Chapter Twenty-three

31.7K 819 59
                                    

PAULIT-ULIT na tinatawagan ni Gaizer si Alexa pero hindi ito sumasagot. Hindi din ito nagre-reply sa messenger. Hindi siya makakapunta sa Tagaytay kaya ito dapat ang papupuntahin niya para kausapin si Mr. Herera tungkol sa gusto nitong ipadagdag sa plano. Katatawag lang kasi sa kanya ng ginoo. Nasa biyahe sila ni Kent patungong Zambales lulan ng kanyang kotse.

"Sino ba ang tinatawagan mo?" tanong ni Kent. Ito ang nagmamaneho dahil mas kabisado nito ang daan.

"Si Alexa," tugon niya. "Hindi puwedeng dedmahin niya ang tawag ko dahil importante ito. Aalis si Mr. Herera papuntang Hongkong bukas. Magagalit 'yon kapag walang sumipot sa kanya ni isa sa amin," aniya.

"Nasaan ba si Alexa? Wala naman ata siyang ibang project dahil patapos na ang project nila ni Franco sa Cavite."

"Hindi ko alam. Hindi man lang siya nag-report sa office."

"Baka masama ang pakiramdam kaya hindi nakapasok," hula ni Kent.

"Kahit pa naghihingalo siya kung gusto niyang sagutin ang tawag ko magagawa niya. Iniiwasan ata ako nitong babaeng iyon," naiiritang sabi niya.

Tumawa nang pagak si Kent. "Malamang 'yan ang dahilan. Baka magkasama na sila ni Franco," anito.

"Sira-ulo. Nasa Cebu si Franco."

"Malay mo biglang dumating at hindi natiis ang fiancee at biglang sinugod at-"

"Puwede ba itikom mo 'yang bibig mo? Salpakan ko 'yan ng kamao, eh!" napipikong sabi niya.

Biglang tumahimik si Kent. Nasa Pampanga na sila kaya bumibilis na ang takbo ng sasakyan.

"Nadala mo ba ang ginawa kong proposal para kay Mr. Kim?" tanong niya makalipas ang ilang minutong katahimikan.

Parang walang narinig si Kent. Tahimik lang itong nagmamaneho. "Nadala mo ba, Kent?" ulit niya.

Hindi pa rin ito sumasagot. Sa inis niya'y hinampas niya ang dibdib nito. "Hoy! Sumagot ka!" singhal niya rito.

Natatawang tiningnan siya nito. "Ang sabi mo itikom ko ang bibig ko, e 'di itinikom ko. 'Tapos ngayon magagalit ka dahil hindi ako nagsasalita," sarkastikong sagot nito.

Lalong uminit ang ulo niya. "Gusto mo bang maglakad pauwi?" sabi niya.

Dagling inilabas nito ang sinasabi niyang proposal. "Heto, oh. Dala ko. Ikaw talaga napaka-biyolente mo. Hindi lang sumasagot sa tawag mo ang baby mo, uminit na ang ulo mo," nagmamaktol na sabi nito.

Kinuha niya ang poroposal na naka-folder. Hindi na niya ito pinansin dahil lalo lamang siyang naiinis. Habang nire-review niya ang ginawa niyang proposal ay biglang dumapo sa isip niya si Alexa. Dalawang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Hindi man lang ito sumasagot sa tawag at mensahe niya. Hindi rin niya ito nakikita sa kumpanya.

Pagdating sa tanggapan ni Mr. Kim sa resort nito sa Subic ay hinarap naman sila kaagad ng ginoo. Natutuwa si Gaizer dahil natatandaan pa siya nito.

"Ah, ikaw anak Hector. Good, good. How are you?" sabi nito matapos silang magkadaupang palad.

Isang Chinese national si Mr. Kim na maraming itinayong pabrika sa bansa. Katulad ng pabrika ng mga appliances at electrical supply. Isa ito sa pinakamayamang negosyante sa bansa.

"I'm fine, sir. How about you? How's your business?" balik niya.

"Good. Business is okay. So, what can I do for you? Please take your seat first," anito pagkuwan.

Umupo naman sila ni Kent sa magkatapat na silyang katapat ng mesa ni Mr. Kim. "About your under the sea part, I just want to confirmed if it's still open for construction," sabi niya.

Obsession 1, Owning Her (Complete) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon