Chapter Nineteen

14.6K 405 3
                                    

"HEY, are you alright?" tanong ni Gaizer.

Kumislot si Alexa nang tapikin ni Gaizer ang kanang braso niya. Lumipad na kasi ang isip niya sa side ni Franco. Nagulat siya nang si Gaizer na ang naghahalo sa ginagawa niyang fruit salad. Hindi na niya iyon binawi.

"Pasensiya na," wika niya sa malamyos na tinig.

"Ang layo naman ng inisip mo. Nami-miss mo na ba ang fiance mo? Huwag kang mag-alala, masaya siya sa piling ng iba," pang-aasar pa nito.

Tiningnan niya ito nabg masama. "Halos lahat naman ng lalaki kapag malayo sa partner nila ay nangangaliwa."

Napalis ang ngiti ni Gaizer. "Ganyan siguro si Franco, ano?" sabi nito.

Tinitigan lang niya ito. Kumislot siya nang ipahid nito ang spatula na may cream sa tungki ng ilong niya. Itinabig niya ang kamay nito.

"Ano ba?" angal niya. Pinahid niya ng kamay ang cream sa kanyang ilong.

Nakangisi ang binata. "Let me guess, may natuklasan ka tungkol kay Franco, ano? Ayaw mo kasing maniwala sa akin. Hindi magtatagal sa isang lugar si Franco kung wala siyang makakasamang babae sa kama. Puwede ka niyang seryosohin pero hindi mo maiaalis sa kanya ang bisyo niya. 'Yon lang ang maganda sa kanya, magaling siyang magtago. Magaling din siyang magsinungaling, at siyempre, magaling umarte."

Hindi na siya nagkomento. Kumuha siya ng isang pirasong ponkan sa mga dala nitong prutas saka binalatan.

"Puwede na ba ito?" tanong nito.

Tumango siya. Si Gaizer na ang naghanap ng takip para sa salad saka iyon ipinasok sa refrigerator.

PAGKATAPOS maihanda ang mga pagkain ay naligo na si Alexa. Pinahiram siya ni Lola Amara ng night gown nitong kulay abo. Backless ang gown at hanggang gitna ng hita niya ang slit. Ganoon karamihan ang design ng gown ng matanda na nakatago. Kasya rin sa kanya ang three inches na itim na sandals ni Lola Amara. Pinahiram pa siya ng isang set na black diamond nitong alahas.

Itinali lang niya ang ga-baywang niyang buhok na isang bungkos. Wala naman siyang kailangang paghandaan na bisita. Parents lang naman daw ni Franco ang darating at ilang kaibigan.

Nagsisimula na ang party pagdating ni Alexa sa hardin kung saan naka-set-up ang lahat. Pulos puti lahat ng cover ng lamesa at upuan. Parang ayos ito sa isang hotel events accommodation. Hindi siya magtataka dahil dating owner ng resort at hotel si Lola Amara. Sanay ito sa magarang party.

Look young at her attire ang lola nila with red night gown suot ang kumikinang nitong mga alahas. Kahit nakaupo sa wheel chair ay kitang-kita ang kagandahan nito. Parang nasa early fifties lang itong tingnan. Iba talaga ang nagagawa ng makeup. Walang panama ang simple niyang makeup rito.

Naka-ayos ang pagkain sa malaki at mahabang lamesa. Buffet ang ayos nito kaya malinis ang ibang lamesa. Mayroong taga-serve ng pagkain sa buffet table. Nakalatag ang litsong baka sa gitna ng lamesa at ang six layer na cake. Si Roger daw ang bumili ng cake at balloons.

Hindi niya namalayan ang pagdating ng mga ito. Nagsisimula na ring tumugtog ang banda sa ginawang munting entablado. Sa gitna ng venue ay may space para sa dance floor. Nag-hire ng ballroom dancer si Lola Amara for entertainment.

Nagsidatingan na rin ang mga di-kotseng mga bisita. Naroon din si Engr. Vergara at ibang empleyado ng Sta. Maria. Dumating na rin ang mga amega ni Lola Amara at dating kaibigan at kliyente ng yumaong asawa nito. Nagsisimula na sa paghayag ng munting mensahe si Lola Amara.

Nakita ni Alexa ang parents ni Franco na nakaupo sa VIP table sa harap ng entablado. Nag-aalangan siyang lumapit dahil nakita niya si Gaizer na nakaupo rin kasama ng soon to be parents in law niya.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingWhere stories live. Discover now