Umuwi ka na baby

1.3K 25 4
                                    

Hapon na nang makarating si Basilio at Isagani sa kuta ng mga tulisanes dahil kinailangan pa nilang dumaan sa mercado upang mabili ang mga inutos na kagamitan at sangkap ng rekado na gagamitin raw ng kanyang Ate Klay sa kanyang mga lulutuin sa araw ng pagbalik ng kasintahan nito na si Ginoong Fidel...
Kasintahan na nga ba? Hindi nya sigurado.
Ngunit alam naman ng lahat na may pagtatangi ang Ginoo sa kanyang Ate at sigurado rin siya na ganun din ito kay Ginoong Fidel, hindi nga lang nya sigurado kung ano pang dahilan nito kung bakit hindi pa ito umaamin, kitang kita naman sa mga kilos at mga mata nito na mahal ang nasabing ginoo.

Isagani: Buenas tardes Binibini.
Basilio: Magandang hapon po Ate Lucia, alam nyo po ba kung nasaan si Ate Klay?
Lucia: Magandang hapon din naman sainyo Basilio at Isagani. Kung hinahanap ninyo si Klay ay naroon sya sa may kubong iyon

Itinuro ng Binibini ang kubo na nasa kanang direksyon. Iyon ang kubong tinutuluyan ni Ginoong Fidel.

Isagani: Nariyan na rin po ba si Ginoong Elias at Ginoong Fidel?
Lucia: Ah wala parin sila hanggang ngayon. Sa malamang ay bukas pa sila ng umaga makakarating dito.
Basilio: Ah ganoon po ba, sige po at salamat. Pupuntahan na po muna namin si Ate Klay upang maiabot ito. Sige po.

Nagpaalam na sila sa Binibini at naglakad na sila patungo sa kubo. Nang makalapit na sila sa pinto ng kubo ay may narinig silang dalawa ni Isagani..

Labis na naiinip
Nayayamot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa

Pinigilan niya si Isagani sa pagkilos at sinenyasan..

Umuwi ka na baby
'Di na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap kita

Nagkatinginan silang dalawa ng kasama.

Isagani: Ang iyong Ate ba ang naririnig nating kumakanta?

Sumenyas lamang muli si Basilio na tumahimik lamang at huwag gumawa ng ingay.

Hanggang kailan ako
Maghihintay na makasama kang
Muli sa buhay kong puno ng paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha at
Naglalagay ng ngiti sa mga labi

Pang-apat na araw simula ng umalis at maglakbay si Ginoong Elias patungo sa kabilang bayan upang katagpuin ang kabilang pinuno at makipagpulong upang ipamalita ang mga plano ukol sa nalalapit na pag-aaklas laban sa mga Kastila. Kasama sa nasabing paglalakbay ay si Ginoong Fidel at naiwan naman ang kanyang Ate dahil hindi pumayag si Ginoong Fidel sa kadahilang malayo at delikado.

Basilio: Tama ka Isagani, umaawit nga ang aking Ate Klay.

Di mapigilang mag-isip
Na baka sa tagal
Mahulog ang loob mo sa iba
Nakakabalisa knock on wood
Wag naman sana

Isagani: Ngunit, kakaiba ang pamamaraan niya sa pag-awit. Naghahalo ang liriko sa salitang tagalog at Ingles

Hindi nakasagot si Basilio, noon pa may ay kakaiba na talaga ang pamamaraan ng kanyang Ate Klay sa pagsasalita gayun narin sa ibang bagay.

Hanggang kailan ako
Maghihintay na makasama kang
Muli sa buhay kong puno ng paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha at
Naglalagay ng ngiti sa mga labi
Umuwi ka na baby

Sa pakikinig nilang dalawa ni Isagani sa ginagawang pag-awit ng kanyang Ate ay hindi nila napansin na nasa likuran na nila si Lucia.

Lucia: Oh? Ang akala ko ba ay hinahanap ninyo si Klay-

Klay: Ha? Ate Lucia? Baket-
Mula sa loob ay narinig nila ang tinig ni Klay at bumukas ang pinto

Klay: Basilio? Isagani? O Ate Lucia, Anong ginagawa nyo dyan?
Isagani: Ah narinig ka kasi naming kumakanta kaya minarapat-
Lucia: Kumakanta?-
Basilio: Ah wala iyon Ate Klay, Magandang hapon nga pala saiyo.
Nakita ni Basilio ang pagkunot ng kilay ni Isagani na ikanataka naman ng kanyang Ate

Pasensya na at ngayon lamang kami nakarating ng aking kabigan, narito na pala ang iyong mga pinasuyo sa mercado.

Pagbabago niya ng usapan.

Lucia: Ah Klay nais ko lang ipabatid sayo na meron ng mga kahoy panggatong para sa kailangan mong paglulutuan. Yun lang naman, mauna na ako upang makapag usap kayo ng mga bisita mo.
Klay: Ah thank you ate Lucia kunin ko nalang mamaya

Bumaling sa kanila si Klay

Klay: Oh pasok kayo, kanina pa ba kayo dyan? May gusto ba kayong inumin or kainin? Juice, tea, coffee or water lang?
Isagani: Hindi mo na kailangang mag-abala Binibining Klay, busog na ang aking tenga sa aking mga nadini-

Hindi na naituloy ni Isagani ang sinasabi dahil siniko siya ni Basilio sa kanyang tagiliran.

Basilio: Ayos lang kami Ate Klay. Hindi mo kailangang pagurin ang sarili mo maghanda ng kung ano pa. Naparito lamang kami upang ihatid itong mga kailangan mo.
Klay: Naku ito naman parang iba? Im your big sister so syempre need ko na asikasuhin kayo no.

Nagsimula itong kumuha ng baso para sanay kanilang inumin ngunit napatigil ito

Fidel: Klay? Narito na ko. Nariyan ka ba sa loob?

Napatingin silang lahat sa tinig na nagmula sa pinto.

Klay: F-fidel? Fidel! Bat nandito kana? Kala ko bukas pa balik nyo ni Elias?
Fidel: Nang matapos naming kausapin ang pinuno ng kabilang bayan ay nagmadali rin kaming umuwi agad, pagkat nag-aalala ako sa iyong kalagayan lalot mag-isa ka lamang rito sa aking kubo.

Isagani: Hindi naman nag-iisa ang Binibini pagkat narito kaming dalawa ni Basilio upang samahan siya at dalaw dalawin sa loob ng apat na araw na wala kayo Ginoo.
Fidel: O nariyan pala kayong dalawa. Magandang hapon sainyo Basilio at Isagani.
Basilio: Buenos tardes Ginoong Fidel. Tunay ang mga tinuran ng aking amigo. Naritot parito kami upang tignan lagi ang lagay ng aking Ate Klay.
Fidel: Maraming salamat sainyong dalawa, sa pagtingin at pagbantay sa aking..ah.. kay Klay.
Klay: Ano ko? Bata? kelangang bantayan? Alam nyo naman kayang kaya ko ang sarili.
Fidel: Batid ko naman iyon Klay, ngunit iba pa rin na mayroon akong napagkakatiwalaan makakasama mo sa tuwing wala ako sa iyong tabi.

Nagkatinginan si Basilio at Isagani..

Klay: Naku! Charot mo! Kumaen ka na ba? sigurado pagod ka, halika at ipagluluto kita.

Isagani: Nasaan na ang Ateng mag-aasikaso raw saatin Basilio? Mukang nalimutan na nila na nandito pa tayong dalawa.

Bulong ni Isagani kay Basilio

Basilio: Hayaan mo na, tara na at iwan na muna natin ang dalawa nang makapag-usap.

Napailing na lang si Isagani. Magsasalita sana ito upang magpaalam ngunit nasa loob na sila ng sarili nilang mundo.

Isagani: Umuwi ka na baby
'Di na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap kita

Napatingin ang magkasintahan kay Isagani at nagpatay malisya lamang ang binata pagkatapos ay bumaling sa isat-isa, may pagtataka sa muka ng Ginoo at sya namang pamumula ng pisngi ng dalaga. Lumabas na sila ng kubo at hinila ang amigo. Naiiling na lang silang natatawa na naglakad.

Basilio: Kamusta na kaya si Juli-
Isagani: Kamusta na kaya si Paulita-

Sabay nilang wika.
Nagkatinginan at natawa na lamang sila sa kanilang mga sarili.

Filay (one shots)Where stories live. Discover now