Mga pag-aalinlangan ng puso

307 9 7
                                    

"Magandang umaga sayo aking binibining Klay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Magandang umaga sayo aking binibining Klay. Handa ka na ba sa ating pamamasyal?"

"Good morning din sayo Fidel. Maka akin ha? Excited ka ah. Easy ka lang sir. Ready na ako!"

Parang ready na akong sagutin ka Fidel.
Sa isip na lang iyan ni Klay.

Ngayon araw ay napag-usapan nila ni Fidel na magkikita at mamasyal silang dalawa, pambawi raw ito ni Fidel sa kanya sa dalawang araw na absent ito sa pagdalaw sa kanya sa Casa Ibarra. Nagtungo daw ito sa kabilang bayan dahil may negosyong inasikaso.
Naiintindihan naman niya ito dahil alam nyang importante ito at syempre, negosyo niya ito.

Speaking of Ibarra.
Nagpaalam at humingi ng pahintulot naman si Klay kay Crisostomo na siya namang pumayag sa kanilang kahilingan at ngayon, ito na nga, ay sinundo siya ni Fidel ngayon dito sa casa ng mga Ibarra.

"Halika kana binibini at simulan na natin ang ating pamamasyal."

Wika ni Fidel na may kasamang matamis na ngiti.

"Arat!"

Sagot naman ni Klay.

"A-arat? Anong ibig mong sabihin noon Klay?"

"Binaligtad na tara lang yun. Haha . Tara. Arat. Oh di ba?"

"Ahh!"

Tatango tangong saad nito.

"Tama, arat na Binibining Klay."

Akmang lalakad na sana patungong kalesa si Fidel ng pinigilan niya ito.

"Ah, Fidel, pwede bang wag na tayong magkalesa? Pwede bang maglakad na lang tayo?"

"Bakit Klay? Nahihilo ka ba sa kalesa?"

"Ah hindi naman sa ganon...para kasing mas ok kung maglalakad na lang tayo para mas matagal tayong magkapag. .usap ba? Mas matagal tayong magkasama? Di ba? Para mas madaming moments."

Kitang kita ni Klay ang biglaang pamumula ng mga pisngi ng binata na sa kanya ay nakapagpangiti.

Kitang kita ni Klay ang biglaang pamumula ng mga pisngi ng binata na sa kanya ay nakapagpangiti

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Cute.
Bulong niya sa sarili.

"Si..sige ba! Kung iyan ang iyong nais aking Binibini."

So ayun na nga..Mula casa ay nilakad nila ang daan papunta sa may parke kung saan nila balak mag-usap at magkabonding bondingan.

Filay (one shots)Where stories live. Discover now