Sa'yong sa'yo at laging ikaw

414 11 15
                                    

"Binibining Klay, magandang umaga."
"Magandang umaga din naman Elias."
"May problema ba Klay? Tila balisa ka?"
"Ha? Ah hindi ah. Nga pala, nakita mo ba si ate Lucia? Wala kasi sya dun sa kubo nya."
"Si Lucia? Umalis siya at nagtungo sa kanyang nakatatandang kapatid na si Pablito. Bakit?
"Ah ganun ba? Ok."
"Maganda umaga sainyo pinuno, Binibining Klay."

Lumapit sa kanilang kinatatayuan si Hernando.

"Ah hello kuya Hernando. Eh, Elias, si Helena ba nakita mo?"
"Binibini, si Helana ba ang iyong hanap? Ay kaaalis lamang niya patungong bayan. May kailangan ka ba sa kanya?" Ani ni Hernando.
"Bakit Klay, may problema ba?"

Tinignan ni Klay ang dalawang lalaki. Alanganing napangiti, napaisip kung sasabihin ba nya ang kailangan niya pero nagdesisyon na lang din na hindi na lang sabihin.

"Si Fidel? Nasan sya?"


"Ahchoo!!"

Napabahing si Fidel.
Kinusot niya ang kanyang ilong.
Hindi naman ganoon kalamig ang panahon para siya ay sipunin. Sa katunayan ay nainom pa siya ng salabat habang mag-isang tinatanaw ang kagandahan at kapayapaan ng kalupaan dito sa itaas ng burol.

Humigop siya ng kanyang inumin.
Hanggang ngayon ay hindi maiwasan ni Fidel na mapaisip kung sino ba o ano ba talaga ang tunay niyang pagkatao o ang kanyang ginaganapan dito sa nobelang tinutukoy ni Klay.
Kahit nakailang ulit na niyang binuklat ang libro ay hindi niya makita ang kanyang pangalan.

"Fideelll!!"

Napalingon siya sa dilag na patakbong umaakyat papunta sa kanya habang isinisigaw ang kanyang ngalan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napalingon siya sa dilag na patakbong umaakyat papunta sa kanya habang isinisigaw ang kanyang ngalan.

Parang isang diwata na biglang lumitaw sa kanyang harapan. Ang mga buhok na kumakawala ay parang sumasayaw sa hangin.

Kay gandang pagmasdan.

Ang tinig kung pano niya bigkasin ang kanyang pangalan ay tila ba nagiging  liriko sa isang kundiman at nagiging musika sa tuwing sinasabi ito ng babaeng kanyang iniirog.

Kay sarap pakinggan.

Napahigop siyang muli ng kanyang salabat.

"Fidel! Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap eh! Andito ka pala. hooh! Kahingal umakyat ah!'

"Klay, bakit? May nangyare ba? Gusto mo ba ng maiinom upang mapatid ang iyong uhaw?"

"Ah sige thank you!"

Kinuha nito ang baso ng salabat sa kamay niya at tinungga. Napatulala lang si Fidel sa kilos na ginawa ng dalaga. Ang balak sana niya ay salinan sa sariling baso ngunit napangiti na lang siya sa paraan na ginawa nito.
Ibinalik naman agad ni Klay ang inumin sa kanyang mga kamay at saglit niyang sinipat ito.
May bakas pa ng mga labi ng dalaga ang parte kung saan ito uminom.
Palihim niyang Inikot  iyon papunta sa direksyon niya.

"May kaganapan ba sa kuta kaya ka napahangos dito?"
"Ah wala naman, kaso may kailangan ako sayo."
"Ano iyon aking Binibini? Kahit ano. Alam mo namang gagawin ko ang lahat para saiyo."
"Kaso medyo nakakahiya eh."
"Nakakahiya? Wala kang dapat ikahiya saakin binibini. Lahat ng hilingin mo saakin ay ibibigay ko mapasaya ka lamang."
"Ay grabe naman Fidel! Wag ka nga! Bumabanat ka pa eh! Kinikilig nako kaya wag ka na mag-alala plus points ka na sakin!"

Filay (one shots)Where stories live. Discover now