Chapter Twenty

15.1K 424 7
                                    

HINANAP ni Alexa si Gaizer sa mansiyon pero wala ito roon. Wala ito sa paligid. Nalala niya ang karagatan. Dinala siya ng mga paa niya sa beach area. Mabuti na lang maliwanag ang buwan. Malayo pa lang ay nakilala na niya si Gaizer na siyang nakaluklok sa sahig ng ginagawang cottage. Nang malapita'y saka niya napansin na may tinutungga itong alak.

Hindi manlang ito nagulat sa biglaang pagsulpot niya. Hinubad niya ang suot niyang sandals saka lumuklok sa tabi nito.

"Bakit nandito ka? Hindi mo dapat iniwan ang mga biyanan mo," supladong sabi nito.

"Sa palagay mo magiging komportable akong kasama sila?" aniya.

"Akala ko ba okay sa iyo ang parents ng fiance mo."

"Noon 'yon."

Matamang tumitig ito sa kanya. Pagkuwa'y ngumisi ito. "Hm. Na-realize mo na ba na mali ang desisyon mong magpakasal kay Franco?" anito.

"Kailangan ko lang siguro ng sapat na panahon para makapag-isip," wika niya.

"Kailan pa 'yon? Kung nakatali ka na kay Franco?"

Magsasalin pa sana ito ng alak sa shot glass pero pinigil niya ang kamay nito. "Hindi ka makakapag-isip nang maayos kung maglalasing ka," aniya.

Inilapag naman nito sa lupa ang bote ng tequila at baso. Pagkuwa'y hinawakan nito ang kaliwang kamay niya. Nagulat siya nang isuot nito sa ring finger niya ang pamilyar na singsing. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang hitsura ng singsing na mayroong litrang 'M' na yari sa mamahaling bato ang nasa tuktok.

"Kilala mo ang singsing na 'yan, 'di ba?" anito.

Parang may bumara sa lalamunan niya at sa isang iglap ay bumalik sa isip niya ang isang pangyayari na hindi niya malimutan noong nag-aaral siya ng college.

"TULONG!" sigaw ni Alexa nang makulong siya sa loob ng palikuran na ubod dilim. Katatapos lang ng Christmas party nila nang gabi at biglang nawalan ng kuryente.

May nag-lock sa labas ng pinto ng CR ng mga babae. Masakit pa ang binti niya dahil hindi siya sanay sa mataas na takong na sandals. Pinipilit niyang mabuksan ang pinto. Sa kagustuhang makalabas ay ipinasok niya ang isang kamay niya sa maliit na butas na malapit sa seradura. Hindi niya mahawakan ang seradura sa labas. Nang bawiin niya ang kamay ay nahirapan na siyang hilain ito. Pinupukpok niya ang pinto para maglikha ng ingay baka sakaling may makarinig sa kanya.

"Tulong!" sigaw na naman niya.

Mamaya'y may narinig siyang yabag na papalapit. Tumigil siya sa pag-iyak nang may bumukas ng pinto. Naaninag niya ang bulto ng lalaki pero hindi niya nakilala dahil madilim. Tinulungan siya nitong alisin ang kamay niya sa butas.

"Calm down," sabi nito sa paos na tinig.

"Aw!" daing niya dahil sumakit lalo ang kamay niya dahil sa suot niyang singsing na may malaking bato.

"I'll remove your ring first," anito saka hinila ang singsing palabas ng daliri niya.

Pagkuwa'y mabilis na nitong nailabas ang kamay niya. "Thank you," sabi niya nang makalabas sila. Wala pa ring ilaw. Pilit niyang inaaninag ang mukha nito pero masyadong madilim. Mas matangkad ito ng dalawang dangkal sa kanya.

"Alexa!" nariig niyang tawag ni Rendel. Si Rendel ang masugid niyang manliligaw.

Nakita niya ito sa hallway na natatamaan ng munting liwanag mula sa labas. "Rendel!" sagot niya.

Nakalimutan na niya ang lalaking tumulong sa kanya. Sinalubong na niya si Rendel. Hinatid siya nito sa tinutuluyan nilang bahay sa Pasig.

Pagdating niya ay nagkuwento siya sa magulang niya kung ano ang nangyari sa kanya. Nang nakabihis na siya ng pantulog ay saka napansin ng mama niya ang kanyang kamay.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon