Paadd Po ng extra 2k

277 10 17
                                    


yeah yow yeah yow
Ikaw nalang ang katabi ngayong gabi
Pe-pwede tayo magpabaga pag nanlalamig
Oh magdamag nakasinde buong gabi
Naghahanap kasi ng tama ang nagkamali
Ikaw nalang ang katabi ngayong gabi
Pe-pwede tayo magpabaga habang malamig
Oh magdamag nakasinde buong gabi
Oh ansarap kasi ng tama kahit na mali

"Binibining Klay, nabibilib talaga ako sa mga awiting naririnig ko saiyo.."

Ani ni Lucia.

Pasado alas tres na nang hapon at naglalakad na pabalik sila Klay at Lucia sa kuta mula sa lugar kung saan nagtatago naman ang nakatatandang kapatid nito na si Pablito.

"Ah, hehe.. weird ba? este kakaiba ba? Trip ko kasi mga kanta ni Al James eh, ang angas ng boses nya kasi."

"Al...Dyems?? Hindi ko na naman mawari ang nais mong sabihin Binibining Klay.."

"Ay pasensya na haha..Panget ba yung kanta? Iibahin ko na lang.."

"Ay hindi sa ganon! Nakatutuwa ngang pakinggan..Kakaiba at nakamamangha ang tono kahit hindi ko masyadong maintindihan ang nais iparating ng iyong awitin..hehe"

"Tawag sa ganung klase ng kanta samin ay rap."

"Rap?"

"Oo..kasi parang tumutula ba pero mabilis yun kumpara sa simpleng pagtula ba.."

"Ahh..kay husay mo talaga Binibining Klay. Hindi lang sa pag-awit ganoon nadin sa panggagamot."

"Naku, yun ba? Paunang lunas lang iyon di pa yun as in pang gagamot."

Nahihiyang pagtugon ni Klay. Ang totoo nyan, nagpasama talaga sa kanya si Lucia upang magpatulong ito sa paggamot sa Kuya nitong si Pablito matapos na magkaroon ng engkwentro sa mga guardia civil sa isang pagsalakay nila noong nakaraang gabi.

"Nais ko paring ipabatid sayo ang taos puso kong pasasalamat Binibining Klay sa paggamot mo sa aking Kuya Pablito.."

Senserong pahayag ni Lucia

Ngumiti naman si Klay at tumugon..

"Walang anuman Ate Lucia."


~


Nakarating na lahat lahat si Klay sa kuta ngunit hindi parin niya mahagilap si Fidel.
Umaga pa nang huli silang nagkita dahil isinama ni Elias si Fidel sa lakad nito at sya naman ay naiwan.

"Kuya Hernando, nakita nyo ba si Fidel?"

"Ah, Binibining Klay. Magandang hapon saiyo.."

"Magandang hapon din naman.."

"Si Naliwanagan ba? Kanina ay nakita ko siyang umakyat sa may taas ng burol at nang bumalik ay may dala na itong pamingwit.."

"Pamingwit?"

"Oo, magpupunta raw siya sa may batis upang magbakasakaling makahuli ng isda.."

"Ha?? Sa batis? Pwede ba yun?"

"Oo naman Binibini, kung minsan ay may mga naliligaw na isdang tubig-tabang sa batis lalo pa at may pag-ulang naganap ng mga nakaraang araw..

"Ah ganun ba, well nung nakaraan nga may baby crocodile eh, freshwater fish pa kaya."

"Ha? Ano kamo Binibini?"

"Naku, wala hehe.."

"Nais mo bang samahan kita papunta kay Nali?"

"Ah hindi na, ok na ko. ako na lang hehe..Sige salamat.. Pupuntahan ko na lang sya dun, alam ko naman na papunta doon eh."

"Osige, mag-iingat ka na lamang Binibining Klay."

Filay (one shots)Where stories live. Discover now