Nahuhulog na ako, pero bakit? (supposedly another ending)

223 10 2
                                    

"Mahal kong Crisostomo, nakita mo na ba ang ating kaibigang si Klay?"

"Hindi ko pa rin siya nakikita Maria."

Tugon ni Crisostomo sa kanyang irog. Matapos na magkaroon ng kaunting kaguluhan sa loob ay bigla na lamang umalis si Klay nang hindi nila alam ang tunay na nangyari.

"Ikaw ay kumalma mahal ko. Paniguradong nariyan lang si Binibining Klay..Hindi naman siya basta basta makakauwi dahil hindi niya alam ang daan pauwi. Sigurado na hihintayin niya tayo..ang kailangan lang ay mahanap natin siya.."

"Iyon na nga ang ipangangamba ko, hindi alam ni Klay ang lugar na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Iyon na nga ang ipangangamba ko, hindi alam ni Klay ang lugar na ito..Paano kung maligaw siya? Madilim pa naman ang daan.."

"Hindi ko pa nga alam kung paano natin lulutasin ang mga nangyari sa loob ng bulwagan.

"Amigo, Maria. No te preocupes más, nagawan ko na ng paraang ang mga kaguluhan sa loob. .ako na rin ang bahalang maghanap kay Binibining Klay."

Saad ni Fidel nang makalapit ito kay Crisostomo at Maria Clara.

"Muchas gracias Amigo, sige babalik na kami sa loob upang maibaling saamin ang atensyon ng mga bisita nang agad nila malimutan ang kaguluhan.."

"Fidel por favor, hanapin mo sana ang aking tukayo at tiyakin na siya ay ayos lamang.."

"Prometo que lo hare Maria

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Prometo que lo hare Maria.."

"Muchas gracias Fidel.

"Bueno, mauna na ako. Amigo, Maria."

"Mag-ingat ka Fidel."

Saad ni Crisostomo.

At sya nang paglakad ni Fidel upang hanapin ang babaeng naging sentro ng kaguluhan kanina. Mabuti na lamang ay agad na nanahimik ang matandang ginang sa pag-eeskandalo sa bulwagan ng suhulan niya ito ng isang mamahaling sutlang tela na mula sa kanyang mga paninda.

Ngunit walang pakialam doon si Fidel kahit gaano pa kalaking halaga ang nalugi sa kanyang mga papinda dahil mas importante ay si Binibining Klay.

Nang magtagpo ang mga mata nila kanina ay alam niyang may mali kaya marapat na mahanap agad niya ang dalaga.

Filay (one shots)Where stories live. Discover now