Chapter Twenty-One

15.4K 466 12
                                    

MAG-UUMAGA nang bumalik sa mansiyon si Alexa. Ayaw umuwi ni Gaizer kaya iniwan niya ito sa cottage habang tulog pa. Tahimik na ang kabahayan. Mukhang maagang natapos ang party dahil maraming pagkaing natira. Nakaramdam siya ng gutom kaya naghalungkat siya sa kusina pero fried chicken lang ang pinapak niya at isang slice ng loaf bread.

Bago magising ang mga aplipores sa mansiyon ay pumasok na siya sa kanyang kuwarto at natulog. Nang muli siyang magising ay pasado alas-dose na ng tanghali. Masakit ang buong katawan niya. Magkasunod na katok sa pinto ang narinig niya. Pinilit niyang bumangon at nagtungo sa pintuan.

Pagbukas niya ay tumambad sa kanya si Gaizer na nakabihis ng bughaw na polo-shirt at maong na pantalon. Mukhang bagong ligo at nanunuot sa ilong niya ang matapang na pabangong ginamit nito. Sinuyod nito ng tingin ang kabuoan niya. Manipis na t-shirt lang ang suot niya at short pants na kalahati sa kanyang hita.

"Pupunta ako sa Herera Village, hindi ka ba sasama para makita ang site?" anito pagkuwan.

"Late na para makapag-prepare ako. Bukas na siguro. Marami pa akong labahin," sagot niya.

Ngumisi ito. "Mukha kang lantang-gulay, ah. Kumain ka na," anito.

Bumuntong-hininga siya. "Kasalanan mo 'to."

Tumawa ito nang pagak. "Huwag ka nang manisi."

Tiningnan niya ito nang masama. "Umalis ka na," pagtataboy niya rito.

Nagtagis ang bagang nito. Nagulat siya nang bigla siya nitong itulak papasok sa kuwarto saka siya isinandal sa dingding. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito.

"Huwag mo kakalimutan na narito tayo para sa trabaho. Aasahan kita bukas sa site. Bukas din ng hapon ay babalik tayo ng Maynila," sabi nito na halos sakmalin na ang bibig niya sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya.

"Oo na, magre-report ako. Pumunta ka na roon," aniya.

"Okay. Doon ako matutulog mamayang gabi. Hihintayin na kita doon bukas," sabi nito.

"Hindi ka na ba babalik dito bukas?"

"Babalik para magpaalam kay lola."

"Sige."

"Sige." Inulit nito ang sinabi niya.

Umismid siya. Hinawakan nito ang baba niya saka bahagyang iniangat ang kanyang mukha. Pagkuwa'y pinaghinang nito ang kanilang mga labi. Mabilis siyang tumugon pero kaagad din itong tumigil.

"Bye," anito sabay ipinaglandas ang kamay sa kanyang dibdib.

Ngumiti lang siya. Sinundan niya ito ng tingin habang papalabas ng pinto. Humugot siya ng malalim na hininga. Pagkuwan ay pumasok siya sa banyo at naligo.

Alas dose na ng hapon lumabas ng kuwarto si Alexa. Naglaba pa kasi siya sa banyo. Nilabhan din niya ang hiniram niyang gown kay Lola Amara. Nadatnan niya ang matanda sa sala at nakaupo sa wheel chair nito habang nagbabasa ng libro. Dumaan siya sa tabi nito at nagpapapansin. Nilapitan niya ito. Tiningala naman siya nito.

"Kumain ka na ba, hija?" matamlay na tanong nito.

"Ah, hindi pa po. Tinanghali kasi ako ng gising at naglaba ako," tugon niya.

"Kumain ka na. Initin mo na lang ang mga ulam." Ibinalik nito ang atensiyon sa binabasa.

Hindi siya sanay na matamlay ito. "Ahm, Lola, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong niya.

Muli siya nitong tiningnan. Bumuntong-hininga ito. "Hindi kumain si Gaizer bago umalis. Hindi man lang siya nagpaalam. Galit kaya siya sa akin?" nagtatampong sabi nito.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingWhere stories live. Discover now