Mahiwaga

359 12 8
                                    

"Basilio, ilang taon na nga ba ulit ang iyong ate Klay?"
"Ha?"
Napatingin sa kanya ang kaibigan. Ngumiti naman siya rito.
Humawak ito sa kanyang baba at nag-isip..
"Sa wari ko, at kung titignan ang wangis ni ate Klay ay nasa kaparehong edad lamang natin siya pero ang sabi nya ay nasa trenta anyos o mahigit pa sya. Magkaiba raw ang oras natin sa oras ng kanyang mundo kung kaya't hindi nagbago ang kanyang anyo.. Ewan ko Isagani, naguguluhan ako. Alam mo namang may hiwagang bumabalot sa pagkatao ni ate Klay."

"Ganoon ba?" Patangu-tango niyang pagsagot.


Kapag katanghalian..

"Binibining Klay, nais mo bang tulungan kita sa pagsisiga niyan?"
"Oh Isagani! Sige nga, ikaw nga magpaningas nito at hirap akong gawin kapag walang lighter or posporo. Kelan ba kasi mauuso ung lpg dito. Natatagalan tuloy ako magluto."
Saad nito habang binigyang daan siya nito patungo sa lutuan.
"Thank you ah!" Pagpapasalamat nito na may kasamang matamis na ngiti.
Napatulala naman si Isagani sa ganda ng ngiting ipanapakita sa kanya ng dalaga. Napakurap siya, madaling ginising ang sarili sa muntikang pananaginip at sinimulang paningasin ang lutuan

Nagtungo naman si Klay sa mesa upang ipagpatuloy ang paghihiwa ng mga gulay nang marinig niya itong umawit.

 Napapangiti mo ako
Kahit 'la ka namang ginagawa
Parang di na to nakakatuwa
Nahuhulog na sayo
Tadada
Tadada
Tadada
Tadadadada


Flashback

"Ayos ka lang ba Isagani? Bat mag-isa ka dito? Umiiyak ka ba? Siguro nag-eemote ka no?"

Napalingon si Isagani sa kanyang likod ng marinig ang boses ni Binibining Klay. Pinahid agad niya ang luha sa mga mata upang hindi ito makita ng dalaga.

"Hindi no! At bakit naman ako luluha? Para saan?"

Inabutan siya nito ng salabat at umupo ito sa kanyang tabi.

"Ah Binibining Klay, maaari bang magtanong?"
"Oh sure, kahit ano basta keri ng powers ko."
Nakunot ang muka niya sa mga salitang binitawan ng dalaga na hindi mawari ngunit hindi na niya iyon pinansin.

"Nang magkawalay kayo ni Ginoong Fidel, ano ang iyong naramdaman?"

"Hmm?! Why so serious ang tanong natin sir? mukhang matindi pinagdadaanan natin ah?"
"Tsk! Huwag na nga lang, akala mo siguro ay nagbibiro ako."
"Hahaha init ng ulo. Joke lang naman, kala ko kasi puro ka lang kalokohan may serious mode ka rin pala...pinapatawa lang kita."

Sinamaan niya ito ng tingin ngunit ngumiti lang ito at sumenyas ng gamit ang dalawang daliri.

"Peaacee?"
"Ganyan ba ang tingin mo saakin Binibining Klay?"

Walang emosyong saad niya.
Sumeryoso rin ang mukha ng dalaga

"Sabi ko nga seryoso ka..."

Tahimik lang siyang humigop ng salabat.
Nagsimula itong magsalita muli.

"Sabi ko nga senyo, iba yung timeline sa mundo ko. Kaya isang linggo lang para sakin nag isang dekada pero yung pakiramdam na mawalay or isipin na hindi mo na makikita yung taong mahal mo is masakit para sakin. Nakakatakot. Nakakabaliw..."

"...pero minsan may mga taong pinagtagpo lamang pero hindi itinadha para sa isat-isa..Siguro sinuwerte lang din ako dahil pinagbigyan pa ako ng tadhana, kaya di ko sasayangin yung pagkakataong ibinigay sakin."

Tumayo ito at hinawakan ang kanyang kanang braso sabay ngumiti.

"Oks lang yan, bata ka pa naman."

At saka umalis.

Pinagmasdan niya itong lumakad patungo sa lugar ni Ginoong Fidel at Ginoong Taga usig at nakipag-usap.
Humigop syang muli ng salabat.

"Matamis."

Filay (one shots)Where stories live. Discover now