Naliwanagan

561 15 11
                                    

Matapos samahan ni Fidel ang kaibigang si Crisostomo mamanhikan sa tahanan ng kasintahan nitong si Maria Clara ay dumiretso sila sa Casa ng mga Ibarra. Doon ay inalok siya nito na panandaliang manatili at uminom ng vino upang magdiwang sa matagumpay na pamamanhikan sa kanyang nobya.
Habang nakaupo at humihigop ng vino ay palingalinga si Fidel, nagbabakasali na magpakita ang dalagang kanyang pinagtapatan ng damdamin.

"Fidel, mukhang hindi ka mapakali sa iyong kinauupuan. Ayos ka lamang ba aking Amigo?"
"Ah patawad kaibigan at kung ikaw ay naiilang sa aking kinikilos."
"Hinahanap ba ng iyong mga mata ang dalagang naninirahan dito sa aking tahanan?"

Napansin pala ng kanyang kaibigan ang kanyang mga gawi at nahuluan din nito ang kanyang kinikilos.

"Nagkakamali ka Crisostomo pagkat hindi lang ang aking mata ngunit pati ang aking puso ay nagnanais na mahagilap ang tinutukoy mong dalaga...Akin kasing napansin na para bang iniiwasan ako ni Binibining Klay matapos ang insidenteng naganap sa pagitan naming dalawa.."
"Ang pagnakaw mo ng halik kay Binibining Klay ba ang iyong tinutukoy?"

Napahigop siyang muli ng vino, hindi niya alam kung epekto ba ng inumin ngunit naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi.

"Muli kong lilinawin na hindi ko iyon sinasadya at wala akong balak na dumihan ang reputasyon ni Binibining Klay. Nasabi ko rin naman na may balak akong panagutan sya. Na handa ko siyang pakasalan sa kahit saan mang simbahan na kanyang naisin."

Mukha namang pinaniwalaan siya ng kanyang amigo pagkat tumango tango ito kasabay ang paglagok ng inumin.

"Ngunit sa aking palagay ay parang bang iniilagan akong makita ni Binibining Klay."
Malungkot niyang pag-amin sa kasama.
"Iyan ba ang iyong tingin Fidel? Umiiwas sayo si Miss Klay? Kung sa bagay.. at kung ako rin ang nasa kanyang sitwasyon ay..maiilang din ako."
Turan ng kanyang amigo na may kasama pang mahinang pagtawa.
"Kakasabi ko lang kaibigan, na hindi-
Dahil sa biglang niyang pagtayo ay tumapon ang vino mula sa kanyang tasa papunta sa kanyang kasuotan.
"Nagbibiro lamang ako amigo!" Natatawang sabi nito "at alam ko namang totoo ang iyong mga sinambit.. tignan mo natapunan tuloy ang iyong baro."

Tinignan niya ang kanyang kasuotan, nabasa na ito ng kanyang iniinom na alak.

"Magpalit ka muna ng iyong kasuotan,
maari kitang pahiramin ng damit. Yaan mo at tatawagin ko si Mang Adong sa kusina."
Akmang tatayo na ito pero pinigilan ito ni Fidel.
"Ako na lamang ang tutungo kay Mang Adong. Maupo ka na lamang riyan Amigo. Nakakahiya naman at kailangan mo pa akong asikasuhin, ako naman ang siyang may kasalanan kung bakit tumapon ang vino sa aking baro. Husto na at ako na lamang, maraming salamat nga pala sa pagpapahiram ng iyong baro."
"Walang anuman iyon amigo, ano pat matalik tayong magkaibigan. Nariyan ka nga nang ako'y namanhikan kay Maria Clara ano ba naman ang pahiramin ka ng damit. Osige, dumiretso ka lang at sa dulo ay naroon ang kusina at doon mo matatagpuan si Mang Adong."



Iniwan na niya ang kaibigan at tumungo sa kusina. Pagdating niya roon ay wala ang pakay na lalaki bagkus ay ang nadatnan niya ay ang babaeng kanyang sinisinta..
ngunit ano ang ginagawa nito rito sa kusina?
Nanatili lamang si Fidel sa hamba ng pinto, hindi siya gumawa ng kahit anong ingay upang hindi magulat ang dalaga.

You tell me, you're in love with me
Like you can't take your pretty eyes away from me
It's not that I don't want to stay
But every time you come too close, I move away

Humihimig si Binibining Klay? Sa salitang Ingles.

May ibang lalaki ba ang nanliligaw sa Binibini? Ang alam niya ay siya lamang ang tanging lalaki ang nagtapat ng nararamdaman sa dalaga. Ibig ba nitong sabihin ay patungkol sa kanya ang awitin?

I wanna believe in everything that you say
'Cause it sounds so good
But if you really want me, move slow
There's things about me, you just have to know

Umiindayog pa ang mga balikat nito.

Move slow? Kung gayon ay nabibilisan si Binibining Klay sa ginawa niyang pag-amin ng damdamin at pati narin ang alok na kasal.

Sometimes I run
Sometimes I hide
Sometimes I'm scared of you

Magtago at matakot? Ngunit bakit kailangang matakot dapat nga ay magdiwang ito sa kanyang ginawang pag-amin.

But all I really want is to hold you tight
Treat you right, be with you day and night

Lumukso ang puso ni Fidel sa narinig gusto rin siyang makasama ng babaeng kanyang tinatanggi. Gusto rin siya nito! Lumapad ang kanyang mga ngiti sa mga narinig.

Baby, all I need is time

Biglang naputol ang pagdiriwang ni Fidel sa kanyang sarili. Ahh. Nangangailangan pa pala ito ng panahon. Ito marahil ang dahilan kung bakit umiiwas ito sa kanya

Just hang around and you'll see
There's nowhere I'd rather be
If you love me, trust in me
The way that I trust in you

Nagtitiwala ito sa kanya. Kung gayon ay dapat suklian rin niya ito ng pagtitiwala at huwag madaliin ang nararamdaman ng dalaga.

Marahan at maingat pumihit patalikod si Fidel upang hindi makalikha ng anumang ingay at naglakad na pabalik kung saan niya iniwan ang kaibigan kanina. May mga ngiti sa labi at may nagagalak na damdamin, limot ang tunay na dahilan ng pagtungo sa kusina.

"Fidel? Ano nang nangyari at hindi ka pa nakapagpapalit ng iyong damit? Hindi mo ba nakita doon si Mang Adong?" Nagtatakang tanong ni Crisostomo nang maupo siya sa katapat nitong bangko.
"Ayos lamang ako kaibigan bagkus ay naliwanagan na ako sa dapat kong gawin upang makamit ang aking pinapanalangin." Nakangiting saad ni Fidel.

Nagkunot ang mga kilay ni Crisostomo ngunit nagkibit balikat at hinayaan na lamang niya ang amigo sa tinutukoy nitong naliwanagan pagkat siya rin ay lutang  sa sarili nitong kaligayahan at napupuno ang kanyang isipan sa nalalapit nilang kasal ni Maria Clara.





Notes:

Hello po, this story was inspired sa song ni Britney Spears na Sometimes. Well I cannot remember kung saan ko biglang narinig to pero nung inulit ulit ko yung mga lyrics eh bigla na lang din akong nakaisip ng kwento na swak sa Filay. So ito po. Hope you liked it Thanks for reading ❤️

https://open.spotify.com/track/1UI0l2L66HJ9AtoEOlHzv4?si=IypVIsOWTTudoTskcDlqyQ&utm_source=copy-link




Filay (one shots)Where stories live. Discover now