Mga Paandar at pasabog

286 11 6
                                    

Tulala lang sa 'king kwarto
At nagmumuni-muni
Ang tanong sa 'king sarili
Sa'n ako nagkamali
Bakit sa iyo pa nagkagusto
Parang bula ika'y naglaho
Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro vira’l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvidas yo contigo

Tulala lang sa 'king kwartoAt nagmumuni-muniAng tanong sa 'king sariliSa'n ako nagkamaliBakit sa iyo pa nagkagustoParang bula ika'y naglahoPorque contigo yo ya iskujiAura mi corazon ta supriBien simple lang iyo ta pidiEra cinti tu el cosa yo ya ci...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mula sa sala de menor ay rinig ni Maria Clara ang pag-awit ng kanyang katukayo na si Klay mula  bintana.
Napatingin siya rito.

"Crisostomo, ang sabi mo saakin ay nagkaayos na si Klay at Fidel? Ngunit bakit ganoon na lamang ang awitin ni Klay.  Nakamamanglaw pakinggan."

Napakunot ng kilay si Crisostomo at napatingala sa pinanggalingan ng tinig.

"Ang alam ko at ang sabi saakin ni Fidel ay nagkaayos na nga sila ni binibining Klay."

"Hindi kaya't nagkaroon na naman sila ng hindi pagkakaunawaan?."

"Hindi ko masasabi Maria, alam mo naman ang dalawang iyon, parang aso't pusa kung magbangayan."

"Kaawa-awang Klay."

Kung totoo man ang pakiwari ni Maria ay napagdesisyunan niyang dadamayan ang katukayo. Kung ito man ay nabigo sa pag-ibig ay sasamahan niya ito sa pagdadalamhati ang dalaga.

Sa unang pagkakataon na nagkadaupang palad sila ng naturang babae ay talaga namang kagulat gulat ang mga kakaibang gawi, pananalita at ang pagkatao nito. Inakala pa niya na may lihim silang relasyon ng kanyang nobyo na si Crisostomo ngunit hindi naglaon ay nagpagtanto niya na ang pag-iibigan nila ni Crisostomo ang ipinaglalaban nito. Nagtataka man siya, ay malaki ang pasasalamat niya sa babae pagkat kung hindi dahil dito ay matagal na silang nagkawalay ng minamahal na nobyo.

Sana’y magmilagro
Mabalik ko
Mali ay maiderecho
Pinagdarasal ko sa’king puso
Na mabura na sa isip ko

Sana’y magmilagro Mabalik koMali ay maiderechoPinagdarasal ko sa’king pusoNa mabura na sa isip ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakita nila sa kanilang pag-akyat na naglilinis si Klay sa Sala Manor. Naputol ang pag-awit nito at napatingin ito sa kanilang dalawa ng kasintahan.

"Sir Ibarra, oh Clarita! Andito ka pala, kanina pa kayo?"

Filay (one shots)Where stories live. Discover now