Teaser

50.7K 869 14
                                    

PUMAYAG si Alexa San Diego sa desisyon ng Papa niya na pakasalan ang nag-iisang anak ng boss nito na si Franco Santa Maria. Guwapo ang binata, business minded, at sikat na modelo. Si Franco mismo ang lumalapit sa kaniya kaya wala siyang dahilan para tumanggi.

Okay na ang lahat, nakaplano, at maganda na ang naging samahan nila ng lalaki. Ngunit habang papalapit ang kasal nila ay unti-unting pagbabago ni Franco, na tila wala na itong interes sa kasal. Kasabay sa pag-iwas nito sa kaniya ay biglang dumating ang pinsan nitong si Gaizer Santa Maria. Ang lalaking isinumpa niya dahil sa isang one-night stand na tinakasan nito.

Galit siya sa binata, ngunit isa itong tukso na gagawin ang lahat maakit lamang siya. Siya namang marupok, at hindi magawang pigilan ang maiinit na tagpong tila nakasanayan na nila. Handa ba siyang manindigan gayung manindigan sa eskandalong pinasok, o hahayaang mabihag ng binata ang kaniyang puso?

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingWhere stories live. Discover now