawa na akong naaagawan! Sawa na akong mabigo at ma-traidor ng mga taong pinagkakatiwalaan ko!" emosyonal nitong pahayag pero nanatiling matapang ang anyo.

Hindi naman niya ito idinidiin sa pagkakamali, gusto lang niyang ungkatin nang mas magkaintindihan sila. "Alam ko, Gaizer. Sinabi sa akin ni Rendel ang kabaliwan mo," mahinahong sabi niya.

Kumalma na rin si Gaizer. "Finally, he did," pilyong sabi nito at namaywang.

"Na dapat ay ikaw ang gumawa pero hindi kasi duwag ka," giit niya rito.

Ibinaba nito ang mga kamay. "But you can't blame me. I-I'm sorry for what I did. I'm in love with you so badly, Alexa. I love you so much, at wala akong ibang gustong gawins a buong buhay ko kundi ang mahalin ka at maging akin ka, officially. I want you for my entire life, owning you, just mine, ONLY mine," may diing sabi nito.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingWhere stories live. Discover now