A date in NeverLand

226 8 6
                                    

"Buenas días my dearest Klay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Buenas días my dearest Klay."

"Good morning din sayo Fidel."

Isang matamis na ngiti ang parehas sumilay sa mga labi ni Fidel at Klay.

Isang linggo na ang lumipas nang sagutin si Fidel ng babaeng kanyang iniirog ngunit hanggang ngayon ay para bang kahapon lang ang lahat ng naganap.
Tila nasa alapaap pa din ang diwa ng lalaki pagkat hindi padin niya maikubli ang galak sa kanyang mukha.

"Kanina ka pa ba naghihintay dyan?"

Tanong ni Klay kay Fidel.

"Ahh, hindi naman. Ang totoo nyan ay ah kararating ko lamang.."

Para bang may mahiwagang mahika ang bumalot kay Fidel nang siya'y napatitig sa mga mata ni Klay. Hindi niya mapigilang matulala sa tila mga bituing nagkikislapan sa kanyang harapan.

Nakatitig lamang sila sa isat-isa ngunit abot langit na ang kanyang kaligayahan.

Nakatitig lamang sila sa isat-isa ngunit abot langit na ang kanyang kaligayahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang totoo nyan ay kanina pa talaga dumating si Fidel. Sa aga niyang nagising ay napaaga rin ang kanyang pagpunta sa tahanan ng kanyang amigo.

Dalawang oras bago nagpakita si Klay~

"Amigo? Tila yata masyadong kang napaaga? Hindi pa tumitilaok ang mga manok ay narito kana."

Nakakalokong bungad ni Crisostomo kay Fidel.

"Magandang umaga din naman sayo aking amigo."

Nahihiyang pagbati ni Fidel.

"Pagpasensyahan mo na Crisostomo kung ako ay medyo napaaga ngunit ayun nga sa kasabihan, the best way to be on time is to be early.."

"Ah ganoon ba? Ngunit sa tingin ko ay tulog pa si Miss Klay.."

"Ah ayos lang naman saakin ang maghintay amigo.."

"Kung gayun ay halinat tayo at uminom muna.."

Gumayak ang dalawang binata papunta sa mesa kung saan nakahanda ang vinong tinutukoy ni Crisostomo, nang makaupo ay sinalinan at malugod namang tinanggap ito ni Fidel.

Filay (one shots)Where stories live. Discover now