Mga kaganapan at kaguluhan

323 11 18
                                    

"Kamusta naman naging lakad nyo Fidel? Elias?"

"Klay, Basilio. Ayos naman ang aming naging paglalakbay papunta dito. Kayo ba?"

"Magandang hapon Ginoong Fidel, Ginoong Elias. Ayos lang din naman po ang aming naging paglalakbay."

"Wala naman ba kayong naging aberya?"

"Masyado ka namang nag-aalala para saakin Klay, ayos nga lang ako. Kayang kaya ko ipagtagtanggol ang sarili pagkat ang iyong likod ay dalubhasa na sa pagkikipaglaban sa ano mang klase ng labanan. Hindi mo kailangang mag-alala sakin Klay."

Buong pagmamalaking saad ni Ginoong Fidel.
Namula ang pisngi ng kanyang Ate Klay sa mga sinabi ng Ginoo, halatang nabisto nito ang tunay na saloobin ng babae.

May isang oras na nang makarating si Basilio at ang kanyang Ate Klay dito sa napag-usapang lugar upang katagpuin sila Ginoong Elias at Ginoong Fidel. Mula sila sa bahay ni Kapitan Tiago samantalang galing naman ang dalawang ginoo sa tindahan ng negosyanteng intsik para kumuha ng ilang armas.

"Uy! Asa ka naman Fidel. Feelingero ka talaga eh no! Saka di ba pwedeng nag-aalala ako para sa lahat?"

"Maraming salamat Binibining Klay. . sa pag-aalala."

Biglang saad ni Ginoong Elias.

"Ay sorry naman Elias."

"Simulan na natin ang paglalakbay pabalik sa kuta at doon na ninyo ipagpatuloy ang inyong away mag-asawa.. sa inyong kubo."

Sa pangalawang beses ay muling nagkulay kamatis ang mga pisngi ng kanyang Ate Klay.
Tumalikod ito para itago ang pamumula ng mukha.

"Hoy Elias, di porket kamuka mo si Jhong Hilario di kita papatulan. Patumblingin kita dyan eh!"

"Ate Klay? Sinong Hilario? At anong tamblingin?"

"Wala akong naintindihan sa mga terminong sinabi mo Binibining Klay, kung kaya simulan na lang natin kumilos."

Wika ni Ginoong Elias habang inisa isang buhatin ang mga sakong may lamang armas. Dahil wala naman siyang maintindihan sa mga pinagsasabi ng kanyang Ate ay tumulong nalang si Basilio sa pagbitbit ng ibang kagamitan. Sinamaan naman ng tingin ni Klay si Elias habang akmang magbubuhat ng isa sa mga kagamitan dadalhin..

"Klay, huwag na. Mabigat masyado para saiyo ang mga kagamitang iyan.."

"Ano ka ba Fidel, andami na masyado ng dala mo saka kaya ko naman.."

"Hindi na Klay, tama na sayo yang mga bitbit mo.. Hayaan mong ako na ang magdala ng mga ito, ano na lang ang silbi ng aking kakisigan kung hindi ko magagawang tulungan sa simpleng pagbubuhat ang aking binibini?"

Napakunot ng noo si Basilio. Ganito ba talaga ang Ginoo magsalita lalo na sa harap ng kanyang Ate Klay? Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig.

"Grabe Fidel, oo! ang lakas mo nga! . . . Ang lakas mo magbuhat ng sarili mong bangko."

"Ngunit Klay, wala namang mali sa sinabi ko? nagsasabi lang ako ng katotohanan."

Pakiwari ni Basilio ay narinig na niya ang mga linyang iyon.
Napabuga naman ng malalim na hininga si Ginoong Elias sa mga naririnig at nasasaksihan.

"Maligayang pagdating sa buhay ko Basilio."

Saad sa kanya ng Ginoo.

~

Nakatayo si Basilio at Isagani sa labas ng simbahan.
Hinihintay nila ang kanyang Ate Klay at si Ginoong Hernando.
Nagtungong muli dito sa bayan ang kanyang Ate upang kausapin ang tiyo ni Isagani na si Padre Florentino.

Filay (one shots)Where stories live. Discover now