Epilogue

2.9K 65 3
                                    

TATLONG buwan magmula noong normal na ipanganak ni Alexa ang panganay nila ni Gaizer ay saka sila nagdesisyong magpakasal sa simbahan. As Gaizer's promised, they will have their honeymoon in Japan. Excited na siya.

Simpleng kasal lang sana ang gusto nila pero si Lola Amara ang may gusto ng magarbong selebrasyon na ginanap sa Tagaytay. Imbitado lahat ng kaanak niya at sa side ni Gaizer. Siyempre, dumalo rin si Franco at Rendel kasama ang asawa nito.

"Mabuhay ang bagong kasal!" panabay na sigaw ng mga tao nang pagbaba nila ng bride's car sa mansiyon.

Sinalubong na sila ng mga bisita. Nagmula na sila sa simbahan at diretso na roon upang pagsaluhan ang naihandang pagkain. Dalawang baka talaga ang pinakatay ni Lola Amara at isang litson.

Sa malawak na hardin ang salo-salo. Merong catering at banda, meron ding naihandang mga pakulo para sa kanila. Mabuti na lang nagkaayos na si Gaizer at Roger. Naroon din ito kasama ang asawa at mga kaibigan. May sarili nang contraction company si Franco at katuwang ang ama sa pagpapalakad nito.

Hindi naman nagtagal si Alexa sa party dahil nagwawala ang anak niya kahit karga ng yaya nito. Sa kaniya kasi ito dumidede. Iniwan na niya si Gaizer at pumasok siya sa kuwarto at pinadede ang kaniyang anak. Napagod din siya at gusto nang matulog.

Nakaidlip na siya nang may humipo sa kanang binti niya. Nang tingnan niya'y si Gaizer. Hubad-baro na ito.

"Tulog na si baby, ilipat na natin sa kona," sabi nito.

"Sige." Hinayaan na niya ito na ilipat sa kona si Baby Kaizer. Tinamad na siyang bumangon kahit humihilab na naman ang kaniyang sikmura.

Mabuti may dalang pagkain si Gaizer. Hindi rin ito nakakain nang maayos sa party. Pinagsaluhan nila ang pagkain.

"Anong oras ang flight natin bukas papuntang Japan?" tanong niya rito.

"Alas dos ng hapon," tugon nito.

"Mabuti may oras pa tayong magpahinga. Pero naihanda ko na lahat ng kailangan natin."

"Good. May meeting ako bukas ng umaga sa opisina. After no'n pupunta na tayo ng airport."

Tumango lang siya. Ang yaya lang ni Baby Kaizer ang makakasama nila dahil busy ang daddy niya kaya hindi rin makasama ang kaniyang ina.

"Okay lang bang matulog muna ako sa umaga? Ilang gabi nang wala akong maaos na tulog dahil kay Baby," aniya sa asawa.

"Oo naman. Tutulungan naman kitang mag-alaga sa anak natin. At saka nariyan si Yaya Marlyn, basta mag-save ka lang ng gatas sa bote ni Baby."

Natutuwa siya dahil lahat ng gusto niyang gawin ay suportado si Gaizer. Pumayag na rin itong magtrabaho siya ulit sa kumpanya at gagawa lang ng sketch. Hindi naman kailangang sundin niya ang working hour. Ayaw niyang ma-stock lang ang kaalaman niya.

Sakto lang ang dating ng mag-asawa sa airport kinabukasan after lunch. Hindi naman sila nahirapan sa kanilang anak dahil mas matakaw ito sa tulog tuwing umaga. Basta busog ito, tulog lang nang tulog. Mabilis lang naman ang biyahe.

Pagdating sa Tokyo ay diretso na sila sa bahay ni Gaizer. Katabi lang pala ng bahay nito ang puntod ng ina nito, na tanging abo na lamang. Dahil gabi na silang nakarating, ipapabukas na nila ang pagdalaw sa puntod ng ina ni Gaizer.

Picture lang ang unang pinakita ni Gaizer sa kaniya tungkol sa design ng bahay nito. She loves the modern and classy design but the traditional Japanese houses were still there.

Naktulog naman siya sa biyahe kaya okay lang na late na siyang matulog. May katiwala roon si Gaizer at pinaghandaan ang pagdating nila. Dalawang palapag ang bahay at mayroong tatlong kuwarto sa itaas, dalawa naman sa baba. Malawak ang lupain na naliligiran ng malalagong halaman at punung-kahoy kaya ang lamig sa pakiramdam.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz