Chapter Thirty

1.4K 39 1
                                    

NAG-STALK si Gaizer sa social profile ni Alexa. Matapos siya nitong in-unfriend ay hindi siya nag-friend request dito. Baka lalo lang itong magalit sa kanya. Naiinis pa rin siya sa kanyang sarili dahil napabayaan niya ang dalaga dahil sa mana. Nakita niya ang mga kaka-upload na picture ni Alexa.

Tapos na pala ang bahay na pinapagawa ng pamilya nito. Pamilyar sa kanya ang design. Bagamana may pagkakaiba pero kilala niya ang style ng entrada at second floor. Original design niya iyon. Ganoon din ang pinagawa niyang bahay sa Tagaytay, sa private lot niya na sakop din ng farmland pero sinadya niyang inihiwalay para lang sa future wife niya.

Binili niya ang six hundred square meters lot sa lolo niya noong binigyan siya ng mommy niya ng allowance na one million pesos. Dream house niya iyon para sa babaeng mahal niya. Para kay Alexa, the only woman he wants for the rest of his life. Kaya hindi siya papayag na masayang ang panahong iginugol niya para makuha ito.

It's never too late, he can do more to win her heart back and accept him without any doubt. Alam niya nadala lang ng galit si Alexa, at kapag naihayag na niya nang maayos ang side niya ay maiintindihan din siya nito. Kaya hindi siya maaring magsyang ng panahon.

Naiinis siya nang makitang kasama ng dalaga sa picture ang hilaw niyang karebal, si Franco. Magkasama pa talaga sa blessing ng bahay ang dalawa. Mukhang masaya naman ang dalaga. Hindi niya ito matiyempuhan. Lalo siyang nainis nang malamang nag-apply si Alexa sa kumpanya nila Rendel.

Kaya noong gabi pa lang ay nai-chat niya si Rendel at sinabing huwag tanggapin si Alexa. Gusto niyang gipitin ang dalaga para lunukin nito ang pride para bumalik ito sa kanya. Lahat ng malalaking construction company na kilala niya ang may-ari ay kinausap niya at sinabing huwag tanggapin si Alexa San Diego sakaling mag-apply ito. Hindi naman niya siniraan ang dalaga. Idinahilan lang niya na nagtatampo lang ito sa kanya kaya ito lumayas.

Nasisiraan na siya ng bait sa kakaisip ng paraan kung paano niya maibalik ang dalaga sa piling niya. Nang ayaw siyang tantanan ng stress ay nagpasya siyang magpalamig muna sa Tagaytay. He needs some fresh air.

Sabado ng gabi ay bumiyahe si Gaizer patungong Tagaytay. Nagpalipas siya ng gabi sa dream house niya. Bumili na rin siya ng mga bagong gamit para roon. Last year pa iyong natapos.

Kinabukasan ay nagtungo siya sa merkado at bumili ng bulaklak at kandila para dadalhin niya sa puntod ng lolo niya't ama. Bago siya pumantang burol ay tumambay muna siya sa mansiyon. Matagal-tagal ring hindi sila nakapag-usap ni Lola Amara. Nadatnan niya itong nakaupo sa wheel chair nito sa hardin at pinapanood ang mga ibong dumadapo sa mga halaman.

Bumili rin siya ng puting rosas para rito. Hindi nito namalayan ang pagdating niya. Nagulat na lang ito nang bigla siyang sumulpot sa harapan nito.

"Apo!" bulalas nito.

"Kumusta ka, Lola?" aniya.

Napaiyak ang matanda. "Diyos ko, salamat at naisipan mong dalawin ako," anito.

Niyakap niya ito nang mahigpit. Pagkuwa'y ibinigay niya rito ang bulaklak. Hinalikan siya nito sa noo. Lumuklok siya sa silya na inilipat niya sa harapan nito. Ayaw nitong bitawan ang mga kamay niya. Ramdam niya ang emosyon nito, masaya na halatang may pagkabalisa.

"Patawarin mo ako, apo. Marami akong pagkukulang sa 'yo at sa mommy mo. Kasalanan ko kung bakit natagalang napunta sa 'yo ang kumpanya ng lolo mo," sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Ano po ang ibig n'yong sabihin?"

"Noong namatay ang lolo mo, kinuha ko kay Atty. Sandoval ang Last Will and Testament na pinagawa niya pati ang video. Itinago ko iyon para hindi masaktan si Roger sa naging desisyon ng lolo mo. Naaawa kasi ako kay Roger. Ayaw kong masayang ang paghihirap niya para sa kumpanya," bunyag nito.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingWhere stories live. Discover now