Chapter Eleven

16.9K 461 25
                                    

MANPOWER ni Gaizer ang nagtatrabaho sa construction. Unang araw pa lamang ay naging magaan ang trabaho at mabilis. Lahat ng gamit ay ready-made na kaya mas madaling maikabit. Nasorpresa si Alexa nang pagdating nila sa site ay naghanda si Mr. Herera ng masarap na meryenda. Ang secretary nito ang nag-assist sa kanila. May business meeting pa raw ang ginoo.

Nasa lobby sila ng main office ng village. Sinisimulan na ang construction ng mga model houses sa likurang bahagi ng main office. Mayroong private two-story house sa maluwag na area. Doon madalas nagpapahinga si Mr. Herera. Doon din ang nakalaang kuwarto nila para sa tatlong araw nilang pag-asikaso sa panimula ng construction. Kasama na iyon sa budget ng kumpanya pati pagkain.

Pagsapit ng tanghalian ay sa private house na sila dinala ni Marvin, na secretary ni Mr. Herera. Maluwag ang bahay na mayroong tatlong kuwarto sa itaas at isa sa ibaba. Malawak din ang sala nito at dining area.

"Nasa itaas ang magiging kuwarto ninyong dalawa. Ready na lahat ng kailangan ninyo for three days stay. Mayroong server ng pagkain ninyo. Pinaghandaan talaga ito ni Boss," sabi ni Marvin.

Iginala muna sila nito sa buong bahay. Mabuti na lang tig-isa sila ng kuwarto. Pagkuwa'y ibinigay nito sa kanila ang susi ng kuwarto.

"Maiwan ko na kayo rito. Marami pa kasi akong gagawin," ani Marvin.

Naiwan sila sa dining area na may nakahaing pagkain. May silbidora na nagbabantay sa kanila.

"Thank you, Marvin," sabi ni Alexa.

Ngumiti lang ang lalaki saka sila tuluyang iniwan. Nauna na siyang umupo sa tapat ng hapag-kainan. Nasa kusina na ang silbidora. Pagkuwa'y sinamahan na siya ni Gaizer.

"I love my job. Ang daming foods," anito.

"Kailangan bang three days tayo maglalagi rito?" tanong niya.

Matamang tinitigan siya nito. "Yap. Request iyon ni Mr. Herera. Ayaw kasi niya na walang engineer o architect na nakamasid sa trabahador lalo na sa unang araw."

"So puwede palang ikaw na lang ang mag-stay rito."

"Bakit, may lakad ka ba?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.

"Kailangan ko rin kasing i-monitor ang project namin ni Franco sa Cavite at Laguna."

"Puwede mo namang dalawin 'yon. Malapit lang tayo sa Cavite."

"Ang gusto ko sana ay doon ako mag-stay kay Lola Amara."

"Puwede rin pero ngayong gabi hanggang bukas ay kailangan nandito ka. Huwag kang mag-alala, ihahatid kita sa farm bukas ng hapon. Pupunta rin naman ako roon sa sa Sabado at Linggo para sa birthday ni Lola."

"Salamat," aniya. Nagsalin na siya ng pagkain sa kaniyang plato.

"Malabo atang makakapunta si Franco," sabi nito pagkuwan.

"Nasa Cebu siya. Baka dalawang Linggo siya roon."

"Good."

Diretsong tumitig siya sa binata. Nakataas ang isang kilay nitong nakatitig sa kanya.

"What?" untag niya.

Ngumisi ito. "Paano mo napagtiyagaang pakisamahan si Franco? Paano ka liligaya niyan kung mas inuuna niya ang trabaho kaysa sa iyo?" anito.

"Nasanay na ako sa kanya," sagot niya.

Tumawa ito nang pagak. "Hindi ka man lang ba nagdududa na baka may ibang babae siyang inaatupag? Expose siya sa mga magaganda at sexy, sikat na babae. Hindi ka ba nakadadama ng insecurities sa katrabaho niya?" Kinastigo pa siya nito.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingWhere stories live. Discover now