Ngayon, ako naman

85 2 5
                                    

Notes:
(First time ko maglagay ng YouTube video, ginaya ko lang to sa ibang nabasa ko. char! Ahm, siguro bandang kalagitnaan nyo na lang iplay yung song para mas dama. Well mababasa nyo naman kung saang part ito akma pero bahala kayo sa trip nyo, haha suggestion lang naman itong paunang notes ko. hehe. Sige basahin mo na. Di nq magkuda.🤐)



"Haay.."

Buntong hininga ni Fidel.
Palihim na napatingin si Klay kay Fidel nang marinig niya ang malalim at iritableng pagbuntong hininga nito.

Hindi siya kumibo at umikot lang ang mga mata niya bilang reaksyon dito.

"Hindi ko akalain na magkakakilala pala kayo nila Pinuno at Nali, binining Klay."

Panimula ni Hernando.

"Ha? Ah eh.. Oo. Matagal na nga kaming magkakilala."

Tugon niya.

Humarap ito sa kanila habang patuloy ang pagpapatakbo ng kalesa.

"Ikaw Nali, bakit naman hindi mo agad sinabi na si binibining Klay pala ang babaeng tinutukoy-"

"Pwede ba Hernando. Sa daan ang tingin mo at hindi sa amin. Baka madisgrasya pa tayo sa ginagawa mo."

Napakamot lang ito ng ulo sa ginawang pagsita sa kanya ni Fidel ngunit nagpatuloy pa rin ito sa mga katanungan nito.

"Paano ba kayo nagkakilala ni Nali, binibining Klay?"

Hirit pa nito.

Siya naman ang napakamot sa ulo sa naging tanong nito.



Isang linggo ang lumipas matapos ang naging madamdaming pag-uusap nila ni Fidel ay ngayon lang ulit sila nagkita ng dating kasintahan. Ngayon lang ulit nasilayan ni Klay si Fidel matapos nitong ilahad ang mga kinimkim na hinanakit sa kanya na dumurog sa damdamin niya. Well, kasalanan naman nya ito kaya anong magagawa niya kung ganoon ang naramdaman nito.
Ayon sa iba nilang kasamahan ay nagtungo raw ito mag-isa sa ibayong baryo dahil sa isang misyon at ngayon nga ay magkasama sila ngayon para sa inatang na misyon sa kanila ni Elias.

Apaka-awkward. Sa isip niya.

After nilang mag-usap ay biglang ganito ang ganap. Hindi pa sya nakakarecover sa mga sinabi nito sa kanya at ngayon ay magkatabi sila sa isang kalesa patungo sa isang piging kung saan ay hinihintay sila ni Simoun.

Hindi sa ayaw niya o nagrereklamo sya pero hindi alam ni Klay kung sinadya ba ito ni Elias na silang dalawa talaga ang isinabak sa misyong ito.

Ang misyon ay kailangan nila magtungo sa piging na gaganapin sa bayan upang makausap at makumbinsi ang isang negosyante na galing Europa na umanib sa kanila sa tulong ni Simoun.

At dahil party ng mga nasa aristokrata ang mga dadalo ay kailangang nakaawra ang peg nilang dalawa ni Fidel.

Moments before

"Kailangang ba talagang ako ang magtungo sa piging na iyon?"

"Hoy Fidel, ang dami mong kuda! Kung marami kang reklamo, 'wag ka na! Ako na lang mag-isa!"

Nakasimangot si Klay sa klase ng tanong ni Fidel but more than that mas nasaktan siya rito na para bang ayaw siyang makasama nito ngunit wala syang balak iparamdam o ipakita na nasasaktan siya.

"Fidel, walang ibang nababagay sa misyong ito kung hindi ikaw. May kaalaman at karanasan ka sa mga ganoong klase ng pakikisalamuha sa mga taong nasa mataas na lipunan ng bayan.. at isa pa kasama mo naman si binibining Klay."

Nagkatinginan silang dalawa ni Fidel sa sinabi ni Elias ngunit hindi niya mabasa ang gustong ipahiwatig ng mga tingin nito.

"Sa huling pagkakaalala ko ay palaging delubyo ang naging dala ni binibining Klay sa bawat salu-salong napupuntahan niya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Filay (one shots)Where stories live. Discover now