Hawak kamay

235 7 5
                                    


"Ahm Fidel...?"

"Klay? Andyan ka na ba? Ayos na ang ating higaan.."

Galing loob ay hinawi ni Fidel ang kurtinang nagsisilbing harang mula sa kwarto nila palabas at napahinto ito pagsasalita nang makita sila..

"Ahh Fidel.."

"Magandang gabi po Señor Fidel."

Mahinhing pagbati nito.

"Magandang gabi din naman saiyo Juli..."

"Dito muna matutulog ngayon gabi satin si Juli.."

Nagtaas baba ang dalawang kilay ni Fidel sa sinabi ni Klay.
Pinanlakihan naman siya ng mata ng dalaga pagpapahiwatig na tumugon sa kanyang sinabi.

"Ah ganoon ba.."

"Ate Klay, ayos lang naman ako.. at isa pa.. ayoko pong makaistorbo sainyo ni Señor Fidel.."

Nahihiyang saad ni Juli.

"Ano ka ba Juli! Ayos lang no! At saka duty si Fidel ngayong gabi magbantay kasama sila Elias at kuya Hernando.. Di ba Fidel?"

"Ha?"

"Duty kayo ngayon? Di ba? Di ba?"

"Ha? Ahh! Oo! Tama ang Ate Klay mo. Syang tunay! Ngayong gabi nga pala kami nakatakdang magbantay sa ating kuta, Hehe tama.."

"Ganoon po ba.."

Mabuti na lang at nagets na ni Fidel ang gustong iparating ni Klay kasi hindi na niya malaman anong panlalaki at paniningkit ng mata ang gagawin nya para lang maipasa ang telepathic message nya.

"Ah sige Juli maupo ka muna dyan. Ihahatid ko lang si Fidel sa labas. Tara Fidel!"

Nginitian ni Klay si Juli habang hinila naman niya papalabas si Fidel. Tumango naman ang dalaga bilang pagsang-ayon.

Nang makalabas ay ipinaliwanag ni Klay ang kaganapan.

"May problema ba Klay?"

"Ah, ganito kasi. Nagkaroon ata sila ni Basilio ng di pagkakaunawaan, nakita ko syang umiiyak. .ehh natakot ako kasi baka magbalak na naman ng kung anong masama na gawin sa sarili nya gaya nung nakaraan..kaya naisip kong ayain magsleep over.."

"Ah ganoon, o' sige, magbabantay at magmamatyag na lang muna ako ngayon gabi upang makapagpahinga at maliwanagan ang isip ni Juli. Tama ang iyong desisyon..Napakabuting tao mo talaga Klay.."

"Ikaw din naman Fidel..kasi madali mong naintindihan ang sitwasyon at nagparaya ka..Salamat Fidel."

Muli nang bumalik sa loob si Fidel at Klay upang kunin ang kagamitan at armas ni Fidel. Nadatnan nilang naroon padin si Juli sa kanyang kinauupuan.
Tahamik at malungkot.
Nagkatinginan si Fidel at Klay.



~

"Oh Juli, feel at home ka lang ah.."

"Ho? Ate Klay?"

"Ahh este..kamusta pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? May gusto ka bang inumin?"

"Ayos lang po ako Ate Klay, hindi po ako nagugutom.. Salamat po.."

Napabuntong hininga si Klay.

"Osige, kung ganoon eh magpahinga na tayo.."

Tumingin sa kanya ang dalaga at nginitian nya lamang ito.

Nang makapwesto na sa pagpag ay tinabihan nadin ito ni Klay.

"Maraming salamat po Ate Klay.."

Filay (one shots)Where stories live. Discover now